XXX

1.9K 92 3
                                    

KABANATA XXX

Room 408

MAKINIG KA, ano man ang makita mo sa loob. Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Dun lang ako sa tuktok ng burol sa tapat ng hotel. Sasagutin ko ang lahat ng katanungan mo tungkol sa lugar na ‘to, puntahan mo lang ako pagkatapos niyong mag-usap.” sabi ko na diretso lang ang tingin sa itim na pintuang nasa harap namin kung saan naka-ukit ang mga numerong 408.

Dahan-dahan kong tinapat ang key card sa gilid ng pinto at pinihit ang door knob pagkatapos nun.

Pagka-pihit ng pinto ay bumungad sa’min ang magarbong hotel room. Elegante ang desenyo nito, siguradong pinasadya ito ni popsie para sa matalik niyang kaibigan.

Nauna akong pumasok sa loob at pinasunod si Lanzer. Pagpasok ay napako ang tingin namin sa isang matangkad na lalaki na nakatanaw sa glass window kung saan natatanaw ang siyudad sa ibaba na animo’y nakatayo mula sa isang mataas na skyscraper ng mamahaling hotel.

Ganito kahiwaga ang bawat kwarto dito sa Casa Angeles. Kaya nitong gumawa ng ilusyon ng lugar na may mahalagang significance sa mga nag stay dito nung nabubuhay pa sila. Ibig sabihin ay may mahalagang memorya na nakaloob sa lugar na ‘to para kay Tito Kryz.

“D-dad!?”

Nang tingnan ko si Lanzer ay bakas ang pagkabigla sa mukha niya. Malamang ay nakilala niya ang lalaki kahit na nakatalikod pa sa’min.

Nakuha niya ang atensiyon nito at lumingon sa gawi namin. Bumungad sa’kin ang isang pares ng mga mata na katulad nang kay Lanzer. Walang buhay habang sa isang kamay ay may hawak na kupita na sa tingin ko’y alak ang laman.

Tama nga ako, napaka-guwapo ni Tito Kryz nung kabataan niya. At ‘di gaya ng boy next door na dating ni Lanzer ay mukha itong bad boy. Ngunit hindi parin maikakaila ang magandang genes na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Pero ang matapang na awra nito ay kaagad napalitan ng mapagsino kung sino ang taong kasama ko.

“My son.”

Hindi na maipinta ang mukha ngayon ni Lanzer, may namumuong tig-isang butil sa magkabilang gilid ng mga mata niya. Namumula na din ang paligid ng mga mata niya.

“I told you not to cry my son, especially in front of your girl.” matalim na turan nito. Tatay nga siya ni Lanzer.

Napaatras ako ng dumako sa’kin ang mata niya. Pero lumambot ang ekspresyon nito ng makita ako. He then mouthed the words, “Thank you.”

That was my cue to get out of that place. Hahayaan ko silang mag-usap na dalawa. Knowing how big Lanzer’s pride is, alam kong di niya magugustuhan na makita ko siya sa ganung kalagayan.

Biglang nabuhay ang mahalagang tao sa buhay niya na dapat ay matagal ng patay. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit nandito si Tito Kryz.

The fact na nakapasok dito ang kaluluwa niya, ang ibig sabihin ay peaceful na ito at credible na matiwasay na makatawid sa kabilang buhay at maging anghel hindi gaya ng ibang kaluluwa ng pinatay na nakukulong sa paghihiganti.

Pero bakit hindi parin siya nagiging anghel? Binigyan kaya siya ng special consideration ng langit? O isa talaga siyang revengeful ghost at ginawan lang ng paraan ni popsie na makapasok siya dito para hindi na magpagala-gala at mapariwara.
Parang gusto ko tuloy pagsisihan na umalis ako sa kwarto na yun. Kung hindi lang talaga may konting konsiderasyon sa taong yun ay makiki-tsismis na ako sa kanila. Kaya lang ay parang ayaw din ata ni Tito Kryz na makita kong mahina ang anak niya. As if naman.

Bagsak ang balikat na lumabas nalang ako ng hotel at nagpunta sa burol na palagi kong tinatambayan kapag gusto kong makapag-isip.

Bukod sa flower farm ni momsie ay ang lugar na ito ang pangalawang paborito kong lugar sa Casa Angeles. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang malawak na mala kastilyong hotel at ang bilog na bilog na buwan na nagsisilbing background nito.

Matatagalan pa yata siya sa lugar na yun. Malamang ay sinusulit nila ang pagkakataon na makasama ang isa’t-isa. Ginamit ko nalang ang pagkakataon na i-construct sa utak ko ang mga sasabihin sa kanya pagdating niya mamaya. Paniguradong marami siyang tanong sa Casa Angeles. Kailangang maipaliwanag ko yun ng maayos.

Nang wala ng gagawin ay kinuha ko nalang yung luma kong cellphone at earphones sa tenga.

Isang malaking himala padin na gumagana pa ito at nakaligtas sa pagkawasak sa aksidente three years ago. Though sa mga ganitong purpose ko nalang siya nagagamit. Pag ayaw kong marinig ang makasariling pag-iisip ng mga tao sa paligid ko.
Nagulat nalang ako ng may biglang tumabi sa’kin at dire-diretsong sumandal sa balikat ko. Base sa nakaka-adik na amoy niya ay hindi na ako nahirapang kilalanin kong sino ang pangahas.

“Don’t look at me, Summer. Just explain everything because I’m fucking confuse right now.”

Gaya ng gusto niya, hindi ko siya tiningnan sa mukha. Alam ko naman na mukha siyang ewan ngayon. Humarap nalang ako sa malaking kastilyo na nasa harap namin.

Isang dahilan kung bakit ang lugar na ‘to ang pinili ko ay dahil kitang-kita ang kabuuan ng Casa Angeles mula sa kinauupuan namin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula. Parang nakalimutan ko na yung kinompose kong sasabihin kanina dahil nadidistract ako sa sobrang lapit niya sa’kin. Pasalamat siya iniintidi ko ang kalagayan niya, kundi ay kanina ko pa talaga siya sinapak.

“Alam ko na nagtataka ka nung huling punta mo dito dahil walang masyadong guests despite nang napaka-gandang interior at paligid nito. Hindi ordinaryong hotel at resort lang ang Casa Angeles, Lanzer. At ang pamilya ko ang nangangalaga dito mula ng mapag-desisyunan ni popsie ng magmahal ng isang anghel. Ang mama ko ay isang anghel na kung tawagin ay Nirvana. Siya ang nangangalaga ng lugar na ‘to at dahil kami ang bunga nila, responsibilidad namin na itago ang sikreto ng lugar na ‘to.  Ito ang nagiging last stop ng mga kaluluwang may mabubuting puso bago sila maging ganap na anghel.”

“Kung ganun ay magiging anghel din si dad?”

“Siguro.”

“Hindi ka sigurado?”

“Well, three years ago pa namatay ang tatay mo. Kung magiging anghel siya dapat nun pa. But I guess meron pa siyang unfinished business. Sana lang ay hindi paghihigante ang dahilan niya.”

“And why is that?”

“Kasi, mawawalan siya ng illegibility para maging anghel at makapasok sa langit.”

“Hindi yun ang dahilan niya.”

“Eh ano?”

Di sinasadyang napatingin ako sa kanya. My God! Wrong move! Kasi ilang hibla lang ang pagitan ng mukha namin habang nakasandal padin yung ulo niya sa balikat ko. Not to mention na mukha siya ngayong naliligaw na bata.

“Look ahead, Summer. Kung ayaw mong kung saan mapunta ang pag-uusap na ‘to. Marami pa tayong dapat na pag-usapan.”

Parang robot na sinunod ko lang ang gusto niya. Naririnig niya kaya ang malakas na kalabog ng dibdib ko ngayon dahil nakapatong lang ang ulo niya sa balikat ko? Hindi ko na talaga alam kung bakit ganun nalang ang reaksiyon ng katawan ko sa kanya.

“So ano ngang sabi niya sa’yo?” pag-iiba ko ng usapan. Pilit na tinatago ang nararamdamang pag-aalburoto sa loob ko.

“He is waiting for someone.”

“Sino?”

“No idea.”

Tsk, walang kwenta.

“How about dun sa kaso nila? May sinabi ba siya sa’yo? Kilala niya ba kung sino ang mastermind ng pagpatay sa buong pamilya nyo?”

“Hindi.” 

“Awww.”

“But he ask me to protect you.” bulong niya malapit sa tenga ko.
“Why me?”

Hindi siya sumagot, dahil dun ay napatingin nanaman ako sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang isinalubong niya sa’kin. Walang iba kundi ang malambot niyang labi.

Walangya, nagka-oras pa ba ‘tong lalaking ‘to na mag tootbrush pagkatapos kumain kanina? Bakit ang bango pa din ng hininga niya?

Lintik ka! Maka-tiyansing ka ah!” ilang minuto niya nang sinisipsip ang labi ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na itulak siya.

“Happy Birthday, Summer.”

Parang biglang nalusaw lahat ng inis ko at napatingin sa relos na nasa bisig, its already midnight.

###

 ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now