XLI

1.9K 81 1
                                    

KABANATA XLI

When History Repeats

DIYAN ka lang. Walang aalis.” sabi ko kay Karla ng mapansin kong nagtatangka nanaman itong takasan ako nang maabutan ko siya sa greenhouse isang umaga.

Ito na ang araw ng pagtutuos naming dalawa. Ngayon ay sigurado na talaga ako. Wala ni isang tao sa bahay na ‘to ang maaring mag-kwento sa kanya ng tungkol sa multo sa Jasmin Room dahil wala namang nakaka-alam nun in the first place.

Kahit pa si Delilah na isa sa pinaka matagal  na nanilbihan dito ay hindi alam ang tungkol dun. Ayon kay Mang Gregorio, lahat ng katulong noon ay pinapalitan ni Tita Leticia ng magpakasal siya kay Tito Kryz. Kaya walang iba bukod sa kanya ang nakaka-alam tungkol sa unang asawa ng dating emperor. Maging si Delilah ay nagsimulang namasukan dito three years matapos mamatay ni Lilibeth.
Mas lalong impossible na malaman yun ng isang kagaya ni Karla na sa tingin ko ay hindi pa nga pinapanganak ng mga panahon na yun at tatlong taon palang na namamasukan dito sa mansiyon.

“Ngayon ay sabihin mo sa’kin kung sino ka ba talaga at ano ang kinalaman mo kay Lilibeth Silvana?” diretso kong tanong.

“Kung ganun ay kilala mo na pala siya, Miss Summer.” isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa’kin.

Nalipat ang tingin ko sa mga lily na nasa kamay niya. Hindi ako makapaniwala na napaniwala niya ako sa parte na yun.

“Sino ka ba talaga? Alam mo ang tungkol sa kanya at kung saan siya namatay. Pinalabas mo pa talaga na minumulto niya ako at siya ang naglalagay ng mga bulaklak sa bed side table ko when it’s just you all along!” sigaw ko.

Medyo masakit sa part ko, akala ko kasi ay siya yung tipong honest sa akin at walang tinatago. But turns out, pinaiikot niya lang ako. Nalaman ko na siya rin ang nag-iiwan ng lily sa bedside table ko tuwing umaga. Sinadya kong magtulug tulugan kaninang umaga at di ako nagkamali,  dumating siya para palitan ang bulaklak sa bed side table ko.

Pinaniwala niya ako na nagpaparamdam sa’kin si Lilibeth, but I know she didn’t know that the ghost really exist only she is too weak to haunt someone.

“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘to Miss Summer.” sabi niya na nakatingin sa likod ko at sa paligid. “May tenga ang mga pader sa bahay na ‘to Miss Summer. Pero ito ang sinisiguro ko, hindi ako kaaway.”

“Tsk, at kailan mo naman balak ipaliwanag sakin ang lahat lahat tungkol sa’yo?”

Dadalhin kita sa isang lugar at ipapakilala sa isang espesyal na tao. Ang hiling ko lang ay wag mo munang sasabihin kay emperor para sa kaligtasan ng lahat.”

“Summer!”

Nawala ang atensiyon ko sa kanya at napatingin sa likod ko. Nakita ko ang naghihinagpis na mukha ni Monique. I knew it, hindi siya mananahimik matapos ng nakita niya kahapon.

Nanlilisik ang mga mata na pinukol niya sa’kin, Parang may nakita ngayon-ngayon lang na hindi nya nagustuhan. Nakatalikod ako sa kanya at nakapusod ang lahat ng buhok. Malamang ay nakita niya ang tattoo sa batok ko, ang simbolo na ako ang nag-iisang empress ni Lanzer.

Mabibigat ang hakbang na sumugod ito, ‘All my life I've been told that I will have that mark one day, kagaya ni Tita Leticia ay ako ang magiging empress ni Lanzer. Why not? I’m the only girl around him, sinigurado ko yun. Then this probinsiyana girl suddenly shows up claiming everything that was supposed to be mine! Hindi ako papayag!’

Hindi ko alam kung lasing ba siya o hindi lang siya nakainom ng gamot niya pero iba ang awra niya ngayon. Gone is the innocent girl façade na palagi niyang pinapakita sa ibang tao.

Anong kailangan mo?” tanong ko na hindi nagpasindak sa kanya. I looked at her with boredom na para bang sinasabi ko sa kanya na ayokong magsayang ng oras sa mga kaartehan niya.

“I wouldn’t do that if I were you,” babala ko sa kanya ng makita na naka-ambang ang isang kamay niya para sampalin ako. “Alam mong seryoso ako pag gumanti. Baka ayaw mo ng makalakad bukas.”

Saglit siyang natigilan, naalala siguro yung ginawa ko nung unang beses niya akong sinampal. Higit na sampung beses na mas malakas yung binigay ko sa kanya to the point na halos humandusay na siya sa sahig.
Diretso lang akong nakatingin sa kanya, ganun din ang ginawa niya kahit na nakikita ko ang bahagyang panginginig ng mga kamao niyang nakakuyom. Pathetic.

“Walang hiya ka! Hindi ako papayag na kunin mo ang lahat sa’kin!” sigaw niya.

Pero hindi ako natatakot. Ano bang magagawa ng isang katulad niya sa akin? Kahit ng maglabas siya ng baril mula sa handbag nya ay wala akong naramdaman kahit katiting na takot.

“Miss Summer!” sigaw ni Karla na nasa likod ko. Malamang ay nagulat siya sa hawak sa biglang turn of events.

Nanatili akong kalmado, I was trained for this kind of scenario. Nanginginig ang kamay niya, kahit iputok niya yun sa’kin ay mabilis akong makaka-ilag.

Papatayin ko kayong dalawa dito at walang ibang makaka-alam. Walang maghihinala sakin kahit na si Lanzer!’

Ano ba talagang pinaglalaban mo?” naiinis na tanong ko. “Si Lanzer? Ang Empire Group? Sapat na ba yun para maging mamamatay tao ka?”

“Wala akong paki-alam sa Empire Group!” sigaw niya. “Si Lanzer lang ang kailangan ko. Wala akong ibang pinangarap kundi ang maging asawa niya. Bata palang kami, unang beses ko palang syang nakita, alam ko na para sa kanya ako! At hindi ang isang malanding probinsiyanang katulad mo ang makakapag-hiwalay sa’min! Ako talaga ang mahal niya! Kundi lang dahil sa pesteng kasunduan ng mga magulang niyo! Ngayon bibigyan ko siya ng pagkakataon para makawala sa kasunduan na yun. Nakuha na niya ang gusto niya sa’yo, nasa kanya na ang Empire Group kaya hindi ka na niya kailangan! Magiging masaya na kami!”

Baliw ka na.” sabi ko.

Ahhhh!” dinig ang sigaw ni Karla ng umalingawngaw ang putok ng baril sa buong paligid.

Gaya ng inaasahan, nagmintis siya. Mabilis akong lumapit sa kanya para makipag-agawan ng baril.

Huwag kang lalapit sa’kin!” muli siyang nagpaputok ng ilang metro nalang ang layo ko sa kanya.

“Shit!”sigaw ko. Nadaplisan ako sa balikat. Unstable siya kaya mahirap ipredict ang galaw niya. Pero kahit na may tama ng bala nagpatuloy padin ako palapit sa kanya at sinipa ang kamay niyang may hawak na baril dahilan para tumalsik ito sa sahig.

“Miss Summer!”  nadinig ko ang nagpapanic na boses ni Karla sa likod ko. Siguro ay dahil sa maraming dugo na umaagos ngayon sa braso ko.

Pero hindi ko yun pinansin. Diretso lang ang tingin ko kay Monique na parang nagpapanic na ngayon. Nasaan na ba kasi ang mga bodyguards na rumoronda dito sa bahay? Dalawang putok na ng baril, anong tingin nila may nagtatarget shooting lang sa paligid?

Nakakainis! Nagsisimula ng kumirot braso ko pero pinilit ko paring tumayo ng tuwid para masindak ang baliw na kasama namin ngayon. Hindi ko inaasahan na dito siya dadalhin ng letseng pagmamahal niya.

Kung pagbabasehan ang pagpapanic niya ngayon, alam kong hindi niya pinagplanuhang maigi ang pagpunta niya dito. Basta nalang siya pumunta at nanutok ng baril, at ang nasa isip niya lang ay patayin ako.

Anong nangyari?” nakita ko ang dalawang body guard na naka tuxedo ang pumasok sa greenhouse.

Nang makita sila ay nataranta si Monique at nagmamadaling tumakbo palabas. Dahil marahil sa pagkalito at pagkabigla ay hinayaan lang siya ng mga ito. Natauhan lang sila ng sumigaw si Karla.

Tulungan niyo si Miss Summer! Nabaril siya!”

***

“HINDI! Hindi totoo yan! Anong sinasabi niyong patay na ang baby ko! Narinig ko pa ang iyak niya kanina!”

Nasan ako? Anong nangyariNakakarinig ako ng panaghoy ng isang ina, pero sobrang dilim ng lugar na nilalakaran ko.

Sa background ay nakakarinig ako ng sunod sunod na pag kulog. Nang magliwanag ng konti ang paligid ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na kwarto. Attic room ito na may touch of Japanese design.

Nakarinig ako ng pag-iyak sa isang bahagi ng kwarto. Nang maglakad ako ay nakita ko ang isang babae na nakasalampak sa sulok habang nakasubsub ang mukha sa mga tuhod nito.

“M-miss okay ka lang?”

Nakasuot ito ng mahabang puting bestida at parang hindi ako naririnig. Sino ba ang babaeng ‘to at nasaan ako?

Nang mag-angat ito ng mukha ay nagtama ang mga mata namin.

Ibalik mo ang anak ko.” nanghihina nitong usal.

Bakit niya sa’kin hinahanap ang anak niya? Ni hindi ko nga siya kilala.

Patay na ang anak mo at kasalanan mo.” nakarinig ako ng boses ng babae sa likod ko. Sa kanya pala ito nakatingin.

Tita Leticia?” nasambit ko ang pangalan ng bagong dating.

Hindi ako maaring magkamali, siya yun pero mas bata. Mas lalo akong nagulantang ng tumagos siya sa katawan ko.

Hindi nila ako nakikita. Ano to? Multo na ba ako? Pero sa braso lang ako tinamaan at sigurado akong daplis lang yun.

“Sa tingin mo, anong mararamdaman ni Kryz pag nalaman niyang namatay ang anak niyo? I bet he will be devastated.” patuloy ni Tita Leticia sa babaeng umiiyak sa gilid. “Magagalit siya sa’yo.”

Base sa itsura ng babaeng kinakausap nito, she’s in a deep emotional trauma.

“Mahal ako ni Kryz, hindi siya magagalit sakin!”

“Oo nga pala, hindi niya kayang magalit sayo. Pero masasaktan siya ng sobra, dahil pinabayaan mo ang anak niyo.”

“Hindi yan totoo!”

Dapat sumama ka nalang sa anak mo sa kabilang buhay, that way hindi mo na makikita ang disappointment sa mukha ni Kryz  pag nalaman niya ang nangyari.”

***

“MISS Summer!”

Nagmulat ako sa nag-aalalang boses ni Karla. Nakahiga ako sa isang kama sa isang silid na puro puti. May mga naririnig ako pero malabo, parang umiikot ang paningin ko.

Gising na siya! Tawagin niyo ang doktor, pati na rin si Emperor, kalalabas lang niya malamang ay hindi pa siya nakakalayo!”

Nang maging malinaw ang lahat ng senses ko ay nakita ko ang lalaking gustong-gusto kong makita. Malaki ang mga matang tumatakbo siya palapit sakin.

“N-nasaan ako?” unang salita na lumabas sa bibig ko ng makalapit siya.

“Nasa ospital ka.” sabi niya at saka niyakap ako ng mahigpit. Tatlong araw ka ng hindi gumigising. You scared me to death.”

Tatlong araw? Sa pagkakatanda ko daplis lang sa braso ang tama ko. Paanong nangyari na tatlong araw akong walang malay?

Bigla kong naalala yung panaginip ko. Parang totoong totoo yun at nandun ako habang nangyayari yun. Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang mga taong yun at ang posibilidad na totoo itong nangyari.

“I had a very bad dream.” bulong ko sa tenga ni Lanzer dahil nakayakap pa din siya sakin na parang ayaw akong pakawalan.

“Don’t worry, I’m here. I won’t let anyone hurt you.”

Sapat na yun para mapanatag ako. Hindi ako natakot sa nangyari samin ni Monique, mas natakot ako ng magising sa loob ng bangungot na yun. Parang may humahalukay sa lamang loob ko pag naaalala ang eksaktong mga salita na binitawan ni Tita Leticia kay Lily.

She instigated her suicide. To think na kamamatay lang ng anak nito. Maaring nagkaroon siya ng trauma that pushed her para kitilin ang sarili buhay.

I really don’t know what to think anymore. Isa pa ay may sinabi si Monique that keeps on bothering me.

‘I’m the only girl around him, sinigurado ko yun.’ those were the exact words na iniisip nito bago sumugod samin at manutok ng baril.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at nagtanong, Nasaan si Monique, anong nangyari sa kanya?”

Hindi ako papayag na hindi makulong ang babaeng yun. Baliw siya and who knows kung ano ang maaari niyang gawin.

Pero hindi sumagot si Lanzer, nag-iwas siya ng tingin as if hindi malaman kung paano magpapaliwanag sakin.

“Don’t tell me, you didn’t do anything to her? Muntik na niya akong patayin!”

‘I can’t.’

What the hell.

“She’s not being herself, honey. Naki-usap si Uncle Eugene na intindihin nalang muna siya. Nangako siya na ipapa-theraphy si Monique. This is the first time she had done something like that.”

“That’s bullshit!” hindi ko na napigilang magmura.

Kung hindi ako naging mabilis ay baka napatay na niya ako. Kaming dalawa ni Karla, actually. But because she’s some kind of princess or something, he will just let her get away with it?

“Monique is a celebrity, masisira ang buhay niya dahil dito.”

“Mas mahalaga ang pangalan niya kesa sa buhay ko?”

“That’s not what I meant, Summer.”

‘Please, don’t make things harder for me. The situation is chaotic as it is.’

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako ganun ka babaw para papiliin siya sa pagitan naming dalawa. I wouldn’t stoop down on her level. Pero pakiramdam ko kasi, wala akong halaga.

“What would you do I wasn’t able to dodge that bullet? Poprotektahan mo pa rin ba ang kinabukasan at reputasyon niya kung napatay niya ako?”

###

 “What would you do I wasn’t able to dodge that bullet? Poprotektahan mo pa rin ba ang kinabukasan at reputasyon niya kung napatay niya ako?” ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

emember my question tungkol sa kabanata about hidden card? The correct answer aside from Summer is.... Karla. Kaway kaway sa nakahula. -little A




Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now