V

2.3K 81 0
                                    

KABANATA V

"Everything has changed."

Toot...toot...toot...toot

Yun ang narinig ko bago unti-unting dinilat ang mga mata.

Nasa loob ako ng isang kwarto na kulay pink ang mga pader at may naka-ukit na mga bulaklak. Sa gilid ay mayroong nakadikit sakin na machine na gumagawa ng kakaibang ingay.

Sa di kalayuan ay may naaninag akong isang babaeng nakatalikod at parang inaayos ang mga bulaklak sa isang paso.

"S-sino ka? N-nasaan ako?" may mask na nakakabit sa bandang ilong ko at hirap magsalita.

Humarap ito at nanlaki ang mga mata ng makita ako. Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko kwarto ito kaya naman mas lalo akong nalito.

"Gising ka na!" nagtatakbo ito at lumabas. "Doktora Winter! Gising na po ang pasyente!"

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang mukha ng kapatid ko... si Winter. Lumapit siya sakin at tinanggal ang mask sa mukha ko.

"Summer, naririnig mo ba ako?"

Dahan-dahan akong tumango medyo groggy pa din ang utak ko at tanging boses niya lang ang naririnig ko.

"Thank god!"

Nang magising ako ulit ay wala na si Winter, nakita ko ulit yung babaeng nakita ko nung una akong nagdilat ng mata.

"Hi Miss Summer! Mabuti naman at gising ka na. Ang sabi ni Doc Winter ay magiging okay ka na dahil stable na ang vital signs mo."

"S-sino ka?" pinilit kong umupo. Pakiramdam ko ay ngalay na ngalay ang buong katawan ko at kailangang igalaw.

"Nakaalis na siya, may mga aasikasuhin pa daw kasi siya sa Eyrie kaya kailangan na niyang umalis. Pero wag kang mag-alala, babalik din siya agad next week. Ako nga pala si Karla, ako ang naatasan ni Master Lanzer este 'Emperor' para maging personal nurse mo."

"Si Lanzer?"

"Oo, papunta na din siya dito, tinawagan na namin siya kanina para ipaalam na gising ka na."

"Papunta siya dito? Pero teka-nasan ba ako?"

"Nandito ka sa Silvana Mansion sa Forbes Park at ang tawag sa kwarto kung nasaan tayo ngayon ay Jasmine room. Pinaayos 'to ni 'emperor' para sa'yo, ang babaeng mapapangasawa niya."

"At bakit ako nandito? Bakit wala ako sa Eyrie?"

"Mabuti pang antayin mo nalang si 'Emperor' para sagutin ang mga tanong na yan."

"Sino ba yang Emperor na sinasabi mo?"

"Si Master Lanzer po, siya na ang emperor at pumalit sa tatay niya mula ng mamatay siya three years ago."

Bago pa siya makasagot at bumukas na ang pinto at iniluwa nun ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.  Nakasuot ito ng itim na tux at pormal na pormal na parang kagagaling lang sa isang mahalagang meeting. Ibang-iba na din ang tindig nito ngayon, seryoso ang mga mata at puno ng awtoridad.

Sa likod niya ay may nakasunod na dalawang lalaki. Isang malaki ang katawan na mukhang bouncer sa club at ang isa naman ay medyo payat at nakasalamin.

"Anong ginagawa ko dito sa bahay mo? Gusto ko ng umuwi!" kaagad na singhal ko sa kanya.

"Mataray ka na ulit, mukhang magaling ka na talaga." sabi niya lang. Pagkatapos ay bumaling siya sa mga kasama.

"Iwan niyo muna kaming dalawa." ma-awtoridad na utos niya.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now