XLIII

1.9K 86 7
                                    

KABANATA XLIII

The Lost Child

MAHILIG ka din pala sa mga bulaklak.” sabi ko ng lumapit sa kanya. Naabutan ko siya sa isang table sa flower shop at nag aayos ng isang flower bouquet. Ang sabi ng lola nito ay nakuha niya ang pagkahilig sa ikebana ng kanyang ina.

Ikaw din hindi ba?” tumingin muna siya sakin bago nagpatuloy sa ginagawa. Palaging magaganda at sariwa ang mga bulaklak na nanggagaling sa Casa Angeles. Ang sabi ng trabahador ay ikaw daw mismo ang personal na pumipila sa kanila bago ipadala dito sa Maynila. I guess may something talaga ang pamilya  ko sa mga babaeng mahilig sa bulaklak.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya. All this time ay ganito lang pala sila kalapit. Nalaman ko na kaya naman pala pamilyar ang loob ng shop na ‘to. Isa ang flower shop na ito na nakatayo sa Intramuros sa mga sinusupply-an  ng flower farm ko. Isa sila sa pinaka unang naging kliyente actually. Kaya hindi na ako nagtataka na napaka dami nilang nalalaman tungkol sa akin. Minsan na din akong nakapag hatid ng bulaklak dito nung nagsisimula palang kami. Pero hindi sila ang naka-usap ko kundi isang trabahador lang.

“Luna ang pangalan mo, tama?” tanong ko.

Tumango siya at humarap sa’kin. Hindi naman siya mukhang nakukulitan sakin.

“Wala ka bang balak na magpakita sa kanya?” tanong ko.

“Bakit pa? Hindi din naman niya alam ang tungkol sa existence ko.”

“Pero ikaw nalang ang natitirang pamilya meron si Lanzer. Sigurado akong matutuwa siya pag nalaman ang tungkol sayo.” sabi ko.

“Kung ikaw nga hindi niya nagawang protektahan, ako pa kaya? Baka matulad lang ang kapalaran ko sa mama ko.”

Tama siya, hindi na mawawala ang panganib sa buhay ni Lanzer. Pero hindi naman niya kasalanan yun. Hindi niya piniling ipanganak bilang Silvana.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko at buhay. Matagal din siyang itinago ng lola niya mula ng mailigtas sa mga taong gustong pumatay sa kanya noon.

Kinwento sakin ni Lola Mamay ang nangyari nung gabing namatay si Lilibeth Silvana. Bibisita dapat siya sa anak ng makita niya ang mga kahina-hinalang tao na palabas ng mansiyon.

Bilang isa sa mga prominenteng tao sa Empire Group tinulungan siya ng mga tauhan na mabawi ang bata at pinatay ang lahat ng kumuha dito. Tinago niya muna ang bata dahil may kutob siyang apo niya yun. Nang pinuntahan niya ang anak kinabukasan para sabihin ang hinala niya ay huli na siya, patay na si Lily. Ang sabi ay nagpakamatay.
Pero hindi siya naniniwala kaya tinago niya muna ang bata na kalaunan ay napatunayan niyang apo niya nga. Hindi niya pinaalam ang tungkol dito sa kahit kanino kahit pa kay Tito Kryz dahil sa inis niya ng magpakasal ulit ito. Para makapag imbestiga na din kung sino ang nagtangka sa buhay nito.

Nalaman ko din na mga ampon ni Lola Mamay ang magkakapatid na sina Francis, Rusty at Karla. Sinadya nilang pumasok ang mga ito sa Empire Group at sa buhay ng mga Silvana para makapag-imbestiga.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now