L

2.3K 99 16
                                    

KABANATA L

Bliss

HOW can someone be this beautiful even covered in mud?

Anong kailangan mo?” tanong niya habang tinatanggal ang earphone sa magkabilang tenga. Biglang nag slow motion ang lahat habang tinatanggal yun. Inaakit ba ako ng babaeng ‘to?

Buhay na buhay ang kanyang mga mata, ngayon lang ako nakakita ng babaeng may ganun kagandang mga mata kaya 'di ko mapigilang titigan siya. Matangos ang kanyang ilong at natural na mapula ang mga labi.
Malaking distraction ang matingkad na kulay ng kanyang buhok pero hindi nakabawas yun sa kagandahan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, maging sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

“Hoy!” natauhan lang ako ng sumigaw siya.

God! I can’t believe na pinagnanasaan ko ang isang taong puno ng putik ang katawan na mukhang trabahador pa ata ng pamilya Angeles. And to think na nandito pa ako para hanapin ang fiancé ko.

“N-nasan ang amo mo?” I’m seriously fuck up! Muntik pa akong pumiyok sa harap niya.

Nandun,” pero hindi ko maialis ang tingin sa kanya. Sa isang iglap ay ayaw ko ng hanapin ang fiancé ko, wala na akong interes na makita siya. Nakuha na ng isang babaeng may matingkad na kulay ang buhok ang buong atensiyon at interes ko.

“Ang layo naman, ikaw nalang ang tumawag sabihin mo pinapatawag na siya ng tatay niya para kumain.”

Ang totoo niyan ay gusto ko lang talaga manatili dito at kausapin siya. Kung papalarin ay malaman ang pangalan niya.

Pasensiya na kayo SIR, may trabaho ako at hindi ako pwedeng umalis dito. Kayo ho ang may kailangan,”

Dismayadong umalis ako sa lugar na yun, ang ganda sana ang sungit naman. Para siyang leon na lalapain pag nanatili pa ako dun.

Parang tanga lang na naglakad ako sa gitna ng mga bulaklak pero ang utak ko ay okupado ng babaeng may matingkad na orange na buhok. Nakalimutan ko na din kung ano ba ang sadya ko sa lugar na ‘to kundi lang may isang trabahador ang lumapit sakin.

“Boss, pinapabalik na kayo dun, nakabalik na daw si Miss Summer.”

Nag-init ang ulo ko ng maalala kung bakit ako nandun. Hindi ko pa man din siya nakikilala ay naiinis na ako sa babaeng yun. Actually, asar na ako sa kanya unang beses ko palang nalaman na kailangan ko siyang pakasalan.

Lahat ng yun ay naglaho ng makita ko ang pamilyar na buhok na maka-upo sa lamesa. It was her all along, mukha namang hindi na siya nagulat ng makita ako. Nainis ako dahil parang wala akong epekto sa kanya, di gaya ng epekto niya sakin.

I am the fucking Lanzer Silvana!

Nang makahanap ng pagkakataon na masolo siya ay sinundan ko siya sa kusina. Hinila ko siya at sinandal sa pader, wrong move dahil halos mabaliw na ako ng maamoy ang mabango niyang natural scent.

Kung hindi biglang sumakit ang ulo niya baka nasunggaban ko na ang mukhang malambot niyang labi. Nang mag black out siya ay agad ko siyang binuhat papasok sa loob. She fits perfectly in my arms; I could carry her like this forever.

Nung mahimasmasan ay balik nanaman siya sa pagiging amazona. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niya sakin. But I made a mental note to myself that I will charm her no matter what.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now