XXIV

1.9K 85 12
                                    

KABANATA XXIV

Doubt

“ANONG nangyayari dito?”

Halos umikot na ng 360 degress yung eyeball ko ng marinig ang boses na yun. Heto nanaman kami. 

“Lan!” sigaw ni Monique na nakaupo padin sa sahig.

Sa ganung tagpo niya kami naabutan kaya natural, ako nanaman ang kontra bida dito. Hindi naman siya maniniwala kaya papanindigan ko nalang.

Lumapit siya at tinulungan itong tumayo. Sinuri din nito ang pisngi ng haliparot na ngayon ay namumula na. Siyempre, banat ang buto ko sa farm kaya hindi kataka-takang malakas akong manampal.

Pinagsasabihan ko lang naman siya kasi masyadong mahigpit ang pamamahala niya dito, pero ayaw niya akong pakinggan at biglang sinampal.” parang bata ito ngayong nagsusumbong sa magulang nya.

“Pero hindi naman-“

Tiningnan ko lang si Karla para pigilang magsalita, wala akong balak na magpaliwanag at depensahan ang sarili ko, isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin. Wala din naman akong excuse kasi ako ang nauna.

“Bakit mo ginawa yun?” malamig ang tono ni Lanzer. Kasing lamig ng puso niya.

Nagpapakilala lang ako sa kanya, ganun lang talaga ako bumati.” sabi ko na nagkibit lang ng balita.

“Wag kang maniwala sa kanya Lan, narinig ko na kinukwestiyon niya ang pamamalakad ni Tita Leticia dito sa bahay at pinapalabas na malupit siya. Tapos pinagbibintangan niya pa si daddy na siyang master mind sa pag-ambush sa pamilya mo!”

Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya kaya ‘di ako nakasagot kaagad. Saan naman nanggaling ang lahat ng yun? Hindi ko alam na magaling din pala siyang maghabi ng kwento.

“Summer, that is too much. Your meddling too much.” seryosong sabi ni Lanzer.

Wow, so hindi nalang ako villain ngayon, paki-alamera pa.

Aalis nalang sana ako dahil naiirita ako sa mga pagmumukha nila pero may narinig ako sa bibig ng babaeng yun na talagang hindi ko mapapalampas.

“For all I know sila talaga yun, dahil nagmamadali silang makuha ang lahat ng kapangyarihan ng Empire Group, pinlano nila ang lahat sa umpisa palang.”

“Anong sinabi mo?”

“Bakit? Alam na ng lahat ang tungkol sa plano niyo at ang gahaman mong pamilya. Sobrang coincidence naman na mangyayari yun sa pamilya nila pagkagaling sa bahay ninyo pagkatapos ma-finalize ang engagement niyong dalawa. Pagkatapos ay bigla nalang dadating ang tatay mo sa gitna ng kaguluhan para i-claim na siya na ang guardian ni Lanzer habang inaayos ang take over niya sa Empire Group. Aminin niyo na, atat lang talaga kayo na makuha ang lahat ng pera ng Silvana.”

Pinagbibintangan ng walang hiyang babaeng ‘to ang popsie ko. Insultuhin at gawan na niya ako ng kwento pero wag lang ang pamilya ko.

Bawiin mo yang sinabi mo! Hindi ganyang klase ng tao ang popsie ko!”

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now