KABANATA XLVII
“Leticia Boris-Silvana”
‘ANONG akala mo sakin Leticia? Hindi ako tanga, lalong hindi ganun kahina ang loob ko. May dalawa pa akong anak na kailangan ako kaya hindi pa ako pwedeng mamatay! Kailangan kong mabuhay para kina Lanzer at Sixto.’
‘Walang hiya kang babae ka! Bakit hindi ka nalang mawala sa mundo!’
Dahil mukhang hindi gumana sa taong kausap ang pagmamanipula niya ay tuluyang nag-init ang ulo nito. Hinablot nito ang isang vase at hinampas sa ulo ang babaeng kontrabida sa kaligayahan nya.
Huli na ng mapagtanto ang kahindik-hindik na krimen na nagawa niya. Nang pumasok ang matalik niyang kaibigan at katiwala sa bahay na yun na si Lucresia ay naabutan nito ang nakahandusay na si Lily at ang dugo na umagos mula sa ulo nito.
‘Anong nangyari dito?’
‘H-hindi ko sinasadya…’ tulala siyang nakatingin lamang sa katawan.
Siya namang dating ng kapatid niyang si Eugene. Agad itong nakapag-isip at dumampot ng lubid kung saan.
‘Kuya…’ tawag niya dito.
‘Wag kang mag-alala, hindi ako papayag na maging mamamatay tao ka.’ ika nito.
‘Lucresia tulungan mo akong linisin ang mga dugo sa sahig, palalabasin natin na nagpakamatay siya, madali ka!’
Nang mga sandaling yun ay may pulso pa si Lily at naririnig ang mga nangyayari sa paligid niya.
‘Mga anak ko…’ paulit-ulit na bigkas niya sa utak bago naubos ang kanyang huling hininga.
Bago tuluyang manlabo ang kanyang paningin ay nakita niya ang batang pumasok sa loob ng silid at matamang nakatingin sa kanya. Si Lanzer…
![](https://img.wattpad.com/cover/178838705-288-k670367.jpg)
YOU ARE READING
Eyrie Series #1: Eros ✅
RomanceEyrie Series # 1: Eros (COMPLETED) In a faraway city called Eyrie stood a mysterious hotel. Meet one of its owners, Summer Angeles, a claireaudience with enhanced hearing. She can hear everything from afar including the voices of those outside the...