XLII

1.9K 68 1
                                    

KABANATA XLII

Kidnapped

NANG mga sumunod na araw ay hindi ko kinaka-usap si Lanzer. I was giving him the cold shoulders. Ayokong siya i-pressure, pero tao lang ako at marunong magtampo.

Isang araw pagkatapos kong magising sa ospital ay dumating si Eugene Boris para humingi ng tawad sa ginawa ng anak niya. But I didn’t feel any sincerity at all, mas lalo lang sumama ang loob ko.

Ganun lang ba ang katumbas ng buhay ko? An insincere apology? Para narin kasi niyang sinabi na ‘pasensiya ka na nakaharang ka kasi kaya nasaktan ka’ pero buhay ka pa naman kaya walang kaso.

Gaya ng hinala ko, daplis lang talaga ang tama ko, kinailangan lang i-cast yung isa kong braso pero hindi parin maipaliwanag ng mga doktor kung bakit inabot ng tatlong araw bago ako magising.

Umuwi ka kaya muna sa Casa Angeles, Summer. Nag-aalala ako baka kung ano ang mangyari sayo.” sabi ni Autumn. Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses niya ng sinabi sakin yun mula ng maospital ako.

Wala si Lanzer ngayon, sino ba naman ang gugustuhing manatili dito? Kung ituring ko siya ay parang hangin. Iniwan lang niya sina Karla, Rusty at dalawa pang bodyguards na naka bantay sa labas ng pintuan ko.

“Okay lang ako, Autumn. Daplis lang ‘to.” sabi ko.

Nakayuko lang siya na para bang may bumabagabag sa kanya. Kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto dahil lumabas si Karla para bumili ng pagkain at sinamahan siya ni Rusty ayon sa utos ko.

“May problema ba?” tanong ko. Pakiramdam ko ay meron siyang hindi sinasabi sakin. Kahit na multo na siya ngayon, siya padin ang isa sa mga kakambal ko. Alam ko kapag may bumabagabag sa kanya. 

“Ang totoo niyan,” parang nagaalangan pa siyang sabihin. “Ang totoong rason kaya ako nagpa-iwan dito ay dahil sa’yo, Summer. May nakikita akong anino na palaging nakasunod sayo. Ang ibig sabihin ay nanganganib ang buhay mo.”

As if on cue, sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Ayos sa timing ah. Kasunod nun ay ang pagpasok ng humahangos na si Karla papasok sa private room ko. Sa likod niya ay si Rusty na may hawak na baril.

“Miss Summer, sumama po kayo samin. Madaming armadong tao sa labas, kukunin ka nila.” sabi nito.

“H-huh?  Nasan na ang mga bodyguard sa labas?”

Pasensiya na Miss Summer, kailangan naming gawin ‘to.”

Nagtataka ko siyang tiningnan. Pagkatapos ay nakita ko si Rusty na may kinuhang puting panyo at tinakip sa ilong ko. Unti-unti akong nahilo at nawalan ng malay.

***

NAGISING ako sa isang maaliwalas na kwarto. Mukha itong makalumang kwarto sa sinaunang panahon.

Gising ka na pala.” nakuha ang atensiyon ko ng isang malumanay na boses.

Nang madako ako sa isang parte ng kwarto ay isang babae ang naka-upo sa stool dun at may hawak na libro. Sobrang maamo at mala-anghel ang mukha niya na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa’kin.

Mayroon siyang maliit na mukha, manipis na mga labi, mala porselanang balat at higit sa lahat ay pamilyar na mga mata. Katulad ng kay… Lanzer.

“S-sino ka?” 

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now