XIV

2K 76 2
                                    

KABANATA XIV

Plans gone wrong

“WELCOME back!”

Napaigtad si Lanzer ng maabutan ako sa loob ng mini office niya. Ginabi na siya ng uwi kaya mag-isa lang akong kumain ng hapunan kanina. Dumaan si Francis para ihatid sa’kin ang take-out na pagkain na galing daw sa paboritong restaurant ng amo niya.

Infairness, alam niyang hindi ako mahahatiran ng pagkain ni Dahlia dahil paniguradong magtataka ang magulang nito na nasa bahay na nila pagsapit ng gabi.

Mukha siyang pagod sa buong araw na pagtatrabaho. Nakasampay sa isang braso ang kulay abo niyang coat habang nakabukas ang tatlong butones mula sa itaas ng suot niyang itim na long sleeve. Nakatanggal na din ang pagkakabuhol ng kulay abo nitong kurbata na bahagya nalang nakasabit sa leeg niya.

Lasing ba siya o bahagyang pagod lang sa trabaho? Sana yung una ang dahilan niya para hindi ako mahirapan sa aking plano.

Ang nakakunot niyang tingin ay lumipat mula sa’kin na naka-upo sa desk chair niya papunta sa bote ng red wine na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Katabi nun ang dalawang kupita na kinuha ko rin kanina sa wine cellar.

Nalaman ko kasi kay Francis bago ito umalis kanina na merong wine cellar ang bahay na ito na matatagpuan sa basement. Dahil dun ay nakaisip ako ng magandang plano.

“What is the meaning of that?” turo niya sa wine. ‘Ano nanaman kaya ang iniisip ng babaeng ‘to? Palagi akong namomroblema sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti ng ganyan.’

“Sabi ni Francis kanina ay marami ka daw inasikaso na trabaho kaya sa opisina ka na kumain. I figured your tired so nandito ako para yayain kang mag unwind.” sabi ko.

“Unwind? From what I remember ikaw ang puno’t dulo ng sakit ng ulo ko.” angal niya at pabalibag na umupo sa couch sa tapat ko. Mukhang wala lang sa kanya kahit naka-upo ako sa trono nya.

Tumayo ako at inabot ang bote ng wine para magsalin sa isang baso. “Come on, pag hindi kita inaalagaan nagagalit ka, tapos ngayon naman na concerned ako sa’yo hindi ka naniniwala.”

“Because I know that you’re up to no good.” sabi nito. ‘Hindi ako magpapa-uto sa’yo. You don’t know who you’re dealing with, woman.’

Bwisit. Mukhang mahihirapan ako sa isang ‘to ah. Hindi ako magaling magpa-ikot ng tao kagaya ni Winter. Pero susubukan ko pa din, afterall naririnig ko ang iniisip niya kaya meron akong advantage.

Makikita mo Lanzer, hindi uubra sakin yang pagiging malihim mo. Ngayong gabi, malalaman ko ang lahat ng sikretong tinatago mo.

Lumapit ako sa kanya para iabot ang baso na may lamang red wine. Dahil sa aming winery ay marunong akong kumilatis ng alak. Pinili ko talaga ang pinaka-matapang para madali siyang mapasalita.

Pagkatapos ay sumandal ako sa desk para ipagsalin ang sarili ko ng wine. Malakas ang tolerance ko sa alak kaya tiwala akong wala siyang kawala sa plano ko.

“Cheers.” tinaas ko ang kopita sa gawi niya at ganun din siya.

Habang umiinom ay hindi ko inaalis ang paningin sa kanya. Sinisiguro na uubusin niya ang laman ng kopita.
Nang maubos ay agad ko syang pinagsalin ng panibago. Kalahating oras ang lumipas at wala nang laman ang bote, pero siya parang hindi man lang tinablan. Parang uminom lang ng tubig. Yung totoo?

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now