XVI

2K 78 7
                                    

KABANATA XVI

Heavenly Voice

IT’S ONLY a gut feeling, pero iba talaga ang kutob ko. At ang mga babae, pag kinutuban hindi dapat binabalewala. Akala ko dahil wala ako sa Casa Angeles ay hindi ako makaka-encounter ng mga ganung bagay.

Masyadong naging abala ang utak ko sa pag-iisip ng mga importanteng bagay na hindi ko gaanong napagtuunan ng pansin ang maliliit na bagay.

“M-may iba bang tao dito?” tanong ko sa hangin habang nakatayo sa gitna ng Jasmin room.

Kung may nakakakita man sa’kin ngayon ay iisiping baliw ako. Pero hindi ko dapat ipagsawalang bahala ang mga nangyari kagabi. Mahalagang malaman ko kung may kung ano mang kaluluwa na kasama ko dito sa kwarto para mapag-ingatan ko ang sarili ko, malaki kasi ang posibilidad na hindi ako ang pumunta sa kwarto ni Lanzer kagabi.

The fact na naririnig ko sila ay vulnerable ang katawan ko na maging vessel nila. Yun ang dahilan kaya tinrain ako ni popsie nun na maging alerto kahit na natutulog. Magaan lang palagi ang tulog ko sa gabi.

Ibang usapan na pag lasing ako, dahil nawawalan ako ng control sa sarili at nabibigyan sila ng pagkakataon na pumasok sa loob ko at gamitin ang katawan na ‘to.

“Alam kong nandiyan ka, sino ka? At anong kailangan mo sa’kin?” muli ay tanong ko sa hangin.

Iligtas mo ang anak ko…’ halos magtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ang tinig na yun. Boses ng isang babae, malumanay at napaka-hina.

Hindi masakit sa tenga ang boses. Banayad ito at puno ng pagmamahal ng isang ina. Alam kong harmless ang espiritu na yun.

Tama ang hinala ko, naghihingalo na ang kaluluwa na yun. Sa ‘di ko alam na dahilan ay halos gusto nang ibura sa limot ang mga ala-ala niya sa bahay na ‘to. Isang patunay ang pagiging abandonado ng kwarto’ng ‘to bago ako dumating at ang nangyari sa kanyang greenhouse. Natural lang natuluyang manghina ang espiritu niya sa pagdaan ng panahon.

“Ikaw ba ang mama ni Lanzer? Siya ba ang anak na tinutukoy mo?”

Tulungan mo’ko Summer, ikaw nalang ang pag-asa ko…’ mas lalong humina ang tinig nito.

Kailangan kong malaman ang pangalan niya. Kung may ibang tao na magbabanggit ng pangalan niya sa pamamahay na ‘to ay baka sakaling lumakas ng kaunti ang espiritu niya.

“Miss Summer?” Isang mahinang katok ang narinig ko mula sa labas at narinig ko ang boses ni Karla.

Pinagbibihis na po kayo ni emperor, samahan niyo daw po siyang mag-agahan sa labas.” wika nito.

“Sige, maghahanda na’ko.”

Magaling, kung meron man sa bahay na’to ang pwede kong makuhanan ng impormasyon, yun ay walang iba kundi si Lanzer.

***

HINATID kami nila Francis at Rusty sa coffee shop na nasa loob lang ng village kung saan niya ako natagpuan nung isang araw.

Nasa isang table kami sa pinaka-gilid habang nasa kabilang table naman ang dalawang alagad niya.

Umorder lang sya ng dalawang tasa ng kape at isang buong Italian pizza. Hindi na masama for breakfast.

“You’re cautious, hindi ka parin ba nakaka move on sa nangyari sa pamilya mo?” sabi ko habang patay malisyang sumisimsim ng kape. Nang tingnan ko siya, nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now