XXIX

2K 78 0
                                    

KABANATA XXIX

Family

NAGTAMA kaagad ang mga mata namin ni Lanzer nang makarating kami ni popsie sa malawak na gazeebo kung saan kami maghahapunan. Ako ang naunang mag-iwas ng tingin, kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya mamaya. Hanggang ngayon lang kasi ang palugit na binigay sa’kin ni popsie para ipakilala sa kanya ang totoong Casa Angeles.

Kakatapos lang naming mag-usap sa opisina ni popsie at madami siyang ibinilin. Para ngang pinapalayas niya na ako eh. Malaki na daw ako at kaya ko na ang sarili ko. Baka naman three years din ang nawalang oras sa buhay ko. Magiging 26 years old man ako bukas pero I’m still the immature 23 year old Summer. Carefree at walang kinatatakutan.

Ngayon ay pinipilit niya akong mag grow up dahil lang sa may-asawa na ako. Kung alam niya lang, Lanzer is capable of dumping me just like that pag wala na akong pakinabang sa kanya. Ganung klase siyang tao.

“Ate Summer! Bakit ang tagal niyo ni popsie? Kanina pa’ko nagugutom!” reklamo ni Sunny.

Malawak ang gazeebo at nasa gitna ito ng malawak na pond, 15 minutes na lakaran mula sa mismong hotel.
Sa gitna ay ang malawak na picnic table at sa gilid ay grills kung saan nakita ko si Yaya Delly kasama nina Rusty at Francis na nag-iihaw ng iba’t ibang pagkain. Sila lang kaya ang kasamang body guards ni Lanzer?
Umupo si popsie sa pinaka dulo katabi ni momsie. Kumpleto na din ang mga kapatid ko maging ang multong si Autumn na malamang ay hindi nakikita ng iba dahil wala kami sa hotel.

Nasa dulo si Lanzer na pinagmamasdan lang ang mga kasama niya na nasa table at naupo ako sa tabi niya. Bahagya pa siyang nagulat pero di ko nalang pinansin. Mas magtataka sila pag di pa ako tumabi sa kanya. Sinadya ko din yun para madali ko siyang maaya mamaya pagkatapos kumain nang hindi napapansin nang mapang-asar kong mga kapatid.

Shit! Gabi na pero bakit ang bango pa din ng isang ‘to? To think na halos maghapon kaming nagpalakad-lakad sa buong Casa kanina.

Nahiya naman yung amoy kong maasim na. Hindi na kasi ako nakaligo galing sa paghaharvest kaninang umaga bago pumuntang munisipyo. Tangina, kaya siguro ako pinalayas ng conference room, nabahuan na sa’kin.

“Hoy Ezequil, ba’t ang tagal tagal niyo ni Summer? Kung anu-ano nanaman sigurong tinuro mo diyan ano?” puna ni momsie.

“Ikaw naman, may pinag-usapan lang kami ng anak mo.” –popsie

“Tsk, tigil tigilan mo na ang pagtrato diyan ng lalaki, dapat ang inaaral niya ay kung paano maging magaling na asawa at pagsilbihan ang asawa niya.”

Dahil sa sinabi ni momsie ay napa-ubo yung lalaking katabi ko. Bakit ba hindi ko nagustuhan yung ginawa niya. Para kasing pinapalabas niya na hindi ako ganun. Well, hindi naman talaga.

Naku, pagpasensiyahan mo na Lanzer yang si Summer ko ha. Balita ko ay inaway-away ka daw niyang kanina pagdating niyo.” baling naman ni momsie sa katabi ko.

“Okay lang po tita, sanay na ako.”

Aba’t tingnan mo nga naman tong lalaking ‘to! Dahil sa sinabi niya ay tumawa lahat ng kasama namin sa table.

“Hay naku Lanzer, pagpasensiyahan mo na yang anak ko. Pinalaki kasi yan ng magaling niyang ama. Palibhasa wala kaming lalaki kaya yan ang napagbuntunan niya. Imbes na maturuan ko kung paano kumilos ang isang kagalang galang na babae ay ginawa niyang maton.”

“Hayst. Alam mo naman mahal kung gaano ko kagustong magka-anak ng lalaki. Sa kasamaang palad ay hindi tayo nabiyayaan.” depensa ni popsie. “Pero di bale, since nandiyan naman na si Lanzer ay kami naman ang magbobonding.”

Lanzer, marunong ka bang mag chess?” baling nito sa katabi ko.

“Yes tito,” maikling sagot nito. Tinuruan ako ni dad.”

Magaling, tutal ay ‘di pa naman kayo aalis, bukas ng umaga ay puntahan mo ako sa opisina ko. Matagal-tagal na rin mula nang huli akong may nakalaro.”

“Okay po.”

“Pagkatapos ay mag horseback riding tayo, mag hunting tapos fishing. Isasama din kita sa winery ko para matikman mo ang mga dekalidad na alak na ipinagmamalaki ng Casa Angeles.”

Popsie, hinay-hinay lang ha.” singit ni Spring na nakatingin sa akin na nagpataas ng kilay ko. “Wag mong masyadong ninanakaw ang oras niyan ni Kuya Lanzer, baka mawalan na ng oras yan sa asawa niya.”

Napa-ikot ang mata ko sa sinabi niya. Lahat talaga ng lumalabas sa bibig ng babae’ng to hindi nakakatuwa. At makatawag ng kuya, kayo ang magkapatid teh? Ako nga ayaw tawaging ate kahit nauna ako ng ilang minuto sa kanya.

“Oo nga naman, tingnan mo ang sama na ng tingin.” at nakisali pa ang maloko naming bunso.

“Wag kang mag-alala sis, ngayong gabi solong solo mo ang asawa mo.” makahulugan namang sabi ni Winter na nakisali din.

Wala na. Pinagtulungan na nila akong lahat. Mga bwisit, ako nanaman ang nakita. Nitong mga nakaraang araw ay palagi nila akong inaasar tungkol sa pagkakaroon ng asawa, mas lalong mas magiging malala ngayon na nasa harap lang nila si Lanzer. Mga walanghiya talaga!

“Uy himala ba ‘to? Si Ate Summer, nanahimik ata.” pang aasar pa ni Sunny.

“At namumula pa kamo.” gatong pa ni Summer.

Ang totoo niyan, hindi ako nagba-blush okay? Namumula ako sa inis dahil sa kanila. Gusto ko silang hampasin kaya lang ay di abot ng kamay ko.

Nakuha ang atensiyon ko sa tunog ng mahinang pag-tawa. At nagmula yun kay Lanzer. Damn, bakit parang nakakakiliti ang tunog na yun. Parang may kumakamot sa tiyan ko nang magtama ang mga mata namin.

“I didn’t knew that you could blush, my wife.” sabi niya na parang ang sexy sa pandinig.

Bwisit! Kailan pa ako naging mahalay?

Ayiiee!”

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo pa kaming inasar ng pamilya ko. Yung mahina niyang pagtawa, parang slow motion na nagpatigil sa’kin. Hindi tuloy ako nakapag-salita. Pisti! Ngayon ko lang kasi siya nakita nang ganun. Iba sa mga ngisi na madalas niyang ibigay sa’kin.

For a short time, naramdaman kong hindi siya taga labas at parte sya ng pamilyang ‘to. Pero parte naman talaga siya hindi ba? Kasal na kami, that makes him one of us.

‘Your whipped sis,’ narinig kong sinasabi ni Winter sa isip niya.
Napakurap pako habang nakatingin sa kanya para siguraduhin ang narinig ko. Pero nang makita ang mapaglarong ngiti sa labi niya, alam kong sinadya niya yun dahil alam niyang ako lang ang makakarinig.
Ano ba kasing nangyayari sa’kin? I was supposed to drive him away, para hindi niya na masaktan pa ang pamilya ko.

“Tapos ka nang kumain?” mahinang bulong ko sa kanya nang mapansing pinupunas niya ng table napkin ang gilid ng labi.

“Yeah.” sabi niya.

Sumunod ka sa’kin. May pag-uusapan tayo.”

Pasimple akong tumayo at ganun din ang ginawa niya. Pero ‘di parin kami nakalusot sa matalas na mata ng mga kapatid ko.

“Uy hindi na siya makapag-antay masolo ang hubby niya.” nadinig ko ang mapaglarong boses ni Sunny.

Uwian niyo kami ng apo ah.” second in motion naman ni popsie.

Kambal ah, you don’t need to use protection.” boses naman yun ni Spring. Mahalay talaga ang bunganga ng isang yun kahit na kailan. Parang hindi babae.

Nagdire-diretso nalang ako ng lakad nang hindi sila pinapansin. Feeling ko ay biglang uminit ang paligid.

Hanggang sa makapasok kami sa loob ng hotel ay hindi ko siya nililingon. Hinarap ko lang siya nang makarating kami sa unang habkbang ng grand staircase.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong niya.

“May bibisitahin tayong guest dito sa hotel.” sabi ko na nagpataas sa isang kilay niya.

Mula sa bulsa ng pantalon ay may kinuha akong key card na kulay itim. Sa gitna nito ay may tatlong numero na naka-ukit sa ginto, 408.

Alam kong matagal na siyang nandito. Pero mula nang dumating ako ay ‘di ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya.

May bahagi kasi ng loob ko na nakokonsensiya na umuwi ako dito nang hindi nabibigyan ng hustisya ang kamatayan niya at ang pamilya nya.

Pero since nandito naman si Lanzer, mas maganda siguro na dalhin ko nalang siya. Para narin di na ako mahirapang ipaliwanag sa kanya kung ano ba talaga ang hiwagang bumabalot sa hotel na ‘to.

###

 ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now