XLIV

1.9K 81 3
                                    

KABANATA XLIV

The Fall of Supremo

BUHAY pa naman si Revan ng makarating ang grupo nila Lanzer sa malaking living room sa mansiyon ng mga Boris. Yun nga lang ay bugbog sarado na ito at nakahandusay sa sahig.

Buti nalang at masamang damo ang kaibigan niya at nagawa pa siyang ngitian kahit na puro pasa na ang mukha.

Bumaling siya sa taong prenteng nakaupo sa gitna ng mahabang sofa. Walang iba kundi ang Supremo na siyang pinuno ng grupong ginawa niyang abo kani-kanina lang.

“Uncle Eugene, paniguradong hindi magugustuhan ng pinsan mong si Uncle Rafa ang ginawa mo sa anak niya.” wika ni Lanzer.

Walang puwang sa pamilyang ‘to ang traydor.” sabi nito na madilim ang anyo. Malamang ay nakarating na dito ang nangyari sa kanyang mga tauhan.

Sino nga ba ang mag-aakala na sa isang magdamag ay bigla nalang babaliktad ang lahat. Napangisi si Lanzer at umupo sa isang single sofa sa gilid nito. Walang duda na magaling magplano ang kanyang Uncle Eugene, isang katunayan ay inabot pa sya ng tatlong taon para lang mapagtanto na sobrang lapit lang sa kanya ng kalaban. 

Subalit nakagawa lang ito ng ilang pagkakamali, at una na dito ay maliitin ang kakayahan ni Lanzer. Hanggang ngayon kasi ay isang batang paslit na kulang sa experience parin ang tingin nito sa kanya. Nakalimutang nananalaytay pa din sa ugat nito ang dugo ng isang dating kaibigan na hinawakan ang responsibilidad sa murang edad palang.

Nakita niyang hindi niya kaya ang tusong si Kryz Silvana na bagama’t pinakasalan na ang nakababata niyang kapatid ay hindi parin magawang ibigay ang buong tiwala sa kanya. Wala itong ibang pinagkakatiwalaan maliban sa kaibigan nitong may-ari ng resort sa isang malayong probinsya.

Inakala niyang mas madali niyang mapapaikot si Lanzer dahil isa na din siya sa mga nagpalaki dito. Pero nagkamali siya, mas tuso pala ito sa ama.

“Tama ka Uncle Eugene, hindi maganda ang magkaroon ng traydor sa isang pamilya.” sabi ni Lanzer na parang hindi man lang nabobother na nakahandusay na ang kaibigan sa sahig.

“Para sakin ang Empire Group ay isang malaking pamilya at para mapanatiling matibay ang bawat haligi ng pamilya na yun ay kailangang bunutin ang mga anay na pilit sumisira dito.” patuloy niya.

“At paano mo naman gagawin yun mahal kong pamangkin?”

Sa bisa ng kapangyarihang ibinigay sa akin bilang ika-limang Emperor ng Empire Group, ipinaguutos ko ang pagdakip kay Eugene Boris na illegal na ginagamit ang pondo ng grupo para sa bagong grupo na kanyang pinamumunuan bilang Supremo, ang El Diablo. Ikaw ay nasasakdal sa iba’t ibang kaso ng pagtatraydor sa ating samahan.” puno ng awtoridad na sabi ni Lanzer.
Pero imbes na magpakita ng takot ay nginisian lang siya ng kausap.

Sa tingin mo ay susuko ako ng hindi lumalaban, bata?”

Pagkatapos nun ay nagdatingan ang mga tauhan nito at pinaligiran sila ng mga lalaking nakamaskara. Ngayon ay outnumbered na sila. Pero wala ni isa man ang nagpakita ng takot kahit isa sa mga kasamang tauhan ni Lanzer.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now