XIX

2K 82 1
                                    

KABANATA XIX

Believe it or not?”

“MISS SUMMER, okay lang po ba kayo?”

Napukaw ang pag-iisip ko nang tawagin ni Karla ang pangalan ko. Nandito kami malapit sa pool area at pinapanuod siyang makipag laro kay Dahlia. Walang pasok ang bata kaya sinasamahan kami.

Lumapit sila sa’kin na nakaupo sa isang hammock na parte ng mini sala na katabi ng pool. Para itong gazeebo style kaya hindi kami gaanong naiinitan.

Bagot na bagot na talaga ako, akala ko pa naman ay papayagan na ako ni Lanzer sa wakas na maki-alam sa imbestigasyon. Kailangan ko na ng aksiyon sa buhay ko ngayon.

“May problema po ba?” tanong niya ulit.

Tumingin ako sa kanya, “Kung sasabihin ko ba sa inyong may super powers ako, maniniwala kayo sa’kin?”

Tumawa ng mahina ang dalawa dahil sa sinabi ko.

“I knew it, hindi kayo maniniwala.”

Hindi rin siya maniniwala panigurado. Pero kailangan kong subukan, para matapos na ang lahat ng ito. Baka sakaling pauwiin na din ako ng magulang ko.

Sandaling nawala yun sa isip ko ng makita si Delilah na lumapit na may dalang isang tray na pagkain. Oo nga pala, tanghali na. Nawala sa isip ko na magtanghalian, pero para kanino naman kaya ang dala-dala niya? Imposible namang pinagluto niya ako diba? Pagkatapos kong sabihin na pangit ang lasa ng luto niya.

“Dito ko na dinala yung lunch mo,” sabi niya na nakatingin sa’kin. “Baka kasi di ka pumunta sa dining area kasi wala kang kasama.”

Tinuro ko ang sarili, “Para sa’kin yan?”

“Para kanino pa ba?” tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis. “Salamat,”

Nakita kong natigilan siya habang titig na titig sa’kin. Tingnan mo ‘to, ngayon lang ba siya nakakita ng diyosang nakangiti? Tsk!

“Hmmm,” agad din siyang nag-iwas ng tingin ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

Dumukwang ako at tinikman ang pagkain na nilapag niya sa coffee table ng mini sala.

“Kain,” yaya ko kina Karla at Dahlia.

“Mamaya na po kami kakain kasabay ng ibang katulong.” sabi lang ni Karla.

“Kumusta? Masarap na ba?” nagulat ako ng magtanong si Delilah. Hindi pa pala siya umaalis at hinihintay ang reaksiyon ko.

Pride niya sa pagiging cook ang tinapakan ko nung sabihin kong hindi masarap ang luto niya. Kaya siguro gusto niyang patunayan ang sarili.

“Pwede na, hindi na masyadong matabang.” sabi ko.

“Tsk,” pagkatapos nun ay umalis na siya.

Nang makaalis ang kanyang ina ay kinalabit ako ni Dahlia, “Masarap naman pong magluto ang nanay ko ah.”

“Magaling siyang magluto, inaamin ko. Pero may kulang na sangkap ang niluluto niya.” sabi ko.

“Ano po yun?”

Nilagay ko ang kamay sa ibabaw ng ulo niya at dahan dahang hinimas yun. Pagmamahal,”

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now