VII

2.3K 89 5
                                    

KABANATA VII

“His Troublemaker”

“Let’s eat.” utos niya pagkatapos ilapag ng mga maid ang pagkain nila.

Nagpahanda siya ng steak at pasta since hindi siya sigurado kung anong gustong kainin nito. Sabi ni Dok Winter bago ito umalis ay maganda sa katawan ang kahit anong karne para manumbalik ang lakas nito.

“Ang akala ko pa naman ay lalabas tayo at kailangan ko pang magsuot ng ganito kagarang damit.” naiiritang sabi ng dalaga.

“Kahit nasa bahay lang ay kailangan padin nating mag-ayos para magmukhang kaaya-aya sa nakakakita sa’tin.” sabi niya na puno ng admirasyon ang mga mata para sa dalaga. 

“Wag kang masyadong magandahan sa’kin emperor, tingin mo ba hahayaan kitang gawin akong manika na pwede mong bihisan ng kahit anong gusto mo?” may pagkasarkastikong sabi ni Summer pagakatapos ay humiwa ng steak.

“Hindi ba’t yun naman talaga ang trabaho mo, as my bride-to-be you should be the apple of my eye. Paano ako gaganahang kumain kung mukha kang basahan.” sabi niya na balik ulit sa blangko ang mukha.

May kung ano sa sinabi niya ang hindi nito nagustuhan at pabalibag na binitawan ang hawak na mga utensils. Dahil sila lang dalawa ang nasa silid na yun ay umalingawngaw ang tunog nito sa buong kwarto.
“Apple of my eye your ass! Hindi mo kilala kung sino ang Angeles na nasa harapan mo ngayon, Emperor. Mamumuti muna ang lahat ng buhok mo sa ulo bago mo ako mapasunod.” tumayo na ito at akmang aalis sa hapag kainan.

“Hindi pa tayo tapos kumain.”

“Wala na akong gana!”

“Hindi pa akong tapos kumain, hangga’t hindi pa ako tapos kumain, walang tatayo sa hapag kainan na ito.” malamig ang boses niya pero ma-awtoridad.

“Yeah? Then stop me.” may pang-uuyam na balik sa kanya ni Summer.

“Ganyan ka ba talaga pinalaki nila Tito Ezequil at Tita Vanya? Malaki ang respeto sa kanila ni dad dahil mabubuti daw silang tao, pero kung ganyan ka kabastos, I guess my father’s wrong. They are not that good people after all.”

Humarap sa kanya si Summer para singhalan siya, pero parang may kung anong nagpatigil dito at tinitigan siya sa mga mata. Yung mga tingin nito ay para bang hinahalukay ang lahat ng tinatago niyang sikreto.

“Natatakot kang mag-isa.” kapagkuwan ay sabi nito na kinagulat niya.

Hindi ito tanong kundi isang statement. Sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos niyang mamaster ang pagtatago ng tunay na saloobin niya ay may isang tao na nakabasa sa kanya. Paano nito nagawa yun? Nababasa ba nito ang isip niya?

***

‘Natatakot siyang mag-isa.’

Alam ko at hindi niya maitatago ang bagay na yun sa’kin. Dahil naririnig ko ang iniisip nya. Wala dapat akong paki, pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na bumalik sa pagkaka-upo. Gusto ko siyang asarin ngayon na alam ko na ang kahinaan niya.
Sino ba naman ang mag-aakala? He is just pretending to be a cold and heartless emperor pero ang totoo, natatakot siyang maiwan siyang mag-isa. Kung ibang babae siguro ay maaawa sa kanya, pero maldita ako kaya wala akong paki-alam.

Eyrie Series #1: Eros ✅Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt