XXXIII

1.9K 81 3
                                    

KABANATA XXXIII

Ambush

LANZER, ingatan mo ang anak ko ha.” bilin ni popsie.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa’kin pero pagkatapos ng birthday celebration naming lima ay walang tanong na sumama ako kay Lanzer pabalik ng Maynila kinabukasan.

Biglang nawala ang prinsipyo ko na hindi na ako aalis ulit sa tahanan ko. Ikaw ba naman kasi ang banatan ng lalaking ‘to na, “Can you be my home?”

Hapon na dumating sina Rusty at Francis sa Casa Angeles para sunduin kami. Umaga na natapos ang party dahil matapos naming mag blow ng candle ay bumaha na ng inumin.

Siyempre uminom din ako, pero si Lanzer hindi umalis sa tabi ko siya na din ang naghatid sa’kin sa kwarto nang makatulog sa kalasingan.

Hindi ko lang alam kung saan siya natulog kagabi, kung sa kama ba o sa couch ulit kasi tanghali na ng magising ako. Nang makapag-ayos at lumabas ng bahay ay naabutan ko silang dalawa ni popsie na nag-uusap sa harap ng winery.

Dun niya palang sinabi sa’kin na on the way na yung dalawa niyang alalay para sunduin kami. Hindi na ako nakatutol dahil kasama namin si popsie.

Sina Spring at Sunny na ang nag-ayos ng maleta ko. Ang sabi ko di naman kailangan kasi may mga damit naman akong naiwan sa Silvana Mansion, but they insist. Nakita ko pa ang kakaibang ngisi ni Spring nang puntahan kami sa tapat ng Casa Angeles dala ang pulang maleta.

Nasa tapat na ang Mercedes at nakasandal sina Rusty at Francis sa sasakyan habang hinihintay kami. Tapos na din nilang ilagay ang mga gamit namin sa loob ng trunk ng sasakyan.

Mauuna na po kami, tito.” paalam ni Lanzer.

Hindi ako nagsasalita sa tabi niya dahil medyo groggy pa ang utak ko. Bukod sa naparami ang inom ko ay kulang na kulang pa talaga ako sa tulog.

“Ano ka ba naman, hijo.” singit dito ni momsie. Momsie at popsie nalang din ang itawag mo sa’min, hindi ka naman na iba.”

“Oo nga naman, anak na din kita. At kung kailangan mo ng payo, tawag ka lang.” sabi ni popsie.

That put a smile on his face. Napangiti nalang ako, maybe yun ang role ko sa buhay niya. Bigyan siya ng bagong pamilya, or a home rather. Kung bakit willing akong maging tahanan niya, hindi ko din alam.

Inakay niya ako papasok ng sasakyan at pinagbuksan naman kami ni Rusty. Hindi na ako nakapag-paalam ng maayos sa pamilya ko dahil masakit parin talaga ang ulo. Sinenyasan ko nalang sila na tatawag ako pag nasa tamang huwisyo na ang utak. Sanay naman na sila, dahil aminadong lasengga talaga ako noon pa man.

Nang umandar ang sasakyan ay siniksik ko ang ulo sa gilid ng bintana dahil nahihilo parin talaga ako. Pero nagulat ako ng may brasong yumakap sa’kin at pinasandal sa kanya. Inataki nanaman tuloy ako ng mabango niyang pabango.

Nagtatakang tiningnan ko nalang siya habang ang ulo ay nakaunan sa balikat niya. Pero diretso lang ang tingin niya sa daan.

Bakit ba ganito parin ang kinikilos ng lalaking ‘to? Sasama na nga ako sa kanya sa Maynila diba?

Akala ko ay makakapagpahinga ako dahil mahaba-haba ang biyahe pero nagtaka ako ng tumigil ang sasakyan sa isang open field malapit sa bayan. Inalalayan niya akong bumaba at bumungad sa’kin ang isang puting helicopter. Just wow! Hindi pa ako nakakasakay sa ganito.

“Let’s go, Summer.” inilahad niya sa’kin ang kamay niya na kaagad ko namang tinanggap.

Nang makasakay sa loob at magsimulang umangat ito sa ere ay muli akong pinasandal ni Lanzer sa kanya. Kita ko ang ngisi sa labi ni Francis na nakaupo kasama namin pero hindi ko nalang siya pinansin.
May kakaibang epekto sa’kin ang pakiramdam ng katawan ni Lanzer malapit sa’kin. I felt safe, kaya hindi ako nahirapang makatulog.

***

NANG magising ako ay nakahiga na ako sa isang itim na leader couch. Napa-upo ako ng mapansing nasa isang di kilalang lugar ako.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita si Lanzer na nakaupo sa isang glass table at tutok na tutok sa mga binabasa niyang papeles.

Ito kaya ang opisina niya? Sa background niya ay isang malawak na salamin kung saan kitang-kita ang Metro Manila Sky Line.

“You’re awake.” sabi niya na di nakatingin sa’kin.

Hindi parin siya nagpapalit ng suot niya kaninang simpleng white shirt at black cargo pants. Pero ang hot niyang tingnan habang naka-upo sa desk na yun at seryosong nagtatrabaho. Idagdag mo pa panghapong sinag ng araw na nagmumula sa likuran niya na animo’y naging spotlight niya.

Malala na talaga ang tama ng utak ko. Pinagnanasaan ko naman siya ngayon. Hindi kaya may gayuma yung pagkain na binigay niya sa’kin kagabi? Kasi as far as I remember, walang amount ng kagwapuhan ang nagpabaliw sa’kin ng ganito.

Not even the hot models na pinaglaruan ni Spring noon or yung gwapong Mayor ng Eyrie na kinababaliwan ng buong bayan.

“Hindi ka parin nakarecover sa hang-over mo?” tanong niya na nililigpit na ang mga papeles na nasa table nya. “Let’s go home, nagpaluto na ako ng dinner sa bahay to ease your hangover.”

Dun palang ako natauhan, I didn’t mean to ogle him pero ginayuma niya nga ata talaga ata ako.

“Dito ba dumiretso yung chopper kanina?” sa wakas ay nakahanap na ako ng tanong para madistract sa kagwapuhan niya.

“Yes.” maikling sagot niya lang. “May mahahalagang dokumento akong kailangang pirmahan kaya dito sa building ko pinalapag ang helicopter.”

“Then this place is…?”

“Nandito tayo ngayon sa Empire Tower. Nandito ang opisina ng lahat ng kumpanya na nasa ilalim ng Empire Group… and this is my office located at the top floor.”

“Ahhh.”

“Let’s go?”

Nilahad niya nanaman yung kamay niya sa’kin at inalalayan akong makatayo na para bang isa akong babasaging kristal.

Umamin ka nga sa’kin,” sa wakas ay di ko na napigilang sabihin. “Ano ba talagang sumapi sa’yo at parang nag-iba ang trato mo sakin?”

“What do you mean?” he asked me with amusement.

“Ang bait bait mo kasi ngayon, mamamatay ka na ba?”

Biglang tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sakin na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Okay, not a good joke.

“I’m just protecting my home.” sabi lang niya na nakalagay sa likod ko ang isang kamay at dinala ako papasok sa elevator.

Masyadong malawak ang opisina ni Lanzer para lang maging opisina ng isang tao, para ngang buong top floor ay opisina lang niya. Pero bukod sa kanyang glass desk at itim na couch na tinulugan ko kanina ay wala ng ibang kagamitan na nandun. It feels empty.

Sa bandang gilid ay elevator na kaagad na sa tingin ko ay personal na kanya dahil hanggang makababa kami sa basement ay hindi bumukas ang pinto sa ibang palapag.

Nang makarating sa parking lot ay nasa tapat na agad ng elevator ang sasakyan ni Lanzer na isang Bugatti.
Sa tapat nun ay nandun na sila Rusty at Francis na nakasandal kagaya nung sinundo nila kami kanina. Edi siya na ang maraming kotse na mamahalin. Habang ako ay pikit mata pa ng binayaran ang pinakamamahal kong Wrangler at ilang buwan ko pang pinag-ipunan yun.

Hindi pa kami lubusang nakakalapit sa sasakyan ng may mahagip ang peripheral vision ko ng humaharurot na itim na van sa gawi namin. Mabilis akong hinila ni Lanzer sa likod ng pinakamalapit na sasakyan ng bumukas ang pinto ng van at lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga takip sa mukha at hawak na baril.

Sunod kong narinig ay ang sunod-sunod na putok na baril. Pagsilip ko sa kinaroroonan ng sasakyan ni Lanzer ay nakita ko sina Francis na may dalawang baril sa kamay at Rusty na may hawak na isang shotgun.

“Boss!” sigaw ni Francis na inabot kay Lanzer ang isa sa mga hawak nitong baril.

Nasa benteng lalaki ang bumaba sa van at papalapit na ngayon sa pinagtataguan namin habang sunod sunod parin kami pinauulanan ng baril.

Bumwelo si Rusty at pinaulanan ng bala ang mga lalaki para mapigilan ang paglapit ng mga lalaki samin.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Lanzer sa wrist ko para makuha ang atensiyon ko habang ang isang kamay ay may hawak na baril. Mukha siyang total badass nung ginawa niya.

Pagbilang kong tatlo pauulanan ko sila ng bala, gawin mong pagkakataon yun para tumakbo palapit sa elevator para makalayo dito.” utos niya.

“Hindi ako papayag! Nandito ang aksiyon kaya dito lang ako.” sabi ko.

Napapantastikohang tiningnan niya lang ako habang umiiling. Pasensiya siya, matigas ang ulo ko. Mula sa holster na nakapulupot sa gilid ng isa kong legs ay kinuha ko ang pinakamamahal kong revolver. Nakasuot ako ng skirt na hanggang tuhod kaya hindi ito masyadong halata. Sa wakas magagamit ko na rin sa wakas sa aksiyon ang pinakamamahal kong baril na hindi sa target practice.

‘So damn hot.’ sabi niya sa isip niya na mukhang sadya niyang ipinarinig sa’kin.

Sabay kaming sumilip sa magkabilang gilid ng pinagtataguan naming sasakyan at pinaulanan ng bala ang mga kaaway. Ganun din ang ginawa nila Rusty at Francis.

Makalipas ang ilang oras ay sila ang naunang maubusan ng bala, pero sumugod parin. Mukhang wala talagang balak na paalisin kami sa lugar na ‘to ng buhay. Nang maubusan kami parehas ng bala ni Lanzer ay may tatlong lalaki ang sumugod sa kanya, dun ko napatunayan na magaling din pala sa close combat ang lalaking napangasawa ko.

Gusto ko pa sanang panuorin ang mabilis na pagkilos ng katawan niya laban sa mga kaaway kaya lang ay may dalawang goons na ngayon ay papalapit sakin. Imbes na matakot ay napuno ako ng excitement. Walang ganitong aksiyon sa Casa Angeles kaya lulubos-lubusin ko na.

Mas lalo akong nabuhay ang dugo ko ng mapansing hindi lang sila basta-bastang goons. Mukhang trained din ang mga ito makipag-laban. No wonder, hindi sila tumakbo ng maubusan ng bala at sumugod samin.

Hindi pa ako tapos sa dalawa ng may tatlo namang kasamahan nila ang sabay-sabay na sumugod sakin.

###

 ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now