Epilogue

3.4K 163 39
                                    

{EPILOGUE}

(5 Years Later)

“Alexander! Wag kayong masyadong magharutan, baka madapa ang mga kapatid mo!” saway ni Summer sa mga anak.

“Yes, mommy! Tinuturuan ko lang sila kung paano mag chase ng bad guys!” sabi ng anak niya na may hawak na laruang baril.

Napapailing nalang si Summer. Paanong hindi magiging katulad ng ama ang mga anak pag-laki? Bata palang ay puro ganung klaseng laruan na ang hawak.

Nasa greenhouse sila ngayong mag-iina sa mansiyon ng mga Silvana. Ito na ang naging paboritong tambayan nila sa mansiyon habang nag-aantay sa ama ng mga ito.

“Snacks are here!”

Napatingin sila ng pumasok si Luna na may bitbit ng tray ng meryenda. Dito na ito nakatira ngayon na siyang umuokupa sa Jasmin Room.

Tita Luna!” sabay sabay na lumapit ang mga anak niya ng ilapag nito ang pagkain sa coffee table.

Naging good boys ba kayo habang wala ako? Hindi niyo pinasakit ang ulo ng mommy niyo?”

Opo, we protected her po and baby from bad guys.” sabi ng anak niyang si Dark.

“We chase the bad guys away na po.” segunda pa ng kakambal nitong si Light.

Napapailing nalang siya. Ang liliit pa ng mga anak niya pero yun na ang palaging bukambibig, “chasing away the bad guys”. Paano yun ang palaging bilin sa kanila ng ama sa tuwing umaalis ito papasok sa trabaho.

5 years old na ang panganay niyang si Alexander at 3 years old naman ang kambal niyang sila Light at Dark. Hindi pa nakuntento ang asawa niya at ngayon nga ay buntis nanaman siya at masusundan na ang kambal. Panalangin niya lang ay hindi babae ang kasunod dahil kung nagkataon ay kawawa ito sa sobrang higpit ng tatay at mga kuya nito. RIP naman sa mga magiging manliligaw nito.

Tita Luna, when are you and Tito Francis getting married po?” inosenteng tanong ng anak kong si Light.

Dahil dun ay pinamulahan naman ng mukha ang sister-in-law niya. Alam niyang may lihim na pagtingin ang dalawa sa isa’t-isa pero dahil pinalaking magkapatid ay nagkakahiyaan.

“B-bakit mo naman naisip na magpapakasal kami ni Tito Francis mo?” curious na tanong ni Luna.

“I saw you po wearing a wedding dress tapos inaantay ka niya sa altar.” sabi ni Light, lihim na napailing nalang si Summer sa pinagsasabi ng anak.

Ikaw na bata ka, ang lawak ng imagination mo.” tatawa tawang sabi ni Luna.

But Summer knows better, namana ng anak ang weirdong kakayahan sa kanya. Hindi nga lang kagaya clairaudient niya. Light can see the future while Dark can see the past. At si Alexander?  Nakuha lang naman nito ang kakayahan na pinapangarap niya lang noon, pyrokinesis.

Bukod sa kanilang mag-asawa ay walang ibang nakaka-alam nito. As much as possible ay gusto nilang mabuhay ng parang normal ang mga anak nila. Hangga’t maaari ay ayaw nyang matulad sa kanya ang mga anak na hindi nakaranas pumasok sa eskwela dahil sa espesyal na kakayahan niya.

Kaya habang bata palang ay pinapaintindi na nila sa mga ito kung ano ang responsibilidad na kaakibat ng mga espesyal nilang kakayahan at ang kahalagahan ng hangga’t maaari ay walang makaalam ng tungkol dito.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now