XXV

1.9K 82 12
                                    

KABANATA XXV

Back Home

MOMSIE!”

“Oh, bakit nandito ka na? Hindi ba’t sabi ko hindi ka pwedeng umuwi ng-“

Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla ko siyang yakapin, ang mama ko. Miss na miss ko na ang amoy niya. Bigla kong binuhos ang sama ng loob na kahapon ko pa kinikimkim sa sarili ko. Akala ko okay na ako sa oras na maka-uwi ako ay kakalimutan ko na ang lahat ng nangyari sa Maynila, pero nasasaktan parin ako. My first betrayal…

Pagkatapos nung pagngawa ko sa kanya ng maabutan ko siyang nagdidilig ng halaman sa garden nung umagang yun ay di na siya nagtanong. Pinatuloy niya lang ako sa kwarto ko sa Rose Villa para makapag-pahinga.

Wala pang ibang tao pagpasok ko, malamang ay tulog pa ang mga kapatid ko. Ayaw ko din munang sagutin ang mga tanong nila kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.

Nakahinga ako ng maluwag na ganun pa din ito ng bumalik ako. Halatang araw-araw nililinisan. Kung titingnan ay parang hindi nabakante ng tatlong taon ang kwartong ‘to.

Dahil sa pagod sa biyahe kagabi ay agad akong nakatulog pagkasalampak ko palang sa malambot na kama.

***

NANG magising ako ay tanghali na at sa pagdilat ko ng aking mga mata ay dalawang pares ng mga mata ang bumungad sa’kin.

“A-anong?” medyo maga pa ang mga matang naupo ako sa higaan at hinarap silang dalawa na naglalakihan ang mga mata.

“Ate Summer!” sigaw ni Sunny na niyakap ako ng mahigpit. “Ikaw ba talaga yan? Totoo ka ba?”

Bruha ka, hindi ka man lang nagparamdam o tumawag nung nagising ka. Akala ko tuloy ay nagka-amnesia ka na at nakalimutan kami.” bulyaw ni Spring pero kita ko parin sa mata niya ang pangungulila.

Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ko man lang sila naisipang tawagan o kumustahin. Alam ko kasi na pag narinig ko ang mga boses nila’y agad akong kakaripas ng takbo dito kaya gusto ko munang ayusin ang lahat sa mga Silvana bago umuwi ng permanente sa kanila. Ito ang tahanan ko kaya dito parin naman ako uuwi.

Namiss kita sobra Ate Summer!” yakap yakap padin ako ni Sunny. Sadyang malambing talaga itong batang ‘to kaya hindi na ako nagtaka. Come to think of it, hindi na siya bata.

Dalagang dalaga na siya ngayon.
May hubog na ang katawan niya at mukhang nag-mature lalo ang mukha sa mahaba at kulot sa dulo niyang buhok. Pag naglakad siya sa gubat na nakasuot ng puting dress ay paniguradong pagkakamalan na siyang Diyosa.

Si Spring naman, mukha parin siyang bitch na nag level up sa pagiging pornstar dahil sa sexy niyang damit.

Mas nagmukha pa siyang mataray sa shoulder length niyang buhok.

Namiss ko din kayo,”

“In fairness, mukhang hiyang sa’yo ang buhay may asawa ah. Gumaganda ka, nadiligan ka na ba?” biglang singit ni Spring.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ako nagtanong kung paano niya nalamang may asawa na ako. Kahit kailan talaga ay bastos ang bunganga ng babaeng ‘to. Hindi ko siya namiss.

Nasaan nga pala yung dalawa,” pag-iiba ko ng usapan.

Nagkatinginan yung dalawa na para bang may natatakot na malaman ko.

“Nasa hotel na si Ate Winter at - Ate Autumn. si Sunny ang sumagot sa’kin.

Nakahinga ako ng maluwag. Kung ganun ay totoong okay lang si Autumn. Nag-alala ako na ‘di nagsabi si Lanzer ng totoo nung sinabi niyang okay lang ang kapatid ko.

“Mag-ayos ka na, dun daw tayo sa garden mag lunch sabi nila popsie. Excited silang makasama ulit sa hapag kainan ang alibugha nilang anak.”

Pagkatapos ay umalis na sila. Ang una kong ginawa ay hinawi ang blinds sa loob ng kwarto at tumambad sa’kin ang napaka-gandang tanawin ng tahanan ko. Ang malawak na burol, flower farm at mala kastilyong hotel. I’m finally back…

Ang buong pader ko ay malawak na bintana kung saan kitang kita ang loob mula sa labas kapag hinawi ang kurtina at blinds. Ang alam ko ay isang magaling na architect ang nagdesenyo ng bahay na ‘to para sa’min.

Dumiretso ako sa aking personnel cr at naligo, nagbabad pa ako sa bath tub ng ilang oras bago umahon at nagpalit ng damit. Karamihan sa mga damit ko ay masikip na kaya sa huli ay nagsuot nalang ako ng maong shorts at black tee na dati’y maluwang sa’kin.
Nang makalabas sa entrance ng bahay na isang pathwalk na napaliligiran ng malawak na swimming pool ay saglit pa akong huminto para samyuhin ang hangin. Medyo okay na ngayon ang pakiramdam ko.

Excited na nilakad ko hanggang sa back entrance ng hotel, balak ko munang pumunta sa penthouse nagbabakasakaling makita ang magulang ko.

Paakyat na ako sa grand staircase ng matigilan dahil sa dalawang babae na kasalubong ko. Si Winter na nakasuot ng white suit at si –Autumn. Tinitigan ko siya ng mabuti, unang beses palang na madako ang tingin ko sa kanya, alam ko ng may mali.

Nakalugay ang mahabang buhok niyang kulay itim at naka white flowy dress. May nagbago sa kanya, malaki – hindi na siya tao.

A-nong ibig sabihin nito?

###

Pa-suspense po muna sa ngayon,  pasensiya na kung maikli

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pa-suspense po muna sa ngayon,  pasensiya na kung maikli. Pero happy ako kasi meron na palang reader 'tong story na to. Thank you very much! Pasensiya na po kung magabal ang update, -little A

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now