XXXVII

2K 86 1
                                    

KABANATA XXXVII


Different enemies, different agendas


“HI everyone! Ako nga pala si Summer Angeles-Silvana formerly fiancé ni Lanzer, asawa na niya ngayon. So bale 100% ng shares ni Lanzer ay pagmamay-ari na niya legally.” nakangiti kong bati sa lahat ng narito. Buti nalang at makapal ang mukha ko at hindi naapektuhan sa disgust sa mga mukha ng taong nakatingin sa’kin.

Pero mas natutuwa ako pag may sumasakit ang ulo ng dahil sa’kin. I was born as a troublemaker after all.

Mas lalo akong natuwa ng makita si Monique sa isang gilid, katabi ng kanyang ama. Punong-puno ng hinanakit ang kanyang mukha. Asang-asa si girl.

Tumikhim si Francis na nakapasok na din pala sa silid na yun at may binuklat na dokumento. Ayon sa last will and testament ng dating emperor na si Kryz Silvana, awtomatikong mapupunta sa kanyang anak na si Lanzer Silvana ang 50% shares ng Empire Group pag namatay siya at ang kalahati ay makukuha nito sa oras na maikasal sa kanyang fiancé na si Ms. Summer Angeles.”

Halatang maraming nagulat sa rebelasyon na yon tungkol sa last will ni Tito Kryz. Ang sabi sa’kin ni Francis ay walang ibang nakaka-alam tungkol sa will na yun at tanging si Lanzer lang ang nakarinig dahil siya nalang ang natitira sa pamilya niya.

Nang nalaman daw ng mga miyembro ng organisasyon na 50% lang ang pinamana sa kanya ay inisip ng marami na hindi naniniwala si Tito Kryz na kayang pamunuan ng anak ang Empire Group.

“Ngayon, tatanungin ko kayo ulit. Sino ang gustong palitan ako at sino ang ipapalit niyo?” may pagbabanta sa tanong na iyon ni Lanzer na sapat na para mapayuko ang ulo ng lahat.

Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ang pagkuyom ng kamao niya na nakahawak sa beywang yun. Unang beses ko siyang nakitaan ng emosyon mula nang pumasok ako sa lugar na ‘to. Pero saglit lang din yung nawala.

‘This assholes.’ sabi niya sa isip niya.
Mukhang magpapasabog ng lagim ang emperor. May parte ng pagkatao ko na naexcite na makikita ko siyang magalit sa mga constituents niya. I bet, the ruthless Lanzer will be more sexy and attractive.

“Ngayon ay iibahin ko ang tanong, sino sa inyo ang gusto ng tumiwalag sa grupo at wala ang loyalty sa pamilya Silvana?” puno parin ang awtoridad na tanong niya. Malaki ang silid pero sa sobrang lakas ng boses ni Lanzer na parang kidlat at nag echo sa bawat sulok nito.

Sabi sakin ni Francis since marami kaming time magkwentuhan sa kotse kanina ay 100% shares means Lanzer is above the board. May karapatan siyang mag-demote ng miyembro kung gusto niya since the only way out of the group is death.

“Calm down, son.” sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig na magsalita si Eugene Boris, ang pinaka makapangyarihang miyembro ng crowd. “Our shareholders only want what’s best for the company.”

Wala akong narinig na mali sa sinabi niya pero parang nagalit si Lanzer sa paraan ng pag-address nito sa kanya.

‘This man is clearly looking down on me treating me like a kid.’ ngitngit niya sa isip niya pero stoic padin ang expression.

Men and their ego, I can never understand them.

“Uncle Boris, we are having a board meeting, I hope you address me right.” malamig parin ang tono na sabi ni Lanzer.

Pasensiya na emperor.” yumuko ito pero tumingin muna sa’kin na para bang sinisisi ako sa biglang pagkawala ng amor ni Lanzer sa pamilya niya.

Anong kasalanan ko? Sila kaya itong nagtangkang magpatalsik kay Lanzer kani-kanina lang. Malay naman nilang mautak pa sa demonyo itong lalaking ‘to?

‘What happened to you Lanzer? Anong pinakain sa’yo ng babaeng yan?’ narinig ko ang boses ni Monique sa ibabaw ng iba na halos murahin din ako dahil sa planong naudlot sa biglang pagdating ko.

Tiningnan ko siya at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang paghihinagpis sa mga yun. Naramdaman kong totoo ang pagmamahal niya kay Lanzer, isang malaking katibayan ang paninibugho sa mukha niya ngayon. Sadly, he loved a heartless man.

Bigla akong natakot para sa sarili ko, ganun din kaya ang mararamdaman ko kapag wala na akong pakinabang sa kanya? Knowing na may nararamdaman na ako para sa kanya? Pero agad ko din iyong pinaalis sa isip ko, For now, ieenjoy ko muna ang lahat ng ‘to.

Wala namang mawawala sa’kin pag nagkataon eh. Wala nga ba?

Tahimik ka, may problema ba?”

Nabawi ako sa malalim ng pag-iisip ng magsalita si Lanzer na puno ng pag-aalala. Nakapalibot parin sa beywang ko ang isang braso niya habang naglalakad kami. Kakalabas lang namin sa conference room at ngayon ay tinutungo ang daan papunta sa elevator.

Nasa likod namin sina Rusty at Francis, sa likod nila ay may tatlo pang bodyguards. Nasa loob lang kami ng kumpanya niya ay bantay sarado parin siya. The disadvantage of being the most powerful man in the country.

“Lan!”

Napa-ikot ang eyeballs ko ng humabol sa’min si Monique. Nasa tapat na kami ng elevator at inaantay nalang yung bumukas.

“Can we talk?” tanong niya kay Lanzer.

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lanzer habang nakatingin sa kanya. Ano to?

“What is it, Niks?” tanong niya.

“Don’t hate dad, gusto lang niya ang ikabubuti ng Empire Group.” sabi nito.

“And I’m not good enough?”

“No! That’s not what I mean.”

“Let’s talk, yung tayo lang dalawa sana.”

“Not now, Monique. Marami pa akong gagawin. I need to take my wife home.”

Halos madurog ang puso nito sa biglaang panlalamig sa kanya ng lalaking kasama ko. Hindi ko alam kung bakit may gentle side sa kanya si Lanzer pero isa lang ang alam ko, hindi siya ganun pag tumitingin sa akin.

Pag-nagtatama ang mga mata namin, I can sense another emotion. Like its sparkling from amusement.

“Pero-“ magsasalita pa sana si Monique nang bumukas ang pintuan ng elevator. Salamat naman.

Hinila na ako ni Lanzer papasok sa loob bago muling hinarap ito. “If you want to talk set an appointment, you can call Francis my assistant.”

Pagkatapos ay sumunod na ang mga bodyguards niya. Sa kanila palang ay halos mapuno na ang private elevator ni Lanzer kaya hindi na ito nag-abala pang sumunod sa’min.

Mas lalo akong hinapit ni Lanzer palapit sa kanya, yung klase na para bang gusto akong ipagdamot. Medyo maliit lang kasi ang space namin dahil hindi kalakihan ang private elevator niya. Hindi nanaman tuloy matigil sa pagwawala itong puso ko.

Napansin ko na paakyat kami at nakumpirma ang hinala ko kung saan kami pupunta ng bumukas ang elevator at lumabas kami sa pinaka-mataas na floor ng building na ito.

Kaming apat nalang kasama sina Francis at Rusty ang lumabas at hindi na sumama ang tatlo pa. Mukhang mas malaki talaga ang tiwala niya sa dalawang ‘to. Kanina ko lang nalaman na assistant/secretary niya pala si Francis at personal bodyguard naman si Rusty.

“Akala ko ba iuuwi mo ako na ako sa bahay?” tanong ko.

Bahay? Wow, yun na baa ng tingin ko sa Silvana Mansion? Bahay ko? Para namang natuwa si nginisihan ako. That look of amusement in his eyes na para bang wala akong katulad.

“May tatapusin lang ako na hindi na makaka-antay ng bukas. Okay lang ba na may dadaanan tayo mamaya bago umuwi?” tanong nya.

Ofcourse, ayoko sawang sawa na ako sa itsura ng bahay mo ang boring. I want to experience something thrilling.”

‘Thrilling huh?’

Base sa naglalarong ngiti sa mga labi niya, alam kong maeenjoy ko ang pupuntahan namin mamaya.

Pagkatapos nun ay iniwan niya na ako at dumiretso sa table niya para kunin ang teleponong nandun. Balik nanaman ang ekspresyon niya kanina sa conference room, he is once again the ruthless emperor.

“Finish that bastard and his men, mag-iwan ka ng isang bahay for interrogation and leave him to me. Paluluhurin ko siya sa sarili niyang dugo.” sabi niya sa kung sino mang kausap.

Medyo brutal ang bawat salitang binitawan niya pero ang atensiyon ko lang ay kung gaano kasexy ang tunog ng boses niya habang binibigkas yun.

***

NASAAN ang thrilling sa lugar na ‘to?” tanong ko sa kanya.

Madilim na ang paligid at heto kami sa loob ng Land Rover ni Lanzer na nakapark sa gitna ng kawalan. Nakapatay ang ilaw sa loob at pareho kaming naka-upo sa back seat habang nasa unahan naman sila Rusty at Francis na parang may iniintay. Sa kabilang sasakyan ay ganun din ang ginagawa ng mga bodyguards niya.

Papunta na sila dito, Summer.”

“Sila?”

Maya-maya lang ay may tumigil na isang itim na van sa harapan namin. Binuksan ni Rusty ang headlights ng sasakyan at ganun din ang ginawa ng nasa kabilang sasakyan na lulan ang iba pa niyang tauhan. Parang nilalagyan ng spotlight ang bagong dating na sasakyan.

“Dito ka lang.”

Napasimangot ako ng buksan niya ang pintuan sa side niya. Ibig sabihin ba ay hindi niya ako isasama?

“Don’t pout like that,” sabi niya sabay himas sa ulo ko bago lumapit sa tenga ko para bumulong. “Baka hindi ako makapag pigil.”

Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng sasakyan kasunod ni Francis. Si Rusty ay nanatili lang nan aka-upo sa driver’s seat. Siya siguro ang inatasan na magbantay sa’kin.

Nakita ko ang isang grupo ng kalalakihan na bumaba ng sasakyan na may hila-hilang isang lalaki. Napakurap pa ako ng mapagtantong si Emanuel Xiu ang lalaking yun.
Nang makarating si Lanzer sa pwesto nito ay pinanlisikan siya nito ng mata. Medyo malayo na sila at makapal ang sasakyan na kinalalagyan ko, pero dahil pinagpala ang pandinig ko, naririnig ko sila.

‘Kung nabubuhay ang tatay mo ay hindi siya matutuwa sa mga ginagawa mo ngayon Lanzer! Matalik niya akong kaibigan at kataksilan sa ala-ala niya ang ginagawa mo!’ sabi nito.

Akalain mo yun, ang galing niyang manangalog. Iisipin mo na naka dub lang ang boses niya dahil mukha talaga siyang intsik.

Maiintindihan ni dad ang ginagawa ko para protektahan ang pamilya namin. Isa pa ay siya mismo ang nagsabi sa’kin na hindi ka mapag-kakatiwalaan.’ sabi ni Lanzer.

Grabe, ang hot niya habang nanlilisik ang mga mata. Nakaka-attract parin siya kahit mukha siyang goons ngayon na papatay ng tao.

Parang gusto ko tuloy siyang sunggaban ng halik ngayon. Naalala ko yung mainit na halik na pinagsaluhan namin sa secret base niya.

“Ang cute talaga ng asawa ko.” hindi ko namalayan na napalakas pala ang sabi ko. Kaya ngayon ay nakatingin si Rusty sa’kin na para bang hinuhusgahan ako. Come to think of it, kahit kailan pala ay hindi ko pa narinig magsalita ang isang ‘to.

Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy sa pakiki-chismis sa nangyayari sa labas.

‘Uncle Xiu,’

‘Wag mo akong tawagin ng ganyan! Wala akong demonyong inaanak na kagaya mo!’

‘Too bad for you dahil nagkamali ka ng kinampihan.’

Kinuha niya ang baril na inabot sa kanya ni Francis at kinasa ito. Grabe ang hot niyang tingnan habang tinututukan ang kawawang nilalang sa ulo. Don’t get me wrong, hindi ako naaawa dito, unang kita ko palang sa kanya ay alam kong haling na ang bituka niya.

‘I wonder kung anong mararamdaman ni Olivia pag namatay ka?’

Biglang nanlaki ang mata nito sa binanggit niyang pangalan.

‘Wag mong idadamay dito ang anak ko!’

‘Kung hindi mo ibibigay ang gusto ko ay hindi mo na makikita ulit ang anak mo.’

Bigla akong kinabahan, ‘di ko alam kung dahil sa stoic face ni Lanzer na parang wala lang talaga sa kanya ang pumatay ng inosente o ang fact na may dinamay siyang walang malay.

‘Anong ginawa mo sa Olivia ko!? Walang hiya ka, demonyo ka! Thirteen years old palang siya!’

‘Madali naman akong kausap Emanuel,’ mas lalong naging nakakatakot si Lanzer lalo na sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ng kausap.

‘Sabihin mo sakin kung sino ang nag-utos na pumatay sa pamilya ko.’

Bigla itong mukhang kinakabahan at nanginginig ang mga kamay. Sa tingin ko ay hindi talaga siya dahil nerbiyoso ang lalaking ‘to. Pera lang talaga ang habol niya, magkaroon ng maraming pera.

Pero kung sino man ang nag-utos ng ambush sa pamilya ni Lanzer, mas walang takot ang isang yun at mas malaking bagay ang gusto niyang makuha. Sa dami ng kasama nilang bodyguards nung araw na yun. Paniguradong hindi yun naging madali.

‘Hindi! Wala akong alam!’ paulit-ulit na sigaw nito.

Kung sino man ang mastermind sa massacre, halatang mas takot dun si Emanuel Xiu. Mas takot siya sa taong yun kesa kay Lanzer.

Nang walang mahitang sagot dito kahit ilang beses pa itong bugbugin sa harap niya ay pinaubaya nalang ito ni Lanzer sa mga tauhan niya. Ibinalik niya ang hawak na b aril kay Francis at naglakad na pabalik sa sasakyan namin.

Pagpasok na pagpasok niya ay nagulat ako ng bigla niya akong hapitin palapit sa kanya at yakapin na para bang kumukuha sa’kin ng lakas.

“Okay ka lang?” tanong ko.

“Hindi ko parin nahanap ang pumatay sa magulang ko.” nahimigan ko ng lungkot ang boses niya. Dahil dun ay hinimas-himas ko ang likod niya. First time kong mag comfort ng isang tao kaya hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

“Wag kang mag-alala, mahahanap din natin ang walang hiyang yun.” sabi ko habang patuloy siyang inaalo.

Naramdaman kong umandar na ang sasakyan pero hindi padin siya natinag. Parang walang paki-alam na naririnig nila Rusty at Francis ang kahinaan niya.

Humiwalay ako sa kanya at kinulong sa dalawang palad ang mukha niya at pinaharap siya sa’kin.

Mahahanap natin ang demonyong yun pero tapatin mo muna ako. May ginawa ka ba dun sa Olivia?” tanong ko.

Ayokong maging totoong halimaw siya habang hinahanap ang demonyong kumuha sa pamilya niya.

“Don’t worry, pinakuha ko lang siya at binalik sa nanay niya. I found out na ni-rape ni Uncle Xiu ang isa sa mga katulong niya noon para magkaroon ng anak at kinuha niya ang bata. Ngayon ay matatahimik na silang mag-ina dahil sinigurado kong hindi na sila mahahanap ng demonyo niyang tatay.” sabi nito.

“Thank god.”

“I did a good deed. Now can I get my reward?”

Napailing nalang ako, here goes naughty Lanzer again. Mula ng mangyari sa’min ay palagi siyang ganyan. Getting all the chances he could get to touch and kiss me.

###

Para sa question ko last chapter,  Summer is correct pero may isa pang tamang sagot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Para sa question ko last chapter,  Summer is correct pero may isa pang tamang sagot. At yan ay malalaman niyo sa mga susunod na kabanata so stay tune guys! Next chapter will contain mature contents. Wag na kayong magtaka kung bakit 'medyo' may kahalayan ang libro na ito dahil the title speak for itself. -little A

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now