IV

2.6K 84 7
                                    

KABANATA IV

“Danger.”

Ang buhay ng tao ay parang isang nauupos na kandila, walang nakakaalam kung kailan ito mauubos. Kaya’t habang kasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay ay sulitin natin ang bawat oras.

Bandang 6:01pm tinambangan ang convoy ng pamilyang Silvana sa bandang Marilao, patay ang lahat ng bodyguards na kasama nito pero kataka-takang ang lumabas lang sa media ay ang pamilya na nakasakay sa isang van.

On the spot na namatay ang padre pamilya na si Kryz Silvana matapos tamaan ng bala sa ulo, ang mga anak naman nitong babae na sina Kryzza at Suzzane Silvana ay binawian ng buhay sa ospital dahil sa mga kritikal na tama sa katawan. Ang ina ng tahanan na si Gng. Leticia Silvana ay comatose parin sa ospital matapos tamaan ng baril ang kaliwang bahagi ng ulo. Himala namang nabuhay ang panganay na anak na si Lanzer Silvana na maliban sa tama sa balikat at walang ibang malubhang tama. Ayon sa  report ay pinangsanggalang ng isang bodyguard ang katawan nito para iligtas si Lanzer sa lahat ng bala.

“Sunny, sigurado kang isasama mo yang aso mo sa Maynila? tanong ko sa magaling kong kapatid.

Nagpupumilit ate eh,”

“Tsk, sige na andiyan na yan eh, isakay mo na yan sa likod ng truck!” sigaw ni Spring.

Nakasakay kami ngayong lima sa isa sa mga Hilux ni popsie papuntang Maynila. Susunod kami para makiramay sa mga Silvana, hindi pa nakakabalik si popsie pagkatapos nung insidente kaya kami nalang ang susunod.

Si momsie lang ang naiwan para bantayan ang Casa, hindi din naman siya pwedeng umalis sa lugar na ito.
Ako ang nagmamaneho habang nasa passenger seat si Winter katabi ko. Nasa likod naman yung tatlo na sina Spring, Autumn at Sunny. Syempre nasa likod si Sixto, ang maarteng aso ni Sunny.

“Ate Summer, siguradong okay ka lang? Ayaw na ayaw mong lumuluwas ng Maynila diba?”

“May magagawa ba ako? Utos ni popsie,”

Weh? Ang sabihin mo para sa pag-ibig, kailangang kailangan ka ng prince charming mo ngayon.” ayan nanaman ang pang-aasar ni Spring.

Pwede ba, tigilan mo yan bago ko pa ibangga kung saan itong kotse na ‘to.”

Gabi na nang makarating kami sa memorial chapel kung saan nakaburol ang mga Silvana, ang weird lang dahil namatay din sila nang mismong araw kung kailan namin sila unang nakilala.

Sa labas palang ay pinagtitinginan na kaming magkakapatid. Una dahil magaganda kami, pangalawa dahil bagong mukha at pangatlo dahil sa suot ni Spring na balot na balot na akala mo ay masamang tao.
Bukod sa itim niyang jumpsuit ay nakasuot lang naman siya ng tumataginting na sun glass at face mask not to mention na naka-cup pa siyang itim na may mga glitters pa. Celebrity ang gaga eh.

Popsie,” nakita naming siya na inaantay kami sa may pinto.

“Dito tayo mga anak,” matamlay ang mukha niya at mukhang pagod na pagod.

‘Siya ba yung fiancée ni Master Lanzer? Yung orange ang buhok?’

‘Bakit ganyan ang kulay ng buhok niya?’

‘Sila ba ang mga anak ni Zequil?’

‘Ano ba naman ang mga itsura nila?’

‘Mas maganda pa’ko diyan eh, kawawa naman si Lanzer ko magpapakasal sa tombo na yan.’

Letse. Kinuha ko nalang ang earphones ko at nakinig sa music habang tinatahak ang daan kasunod nila.

Sa loob ay may malaking altar na maraming bulaklak, nasa gitna ang kabaong na may malaking picture ni Tito Kryz habang nasa magkabila naman niya ang mga anak niyang babae.

Hindi ko maiwasang manghinayang sa mga buhay nila. Bakit kaya may mga taong napaka dali para sa kanila ang kumitil ng buhay. Kung sa pamilya ko nangyari yun ay mababaliw talaga ako.
Luminga-linga ako sa paligid pero kataka-takang wala ni anino ni Lanzer, napatigil ako ng may kumalabit sa akin kaya tinanggal ko ang earphone na nakapasak sa tenga ko.

“Anak, pakihanap mo naman si Lanzer, kanina pa siya wala, magsisimula na ang misa.”

“Bakit ako?”

Alangan namang kami, ikaw ang fiancée diba?” singit ni Spring.

Tsk,” wala akong nagawa kundi ang tumayo at sundin ang utos ng nakatatanda.

Naikot ko na ang buong building pero hindi ko pa rin nakikita ni anino nung kumag.Pabalik na sana ako nung may marinig akong pamilyar na boses.

‘Ano pang silbi na nabuhay ako kung ako nalang ang natira? Mas mabuti pang tumalon nalang ako dito.’

Teka- don’t tell me nasa rooftop at magpapakamatay yung kumag na yun? Tsk, pasaway talaga. I mean okay lang naman sa’kin, kaya lang narinig ko pa eh, pag hinayaan ko siya at wala akong ginawa ay para na din akong naging mamamatay tao nun kasi hindi ko pinigilan kahit kaya ko naman.

Ayst! Bahala na nga! Tumakbo nalang ako at hinanap ang fire escape papuntang rooftop. Pagdating dun ay di nga ako nagkamali, nakatayo na sa edge ang tanga at nagbabadyang tumalon.

“Hoy tanga!” sigaw ko.

Lumingon siya sa’kin, namumugto ang walang buhay ang mga mata niya. Ang pamilya ko ang buhay ko kaya naman naiintindihan ko siya, kung sa akin nangyari yun ay mawawalan din ng direksiyon ang buhay ko. Kaya magpapanggap nalang ako na hindi nakita ang mga luha niya.

Madilim sa rooftop kaya inaninag niya ng maayos kung sino ako. Siguro naman, sa tingkad ng kulay orange kong buhok ay maaalala niya kaagad kung sino ako.

“Bago ka tumalon diyan, naayos mo na ba yung sarili mong kabaong?” tanging nasabi ko.

Itong babaeng to nanaman pala.’ sa isip-isip niya.

Bumaba siya sa edge ng rooftop at lumapit sa’kin. Baka sang iritasyon sa mukha niya. “Anong ginagawa mo dito?”

Pinapatawag ka ni popsie, magsisimula na daw ang huling misa ng pamilya mo.” sabi ko.

Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hilahin ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. Matiim siyang nakipagtitigan sa’kin habang ang lapit ng katawan namin sa isa’t-isa.

“Walang makaka-alam sa nakita mo kanina, MALIWANAG?” puno na ng awtoridad ang mga mata niya malayo dun sa puno ng dalamhati na nakita ko kanina.

Duwag ka pala eh, you dare standing on that edge, dapat handa ka sa magiging consequence.”

“Lan! Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa nila hinahanap sa baba.”

Napukaw pareho ang atensiyon namin sa boses ng babae na ngayon ay kakapasok lang sa rooftop. Malaki ang mga mata at maamo ang mukha. Napansin ko rin ang pasimpleng pagsipat niya sakin mula ulo hanggang paa.

Pasimple naman akong tinulak palayo nitong kasama ko na para bang napaso sakin. Samatalang siya nga itong bigla bigla nalang nanghahawak.

‘Ito na ba yung sinasabi nilang anak ni Ezequil Angeles at fiancée ni Lan? Tsk, wala man lang sa kalingkingan ko, hindi ako makapaniwalang ipapakasal ni Tito Kryz ang anak niya sa isang unggoy na taga-bundok.’ sa isip-isip nito.

Aba’t anong tinawag niya sa’kin?

“Tara na Monique,” sabi naman ni Lanzer na nauna ng umalis.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now