XLV

1.9K 79 1
                                    

KABANATA XLV

New Beginning

MADALING- araw nang magising ako na may kung sinong pumapapak sa leeg ko. Hindi na ako nagtaka kung sino dahil naaamoy ko na ang nakaka-adik niyang pabango.

Lanzerano ba! Injured pa yung braso ko.” sabi ko sa kanya na half asleep pa.

“Don’t worry, honey. I’ll be careful.”

“Gago!”

Nakadagan siya sakin habang wala na akong damit pang itaas. Mukhang kanina pa ako pinapapak ng taong ‘to.

“L-lanzer…” di ko maiwasang maungol ang pangalan niya ng maramdaman ko ang mga halik niya sa balikat ko pababa sa braso ko na nadaplisan ng bala. Medyo naghihilom na ang sugat doon.

“May pag-uusapan pa tayo diba?” agaw ko sa atensiyon niya para madistract ang sarili ko bago tuluyang matupok ng apoy na sinimulan niya.

“Of course, wife. But let me feel you first, I want to make sure na hindi ako nananaginip at nandito ka na talaga sa tabi ko.” sabi niya pagkatapos ay tumigil sa ginagawa upang magtama ang mga mata namin.

Madilim ang paligid pero sapat na ang liwanag na kumakawala sa kurtina galing sa liwanag ng poste sa labas para makita ko ang intensidad sa mga mata niya.

Pagkatapos nun ay pinagkalooban niya ako ng isang nag-aalab na halik na agad ko namang tinugon. Pagdating talaga sa kanya, nagiging mapusok ako. Parang may kung anong apoy ang nabubuhay sa loob ko sa tuwing nararamdaman ko ang mga haplos niya at lubhang napaka-hirap apulahin nito.

“You have no idea how scared I felt, akala ko ay hindi na kita makikita.” sabi niya bago unti-unting tinanggal ang lahat ng saplot namin sa katawan.

Hinayaan ko lang siyang gawin ang nais sa katawan ko. After all, I want him to display his power over me since I’ve come up with the conclusion that he really owns me.

“I’m home now.” sabi ko.

Natigilan siya dahil dun at nakipagtitigan sakin. Para bang may gusto siyang tanungin pero nagdadalawang isip. Pero dahil sa pambihira kong tenga, hindi pa man niya naisasatinig ay alam ko na kung ano ang bagay na gusto niyang kumpirmahin.

“Your my home too, Lanzer. Kung nasaan ka, nandun ang bahay ko.” sabi ko. Kahit pa may ibang bagay ang mas mahalaga para sayo kesa sa buhay ko.”

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa huling sinabi ko. Akala siguro niya nakalimutan ko na. Nabaril ako at wala man lang siyang ginawa dahil mas mahalaga sa kanya ang reputasyon at pangalan ng ibang babae.

“What are you talking about, Summer?”

Tse!” binawi ko ang tingin ko sa kanya ng maalala yun. “Dun ka na sa Monique mo! Siya naman ang mahalaga sayo eh.”

Biglang nagbago ang mood ko at tinulak siya paalis sa ibabaw ko. Hindi naman ako nahirapan dahil mukhang lito parin siya. Nagka-amnesia na siguro. Kinuha ko ang kumot at binalot sa katawan ko bago siya tinalikuran.

“Hey, honey, ano bang pinagsasabi mo? You’re the most important to me.”

Tigilan mo akong pakboy ko.”

Eyrie Series #1: Eros ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon