XXXVI

2K 87 5
                                    

KABANATA XXXVI

Hidden Card

“ANONG nangyayari dito?” tanong ko ng maabutan ang ilang maid sa loob ng Jasmin Room pagpasok ko. Naabutan ko ang tatlong  babaeng katulong na naglilinis which is very unusual mula ng tumira ako sa bahay na ‘to.

“Miss Summer, naglilinis po kami.” sabi ng isa sa mga ito na mukhang ‘di nalalayo ang edad sa’kin.

Napapansin ko rin na mula ng bumalik ako ay magalang na sa’kin ang mga katulong dito na lagi ay tinatarayan ako. Ngayon ay umakyat pa talaga sila dito sa attic para lang linisin ang kwarto ko.

Mukhang hindi lang si Lanzer ang sinapian ng kung anong anghel kundi pati na din ang mga trabahador dito. Magugunaw na ba ang mundo?

Inutusan ba kayo ni Lanzer?” tanong ko.

Umiling ang tatlo, napakamot tuloy ako ng ulo.

Pasasalamat po namin ito, Miss Summer. Inutusan niyo si Karla na gawin kaming regular sa trabaho. Malaking tulong sa mga pamilya namin ang mga matatanggap naming benepisyo.” sabi ng isa sa kanila.

Oh, that? Nakalimutan ko na nga ang tungkol dun kung ‘di nila pina-alala. Atleast ginawa ni Karla ang huling utos ko bago ako umalis.  I knew it, matalino ang batang yun. Kulang lang sa pinag-aralan.

“Miss Summer, limang taon na akong nagtatrabaho sa bahay na ‘to pero kayo lang ang nagmagandang loob na isipin ang kapakanan namin.” sabi pa ng isa na sa tingin ko ay pinaka-matanda sa kanila.

Karapatan niyo yun bilang manggagawa, wala kayong dapat ipagpasalamat sa’kin.” sabi ko.

Naku, Miss Summer. Kundi po dahil sa inyo ay hindi maibibigay sa’min ang karapatang yun. Kaya malaki po talaga ang utang na loob namin sa inyo, kung may kailangan po kayo sabihin niyo lang sa’min.”

Napa-isip ako, grasya na tatanggihan ko pa ba?

“Kung ganun, pwede ko ba kayong tanungin? Since mas matagal na kayo dito keysa sa’kin.” sabi ko.

Nagsilapitan sila sa’kin para mas marinig ang itatanong ko.

“May alam ba kayo tungkol sa babaeng namatay dito mismo sa attic?”

Mula ng bumalik ako ay nakakakita parin ako ng bulaklak sa bedside table ko tuwing umaga. Sa gabi habang natutulog ay nakakarinig parin ako ng babaeng tumatawag sa pangalan ko.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa’kin na protektahan ko daw ang anak niya. Hindi parin nawawala ang kyuryosidad ko sa kung sino talaga ang babaeng yun.

Nagkatinginan ang tatlo na parang nagtataka, para bang ngayon lang nila narinig ang tungkol sa kwentong yun.

“Sa limang taon ko po dito, kahit kailan ay wala akong narinig na kwentong ganyan.”

“Pero walang umaakyat sa inyo dito sa attic dahil iniisip niyo na may multo dito diba?”

Muling nangunot ang ulo ng tatlo. Bakit ganun? Parang may mali.

“Wala pong umaakyat dito dahil pinakandado po ito ni Señora Leticia. Nung dumating po kayo nun lang po talaga pinaayos ito ni emperor.”

“Akala po namin ay kaaway kayo kaya hindi namin gustong umakyat dito para pagsilbihan kayo.”

“Kung ganun alam niyo din ba kung bakit pinagbabawal ang pagpunta sa greenhouse noon?” tanong ko ulit.

Umiling sila ulit, Mahigit dalawapung taon na pong naka-pad lock ang lugar na yun.”

“Sige salamat,”

Saan nakuha ni Karla ang mga kwentong yun?

Palabas na sana ako ng kwarto para hanapin siya ng biglang may naalala at muling hinarap ang mga naglilinis na katulong.

“Alam niyo ba kung sino ang pinaka-matagal ng nagtatrabaho dito?” tanong ko.

Bukod kay Lucresia ay sina Aling Delilah at Mang Gregorio na po ang pinaka-matagal. Ang alam ko ay naging driver pa ni Master Kryz si Mang Gregorio noon.”

“Sige salamat,” pagkatapos ay lumabas na ako ng silid.

Sa kanilang dalawa kaya narinig ni Karla ang mga kwentong binanggit niya sa’kin? Pero bakit parang hindi nagtutugma ang kwento niya sa ibang katulong dito?

Kakababa ko palang ng hagdan sa first floor ng makasalubong ko si Francis na kakapasok lang ng mansiyon. Ano kayang ginagawa niya dito at para siyang nagmamadali?

“Empress, kailangan mong sumama sa’kin ngayon din.” sabi niya na diretso ang tingin sakin.

“Bakit?”

“Kailangan ni emperor ang tulong mo.”

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya? Ang lalaking yun kailangan ng tulong ko? Eh gusto nga akong buruhin dito sa bahay nun eh. Protect me my ass!

“Mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo, magbihis ka na and wear something business like and intimidating.” sabi nito.

Wala na akong nagawa at nagmamadaling umakyat para humanap sa closet ko ng damit na kagaya ng dinidiscribe niya.

Sa huli ay nagsuot ako ng bloody red jumpsuit na pinaresan ko ng black killer stilletos. Nilugay ko parin ang buhok ko dahil kabilin-bilinan ni Lanzer na walang ibang dapat na maka-alam tungkol sa tattoo na nasa batok ko. Hindi ko alam kung bakit.

Makalipas ang kalahating oras ay nakasakay na ako sa isang Aston Martin na hula ko ay isa nanaman sa collection of expensive cars ng amo niya.

Si Francis ang nagmamaneho at ako ay nasa passenger seat. Isang medyo maliit na handbag lang ang dala ko at ang tanging laman lang nun ay ang cellphone na bigay sa’kin ni Lanzer at ang revolver ko. Mahirap ng magtiwala sa panahon ngayon.

Itali mo ang buhok mo,” utos niya at may inabot saking itim na manipis na ponytail.

Napapantastikuhang tiningnan ko lang siya. Makapag-utos wagas, si Lanzer lang baa ng ginagalang nito? At saka hindi ba’t ayaw na ayaw ni Lanzer na ipakita ang tattoo sa batok ko?

“We don’t have a choice, empress.” kapagkuwan ay sabi niya. “Right this very moment ay nagaganap na ang isang emergency meeting na dinaluhan ng lahat ng kasapi ng Empire Group at narinig ko na ang agenda ng meeting na ‘to ay patalsikin si emperor sa pwesto niya.”

“Huh? Hindi nila pwedeng gawin yun, si Lanzer ang tangi at legal na tagapag-mana ni Tito Kryz.”

Palalabasin nila na incompetent siya na mamuno, mabilis din na kumalat sa mga nasa ibaba na inatake kayo sa mismong basement parking ng Empire Tower. Ipipilit nila na kailangan niyang bumaba siya sa pwesto para mapagtakpan ang kahihiyan na inatake tayo sa mismong balwarte natin. Hindi mahirap gawin yun dahil 50% lang ng shares ng Empire Group ang pinamana sa kanya ng kanyang ama.”

“At nasa’n ang kalahati?”

Makukuha niya yun pag nagpakasal siya sa’yo.”

“Pero matagal na kaming kasal.”

“Ikaw ang huling alas namin sakaling mangyari ang ganito. Kaya gustong itago ni boss ang tungkol sa marriage ninyo ay para hindi maalarma ang mga kaaway niya. Now that it has come to this, wala kaming ibang choice kundi ilabas ang alas.”

Kung ganun ay kaya pala gusto niyang walang maka-alam na mag-asawa kami. At kaya niya din ako binuburo sa Silvana Mansion, ako ang alas niya. Nag-iintay lang siya ng tamang tiyempo kung kailan ako gagamitin. In the ened, ako man ang queen ay isa parin akong piyesa ng larong ito para sa kanya.

Mabilis kong itinali ang buhok ko sa one bun para siguradong kitang-kita ang tattoo sa batok ko habang nakikinig sa mga bilin ni Francis.

I guess I just have to barge in a meeting na kinabibilangan lahat ng may matataas na posisyon sa Empire Group and declare, “I’m your queen, bow down to me people.”

Parang ang dali,

***

KASALUKUYANG nagmemeeting ang malalaking shareholders ng Empire Group sa isang malaking conference room sa 27th floor ng Empire Tower.

Para isang malaking courtroom yun na nasa trentang katao ang naka-upo sa mga executive chairs. Sa pader ay nakatayo ang mga lalaking naka itim na tuxedo na binabantayan ang kani-kanilang VIPs. Lahat ng mga naka-upo sa upuan ay mga CEOs ng iba’t-ibang kumpanya na nasa ilalim ng umbrella ng Empire Group.

Sa pinakang harapan ay naka-upo si Lanzer sa isang magarang upuan na nakatayo sa isang elevated mini stage.

Para siyang hari na naka-dikwatro pa at nakikinig sa mga kasapi. Hindi niya alam kung sino ang nagpatawag ng general meeting pero may hinala na siya kung para saan ‘to.

“Sa buong kasaysayan ng Empire Group ay ngayon lang may naglakas ng loob na kalabanin tayo, at ang emperor pa talaga ang pinuntirya nila at sa mismong balwarte pa natin.” sabi pa ng isa.

“Isang malaking kahihiyan ito.”

Kanina pa siya pinaiikot ikot ng mga ito, pero isa lang naman ang alam niyang gustong iparating sa kanya. Wala siyang kwenta at kailangan niyang magbitiw sa posisyon para maisalba ang magandang imahe ng grupo na kinatatakutan at walang sinuman ang pwedeng magpatumba.

Pero sino ba ang niloloko nila? Halata namang may inside job sa nangyari. Walang ibang nakaka-alam sa plano niyang pagbalik sa Maynila kasama si Summer gamit ang Empire Tower. Plus nakapasok ang mga ito ng wala man lang nakakapansin sa isang building na kasing higpit ng sa kanila. Halatang-halata ang inside job sa mga nangyari.

“At ano ang sinu-suggest ninyong gawin ko?” tanong niya.

Seryoso ang mukha niya at hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon. Nasa alanganin siyang sitwasyon ngayon dahil alam niyang higit sa kalahati ng mga taong nandito ay walang tiwala sa kakayahan niya. But he knows better than to show his weakness.

“Kailangan mong bumaba sa pwesto, emperor.”

Sa wakas, may isang tao na din sa lugar na yun ang naglakas ng loob na sabihin ang kanina pa tinutumpok ng lahat at hindi masabi ng derekta. Napa-arko ang isang kilay niya ng makita kung sino yun.

Ang pinagkakatiwalaang consiglier ng kanyang ama na ngayon ay may tagumpay na ngiti sa mga labi, si Emanuel Xiu. Totoo ngang malalaman mo kung sino ang totoong kaaway sa mga pagkakataon na gaya nito.
Base sa mga ngisi nito ay paniguradong iniisip nito na checkmate na siya. Yun ang akala niya.

“At sino naman ang gusto mong ipalit sa’kin, Uncle Xiu?” may panunuya sa tono niya.

Lanzer, no hard feelings okay? Parang anak na ang turing ko sa’yo. Pero para sa kapakanan ng Empire Group kailangan mong bumaba sa pwesto.”

Mas lalo siyang nainsulto sa pagtawag nito sa pangalan niya na para bang magkapantay nalang sila. Masyado ata siyang nag lie low nitong nakaraang tatlong taon kaya hindi nito alam kung ano ang kaya niyang gawin.

“Sino naman ang papalit sa’kin, isang kagaya mo na wala man lang kahit anong dugo ng Silvana?” tanong niya sa malamig na tono. Alam niyang sapat na yun para sa mga taong nandun na malaman na wala siyang katiting na awa. Kahit pa naging kaibigan ito ng ama niya, wala siyang planong palagpasin ang pang iinsulto nito. 

“Sa lahat ng naririto ay si Eugene ang pinaka illegible na pumalit sa’yo. Hindi naman na siya iba sa’yo, he can be your guardian habang hindi ka pa handa na humalili sa pwesto ng ama mo.” ani nito.

Dahil dun ay napatingin sa matandang tinuring na niyang mentor. Tahimik lang ito at seryosong nakikinig, hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon ang mukha. ‘Di niya masabi kung sang ayon ba ito sa mga sinasabi ng Uncle Xiu niya.
Kung nandito kaya si Summer, magagawa niyang malaman ang totoong iniisip nito?

“Baka nakakalimutan mo Uncle Xiu, hindi isang Boris ang totoong nanay ko.” sabi niya.

Napasinghap ang lahat sa tinuran niya. May nakita rin siyang kaunting bakas ng pagka-inis sa mukha ni Eugene Boris.

Kahit tinanggap siya ng kanyang Mommy Leticia na parang sariling anak nang magpakasal ito sa tatay niya, hindi parin mababago nun ang katotohanang wala siyang dugong Boris. At hindi niya ipagkakatiwala sa iba ang Empire Group, yun ang kabilin-bilinan sa kanya ng ama ng huli silang mag-usap. Misyon niya na ibalik ito sa tunay na may-ari.

Kalahati lang ang kapangyarihan mo sa Empire Group ngayon, kaya kung ang lahat ng tao na naririto ay papayag na patalsikin ka, wala kang magagawa.” mapanuyang sabi ni Emanuel Xiu. Yun ang naging cue ni Summer para pumasok.

“Hindi mo yata ginawa ng maayos ang assignment mo, Manuelito.”

Ang lahat ay napatingin sa bumukas na pintuan at ngayon ay nakatingin sa isang babae ng may nakamamatay na mga mata. Nakasuot ito ng pulang jumpsuit ang heels habang naka bun ang lahat ng buhok.

Parang isang daredevil na naglakad ito palapit kay Lanzer na mukhang hindi naman nagulat sa biglang pagdating ng babae at prenteng nakadekwatro lang sa kanyang trono.

Umupo ito sa armrest ng upuan na kinauupuan ni Lanzer at halos manlaki ang mata ng lahat ng awtomatikong pumulupot ang kamay ng kanilang emperor sa beywang ng dalaga.

Tiwala si Lanzer na na-brief na ng maayos ni Francis ang asawa niya pero nangingibabaw parin ang kagustuhan niya ipakita sa lahat ng nandito na pagmamay-ari niya ang babaeng nasa harap ng mga ito. Lalo pa’t nandito din si Revan na umaattend bilang representative ng ama nito at ngayon ay nakangisi sa kanila.

Kanina pa ito nananahimik at pinapanuod ang mga nangyayari na para bang nanunuod lang ng pelikula sa sine, popcorn nalang ata ang kulang. 

Umalingawngaw ang bulong bulungan sa buong paligid. Halatang walang ideya kung sino ang magandang babae na bagong dating.

“Sino ang babaeng yan, emperor?”

Kalapastanganan! Walang ibang pwedeng pumasok dito na hindi miyembro ng Empire Group!”

“I have all the right to be here, gentlemen.” kampanteng sabi ni Summer. “I’m your empress.”

Pagkatapos ay itinaas niya sa ere ang suot na red diamong ring na kanina lang binigay ni Francis sa kanya. Sa isang daliri ni Lanzer ay may suot din itong kaparehong singsing na mas malaki.

###


Question: Sa tingin niyo,  sino ang tinutukoy na hidden card sa chapter na 'to?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Question: Sa tingin niyo,  sino ang tinutukoy na hidden card sa chapter na 'to?


Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now