XXXI

2.1K 76 0
                                    

KABANATA XXXI

Birthdays

LINTIK! Anong ginagawa mo dito?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siyang naka-upo sa kama ko. Kakalabas ko lang ng banyo at handa ng matulog, pero mukhang hindi pa ata tapos itong lalaking ‘to na guluhin ang araw ko. Buti nalang ay sanay akong magpalit ng damit sa loob ng banyo at nakasuot na ngayon ng silky red pjs.

Gusto ko na talagang matulog. Bakit ba ayaw akong patahimikin ng taong ‘to?

“Dito ako pinapatulog ni Spring dahil wala naman akong ibang tutulugan. ‘Di naman ako pwede sa hotel, isa pa ay mag-asawa naman daw tayo.” sabi nito.

Nasapo ko nalang ang nuo ko. Bakit nga ba nakalimutan yun? Napansin ko din ang itim na duffle bag na nakapatong sa may dresser.

“Pano sila Rusty at Francis?” tanong ko.

Pinabalik ko na sila sa Maynila, babalik nalang sila pag susunduin na tayo.” sabi niya.

“Pero hindi ka pwedeng matulog dito!” sabi ko. “Saan ako matutulog?”

“Dito ka na sa kama, Summer. Sa sofa nalang ako.” sabi niya.

Sigurado kang kasya ka diyan?” tanong ko. Maliit lang kasi ang couch dito sa loob ng kwarto ko.

“Bakit? Gusto mo tabi tayo?”

“No way!”

“Hindi ako pwede sa sala, Summer. Magtataka ang mga kapatid mo. Ayaw mo naman sigurong makarating yun sa magulang mo?”

“Fine. Bahala ka diyan. Basta ako, matutulog na talaga ako at pagod na’ko.” hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso sa kama.

Kataka-taka na ang feeling hari na si Lanzer ay hindi na nagreklamo at pumayag matulog sa masikip na couch. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya ay siya yung tipong ipagpipilitan na matulog sa kama para maging komportable siya. Gentleman din naman pala.

Nagtalukbong nalang ako ng comforter dahil naaamoy ko nanaman ang pabango niya sa buong kwarto.

Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo at ang lagaslas ng tubig mula dun. Sa tingin ko’y naliligo siya.
Pinilit ko nalang ipikit ang mga mata ko kahit na nawala ata ang antok ko dahil sa presensiya niya. Shit, antok! Magparamdam ka!

Pero hindi padin ako nakaramdam ng antok, mas nagpagising pa sa diwa ko ang ala-ala ng halik na pinagsaluhan namin kanina. Hindi yun ang unang beses na hinayaan ko siyang gawin sa’kin ang bagay na yun na para bang it’s the most normal thing in the world.

Tumayo nalang ako at nagtungo sa closet. Paglabas ko ay nakita ko nalang ang sarili ko na may dalang comforter at pinatong yun sa couch. Kinuha ko ang isa sa mga unan ko sa kama at pinatong din dun.

Remind me kung bakit ko nga ba ginagawa ‘to?

Nang tumigil ang tunog ng tubig mula sa shower ay nagmamadali akong bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot para magkunwaring tulog.

Ilang sandali ay narinig kong muling bumukas ang pinto at kaunting kaluskos sa bandang couch.

Nakamamangha talaga ang kakayahan ng lalaking ‘to na maglakad ng wala man lang maririnig na yabag.

Hinawi ko ng konti ang kumot para silipin siya na ngayon ay nakahiga na sa couch habang nakaharap sa kisame. Patay na ang ilaw at ang tanging liwanag nalang sa paligid ay nanggagaling sa magkabilang lampshade sa gilid ng kama ko.

Nakita ko siyang malalim ang iniisip habang nakatitig lang sa kisame. Nakasuot ng white shirt at gray jogging pants. Tinitigan ko siya at ‘di namalayang tuluyan ng nakatulog.

***

NANG magising kinabukasan ay mag-isa nalang ako sa kwarto at wala ng bakas ni Lanzer. Kundi ko pa nakita ang bag niya sa gilid ng couch ay iisipin kong hindi nangyari na pumasok siya dito sa kwarto kagabi.
Tanghali na ng magising ko, hindi kataka-taka dahil madaling araw na natapos ang pag-uusap namin.
Hindi na ako nag-abala pa na magpalit ng damit nang bumaba sa kusina. Kulang padin ang tulog at medyo masakit pa din ang ulo ko.

“Good morning Ate Summer! Happy birthday to us!” masiglang bati sa’kin ni Sunny nang maabutan ko siya sa kusina. Technically ay kaming dalawa lang ang may birthday ngayon dahil bukas pa ang tatlong kakambal ko.

Buti nalang talaga at pinanganak siya sa parehong araw kundi ay mag-isa lang ako na may birthday ngayong araw. Pano, ambagal nung tatlong lumabas, naabutan tuloy sila ng pagpapalit ng araw.

11:55pm ako pinanganak, 12:03 am si Autumn, 12:10 si Spring at 12:15 naman si Winter. So technically nauna ako ng isang araw sa kanila. 

“Morning,” maikling bati ko bago umupo sa counter stool. Kulang ako sa tulog kaya medyo namimintig ang ulo.

“Coffee?” tanong ng nakababata kong kapatid.

“Thank you,” sabi ko nang ilapag ang isang mug ng black coffee sa harap ko.

Pagkatapos nun ay pinagpatuloy na niya ang ginagawa niya. Napansin ko na nagkalat ang iba’t ibang sangkap sa pagbibake sa counter ngayon. Hula ko ay nagbibake siya ng cake ngayon para mamaya.

Kaugaliin na namin na icelebrate ang birthday naming lima tuwing midnight ng araw na ito para ma-cover ang lahat ng birthdays namin kasama ng mga trabahador namin.

“Nakita mo nga pala si Lanzer?” tanong ko.

“Uy namimiss!”

Gusto ko talaga ang kapatid ko na ito dahil siya ang pinaka-sweet sa lahat at masarap siyang magluto. Ayaw ko lang talaga ang pagiging alaskador niya na namana niya pa ata kay Spring.

Maaga siyang nagpunta sa office ni popsie, nakasalubong ko siya kanina. Maglalaro ata sila ng chess. Baka mamayang gabi na magpakita sa’yo yun. Alam mo naman si popsie, sabik sa lalaking anak. Kabahan ka na baka bukas niya pa isauli sa’yo ang asawa niyo pagbalik niyo sa Maynila.”

“Tsk, kahit wag niya ng ibalik.” naiinis na sabi ko bagi sumimsim ng mainit na kape. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit ng ulo ko.

Gaya ng sinabi ni Sunny ay hindi talaga siya nagparamdam ng buong araw na yun. Sa gabi lang naman kasi kami nagsasabay-sabay sa pagkain. Di ko tuloy alam kung nakakain siya ng tanghalian. Pero hindi naman siguro siya pababayaan ni popsie.

Iba sa karaniwang araw ay masyadong busy ang araw na ‘to. Katulong si Spring ay pinamahalaan lang namin ang decoration sa lugar na pagdarausan ng party mamayang gabi.

Magkakaroon ng bonfire party mamayang gabi, bukod sa mga table at lamesa ay nilagyan din namin ng iba’t ibang ilaw ang mga puno sa paligid na magpapaganda sa paligid.
Ang buong lugar ay puno din ng iba’t-ibang palamuti kagaya ng mga bulaklak at mga bohemian tents na may mga kumot at unan sa loob.
Ang buong paligid ay pinaghalong kulay dilaw at kulay puti. Sa pinakang gitna ay may maliit na bilog na stage kung saan kakanta ang acoustic singers.

Hayst. Natapos din ang lahat.” deklara ni Spring.

Kaming dalawa lang ang nandito, si Sunny ay abala sa kusina para sa mga pagkain, si Winter naman ay may mahalagang operasyon sa ospital sa bayan kaya mamaya pa ang balik at si Autumn? Hayun at prenteng naka-upo sa ibabaw ng puno, hiyang na hiyang sa pagiging multo niya.

“Summer, may iniwan akong dress sa kwarto mo ha. Yun ang suotin mo mamaya para twinning moments tayong lahat. Saka dadaanan kita para make-up an sa kwarto mo, siguradong mababaliw sa’yo ang asawa mo pag nakita ka.”

“Tsk, kailangan pa ba yun?”

Ofcourse! Malay mo makabuo na kayo mamaya!” tatawa-tawa pa niyang sabi. Kahit kailan ay mahalay talaga.

“Gaga!” Pag yun talaga katulad ng mga damit na madalas niyang suotin na halos kita na ang lahat ng kaluluwa ay hindi ko susuotin yun.

“Sige na, magbibeauty rest muna ako. Nabawasan ang kagandahan ko sa dami ng preparations dito. Ciao!”

Pagdating sa kwarto ko ay nakita ko ang dress na tinutukoy ni Spring. Isa itong white off shoulder lace dress na one inche above the knee. Buti nalang at hindi masyadong mahalay.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now