XXVIII

2K 82 1
                                    

KABANATA XXVIII

Heartless

“MAG-UUSAP pa tayo Summer!”

Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong lumabas ng sasakyan at iniwan siya. Wala akong balak na makipag-usap sa kanya.

“Summer, ano ba!”

Napabaling ako sa kanya ng tingin ng hilahin niya ang braso ko paharap sa kanya. Dahil sa ginawa niya ay nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita ang kaseryosohan sa mga mata niya, mukhang hindi niya talaga nagugustuhan ang ginagawa kong pagtrato sa kanya ngayon.

Pero wala akong paki-alam, ayokong makipag-usap sa isang tao na mamamatay tao at gahaman ang tingin sa pamilya ko.

“Ano bang problema mo?” matapang na tanong niya nang magtagumpay sa pagpilit sa’kin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para humarap sa kanya.
“IKAW ANG PROBLEMA KO! Sinungaling ka, manggagamit at parang gamit na walang pakiramdam ang tingin mo sa lahat ng tao!” ‘di ko na napigilang sumabog sa harap niya.
Napabitaw sya sa’kin. Akalain mo yun, tinatablan din pala ng hiya ang taong ‘to.
“Tama ako diba! Wala kang puso at sarili mo lang ang iniisip mo! You even kept what happened to my sister, para lang magamit mo ako sa pansarili mong kapakanan. You clearly took advantage me, pinaglaruan mo ang isip ko at pinag-iisipan mo ng masama ang pamilya ko!”
Biglang naging seryoso ang mukha niya, “Kung wala talaga kayong kinalaman, why don’t you prove it?”
“Wala akong obligasyon sa’yo! Kaya pwede ba tantanan mo na ako at ang pamilya ko! Tahimik ang buhay namin bago kayo dumating para sirain yun.”
“There’s no turning back now, Summer.” bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagbigkas niya sa pangalan ko. “You are my wife now, I even put a mark on you.”
Biglang tumaas ang balahibo sa batok ko ng hawakan niya yun ng isang kamay. Alam ko ang tinutukoy niya, walang iba kundi yung tattoo na pinalagay niya dun nung gabing pinirmahan ko ang pesteng marriage certicate na yun. Remind me again kung bakit ko ginawa ang katangahan na yun.
“Bwisit ka!”
Hindi ako nakapagpigil at inambahan siya ng sipa, halatang hindi niya inasahan yun pero napa-atras parin siya at nailagan yun. Sunod ay inambahan ko sya ng suntok pero nahawakan niya ang isang braso ko at pinatalikod ako sa kanya.
“Bitiwan mo ako ano ba!” sigaw ko.
Kung titingnan kami mula sa malayo ay parang nakayakap lang siya sa’kin mula sa likod. Ano bang nangyayari sa’kin? Kinakalawang na ba ako o sadyang mas malakas lang siya? Imposible, bata palang ay tinitrain na ako ni popsie kaya bakit ako matatakot sa well sheltered na lalaking ‘to?
“Anong nangyayari dito?”
Binitiwan niya lang ako ng marinig ang boses ni popsie, pag lingon ko sa likod namin ay nakita ko siyang nakatayo mula sa direksiyon ng main entrance. Kanina pa kaya siya nandiyan? Nakita ko din ang kaseryosohan sa mga mata niya.
“Pop-sie.” tanging lumabas sa bibig ko.
“Na-miss ko lang ang asawa ko, tito.” parang gusto kong masuka sa palusot niya. Pansin ko lang, pang ilang beses na ito ng pagtawag niya ng asawa sa’kin mula kanina.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni popsie sa sinabi niya. Biglang bumalik sa mapaglarong awra ang ekspresyon nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa’min.
“Buti naman at nandito ka na. Ano man ang pinag-awayan ninyong mag-asawa dapat ay matutunan niyong ayusin kaagad yun.” sabi niya. Hindi pa yata ako handa na makarinig sa kanya ng ganun. Parang gusto ko tuloy masuka.
“Pasensiya na po at ngayon lang ako, marami pa akong inayos na trabaho sa Maynila para masiguro na magkaroon ako ng maraming oras para suyuin ang asawa ko.”
Yuck! Isa pa ‘tong gago na ‘to! Plastic!
“Good timing, you should stay until tomorrow midnight. Hindi mo naitatanong ay bukas ang birthday ni Summer and yung isa ko pang anak, si Sunny, then the following day ay birthday nung tatlo pa nilang kapatid kaya sabay-sabay naming icecelebrate ang mga birthday nila ng midnight.”
“Okay tito,”
Fuck! How could I forget, birthday ko na nga pala bukas. Akala ko ay walang celebration pero knowing my parents, hindi nila basta palalampasin.
“Perfect! Summer,” bumaling si popsie sa’kin. “Ipasyal mo muna ang asawa mo dito sa Casa, afterall he is family already. Para naman ma-familiarize siya sa lugar. Sooner or later kailangan din niyang malaman ang lahat lahat tungkol sa lugar na ‘to, bilang asawa mo. Pagkatapos ay isama mo siya sa dining for dinner mamaya.”
“P-po?”
Natigilan ako, alam kong may iba pa siyang ibig sabihin sa sinabi niya. Ipagkakatiwala talaga nila sa lalaking ‘to ang lahat-lahat ng sikreto namin? Sa isang tao na mamamatay tao ang tingin sa’min. Nagkamali ba ako na wag sabihin sa kanila ang tunay na dahilan ng pag alis ko sa Mansiyon ng mga Silvana?
“Let’s go?”
Nakaalis na si popsie nang kunin niya ang atensiyon ko. Gaya ng utos ni popsie, inikot ko siya sa buong lugar, pero naglalakad lang kami at hindi nag-uusap. Ang utos naman sa’kin ay iikot lang siya.
Naglalakad kami sa kalagitnaan ng vineyard ng mapansin kong nag-iiba na ang kulay ng kalangitan, tanda na malapit ng dumilim. Nasa unahan ako at nakasunod lang siya sa’kin, wala ni isa sa’min ang nagsasalita.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni popsie, natatakot ako. Mukhang desidido siyang papasukin si Lanzer sa pamilya namin at ipagkatiwala ang lahat ng sikreto namin, but I know na hindi siya mapagkakatiwalaan.
Kung magtatagal pa siya sa lugar na’to ay  maaring ikapahamak lang namin. How I wish hindi nalang nangyari ang lahat. Hindi nalang sana siya dumating sa buhay namin, sa buhay ko.
“What’s wrong?” nakawala ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang ma-awtoridad na boses nya.
Marahil ay hindi ko napansing tumigil ako sa paglalakad dahil sa malalim na pag-iisip. Ngayon ay nakahabol na siya sa’kin at nakatayo sa harap ko. Tiningnan ko lang siya, paano ka ba mawawala sa buhay ko? You are not good for me Lanzer, and yet here you are.
“A-ano ba talaga ang plano mo? Bakit ka nandito?” wala sa loob na tanong ko. Bakit ka nandito sa buhay ko at ginugulo ang lahat ng sistema ko?
“Hindi ba dapat alam mo na ang sagot sa tanong na yan? You should know since you’re a clairaudient,” mas lumapit na siya sakin.
‘I want you.’
Napaatras ako, kahit kailan ay isa talaga siyang malaking misteryo sa buhay ko. Nababasa ko ang isip niya pero pakiramdam ko, hindi ang totoong nararamdaman niya. Para siyang isang malaking puzzle na hindi ko makuha ng tama.
“Ano bang kailangan mo sa’kin? Naniniwala ka naman dun sa Monique na yun diba? Na masamang tao ang mga magulang ko?”
Napa-iwas siya ng tingin, I knew it.
“Alam mo kakaiba ka din ano?” pagpapatuloy ko. “Nagagawa mong kausapin ang mga magulang ko at tingnan sa mata sa kabila ng lahat.”
“Siguro nga, I am a heartless beast.” Mas lumapit pa siya sa’kin, ngayon ay halos magkadikit na ang mga katawan namin.
“But you’re my wife, so deal with it.” pagkatapos nun ay umalis na siya.
Bakit ganun? Parang siya pa ang galit?
Pagkatapos nun ay nakatanga lang ako habang pinagmamasdan ang papalayong likod ng lalaking yun. Ano bang gagawin ko sa’yo Lanzer Silvana?
***
“POPSIE!?”
“Oh, hindi mo kasama ang asawa mo?”
Napa-ikot ang eyeballs ko sa sinabi niya. Tsk, itong matandang ‘to, masyadong sabik magkaroon ng anak na lalaki.
Naabutan ko siya sa opisina niya. Nasa groundfloor ang office ni popsie dahil madalas dito siya tumatanggap ng mga bisita at kliyente. Pagpasok palang ng Casa Angeles ay bubungad na ang isang hagdan papunta sa basement kung nasan ang office niya kung saan siya tumatanggap ng mga kliyente na tao.
“Let’s talk.” sabi ko.
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at sumunod sa’kin na naupo sa black couch na nandun. Malawak ang opisina at napapaligiran ng nagtataasang book shelves. Sa pader ay may nakasabit na sina-unang shotgun na ginagamit niya sa pangangaso.
Lahat ng kasang-kapan pati interior ay makaluma. Nasasalamin sa pagkahilig ni popsie sa mga antic.
Nung bata pa kami ay madalas kami dito para sa homeschooling namin. Para akong napabalik sa nakaraan ng madako ang tingin ko sa carpeted floor kung saan kami tinuturuang bumasa at sumulat ni popsie noon.
Ang lugar na ‘to ay punong-puno ng ala-ala ng nakaraang buhay ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan ito.
“May problema ba anak?” tanong niya na naupo sa sofa katapat ko.
“Yung sinabi mo kanina? Sigurado ka ba na sasabihin mo kay Lanzer ang lahat-lahat tungkol sa lugar na ‘to?”
“Hindi ako, kundi ikaw Summer. Asawa mo siya at parte na siya ng pamilya natin.”
“Pero hindi tayo makakasiguro na po-protektahan niya ang sikreto ng lugar na ‘to! Hindi natin siya lubusang kilala!”
Nadismaya ako nang walang magbago sa ekspresyon niya, parang hindi man lang siya nag-aalala. Bagkus ay nag-iwan ng mga kataga na mas lalo pang nagpagulo sa isip ko.
“Anak, ang lahat ng tao ay pinagtatagpo dahil ito ang itinakda ng langit. Ang pagkukrus ng landas ninyo ni Lanzer ay bahagi ng isang malaking plano para maibalik ang mga bagay sa tunay na nag-mamayari nito.”
###




Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now