XXXIX

2K 75 7
                                    

KABANATA XXXIX

Tied in a ceiling

KARLA!”

Naabutan ko siya na nagdidilig ng mga halaman sa greenhouse nang umaga ngayon. Sa dami ng nangyari kahapon ay ngayon ko palang siya makokompronta tungkol sa napag-usapan namin ng ibang maid kahapon.

“Miss Summer? Gusto niyo na po bang mag-umagahan?” tanong niya.

“Hindi na kailangan,” tanghali na din kasi at ilang saglit lang ay kakain na din ng tanghalian. Pinakain na din ako ni Lanzer kanina bago siya pumasok sa opisina.

“May itatanong lang ako. Tungkol dun sa kwento mo tungkol sa multo sa attic? Kanino mo narinig ang kwento na yun?” tanong ko.

“Hindi ko na matandaan, narinig ko lang na pinagkukwentuhan ng ibang maid.”

Nagsisinungaling siya, ramdam ko sa pagbilis ng paghinga niya.

Sigurado ka? Naka-usap ko na kasi halos lahat ng maid dito at wala ni isa sa kanila ang nakaka-alam ng kwentong yun.”

Nakangiti lang siya sakin, Malapit ka na Miss Summer, alamin mo ang lahat ng tungkol sa dating empress at sasabihin ko ang lahat ng kailangan mong malaman.’

Napa-angat ang isang kilay ko. Wag mong sabihing may tinatago siya sa’kin? Siya na kauna-unahan kong pinagkatiwalaan sa bahay na ‘to. Nagkamali ba ako ng basa sa kanya? Isa ba siyang kaaway?

“Miss Summer,” naistorbo ang malalim na pag-iisip ko ng may dumating na maid at sa likod niya ay ang dalawang taong inaasahan ko. “Nandito na po ang mga bisita ninyo.”

“Hey!” bati ni Spring.

“Summer,” bati naman ng kasama niya na kaming dalawa lang ang nakakakita. Walang iba kundi ang kapatid kong multo.

Kaninang umaga ko lang sila tinawagan at natutuwa ako na nakarating sila kaagad. Si Autumn lang talaga ang kailangan ko dito, kinailangan ko lang si Spring na samahan siya papunta dito. Mahirap kasi para sa kagaya niyang multo ang magteleport sa isang lugar na hindi niya pa napupuntahan kaya kailangan niya ng guide.

Mauuna na po ako Miss Summer,” kapagkuwan ay nagpaalam na si Karla.

“Teka, di pa tayo tapos na mag-usap!” pigil ko sa kanya pero wala na akong nagawa nung sumama na siya sa maid na naghatid sa mga kapatid ko dito kanina kaya wala na akong nagawa.

“Anong problema?” puno ng kyuryosidad na tanong ni Spring kaya napabaling ulit ako sa kanila.

“Anong tingin mo sa batang kasama ko kanina Spring?”

“Hmmm, wala namang kakaiba sa kanya. Bukod sa amoy lily siya.”

Lily?

“Hindi mo man lang ba kami pauupuin sis? May gahd, anlayo pa ng pinanggalingan namin.”

Mamaya na, sumunod muna kayo sa’kin.” sabi ko.

“Wow ha! Madam! Ganyan mo ba tratuhin ang mga bisita mo. Di mo man lang kami pagmemeryendahin.” reklamo niya.

Kakain na ng tanghalian, saka hindi ko kayo pinapunta para bisitahin lang ako.”

“Nice!”

Hindi ko na pinansin ang pagrereklamo ni Spring at naglakad na palabas sa lugar na yon. Natatawang sumunod nalang din si Autumn sa’min.

Pagpasok sa bahay ay may nakasalubong kaming katulong kaya sa kanya ko nalang ibinilin na sa Jasmin Room naming tatlo. Muntik pa akong magkamali at nasabing tatlo, nakakalimutan ko palaging kami lang palang dalawa ni Spring ay nakikita nila.

Pagkatapos ay dinala ko na sila sa Jasmin Room. Dahil sa naging pag-uusap namin ni Karla kanina ay mas lalo akong naging eager na alamin kung sino ba talaga ang babae sa kwarto na yun at ano ang nangyari sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay malaki ang papel niya sa lahat.
Isa pa, kung matagal na siya dito. Maaring alam niya ang kahat ng sikreto na nakatago sa mansiyon na ito.

“Wow! In fairness, ang ganda nitong kwarto mo ha. Parang pang reyna, ikaw na ang may bigating asawa.” komento agad ni Spring pagpasok na pagpasok namin sa loob. Nakabukas ang sliding door na naghihiwalay sa bedroom at mini sala kaya naman kita agad nila ang kabuuan.

Nakita ko si Autumn na tumigil sa tapat ng pinto na nakaharap sa higaan. Alam kong may nakikita siya, yun mismo ang dahilan kung bakit ko siya pinapunta dito.

Nang lapitan ko siya, napansin ko na hindi siya nakatingin sa kama kundi sa kisame.

“Anong nakita mo? May iba tayong kasama dito hindi ba?” tanong ko sa kanya.

“Isang magandang babae Summer ang nakabigit sa kisame ng kwartong to.” sabi niya.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Nagtaasan ang lahat ng balahibo sa katawan ko ng maimagine ko ang sinasabi niya.

Dilat na dilat ang mata niya at napapaligiran ng dugo ang buong mukha niya-“

“Okay tama na! Hindi mo na kailangang i-elaborate.” saway ko sa kanya habang yakap sa sarili.

Too much information, paniguradong hindi ako makakatulog ng mahimbing mamaya. Lalo pa’t alam kong may nakasabit sa mismong kisame ng hinihigaan ko.

Omaygad! Don’t tell me may multo sa bahay na ‘to?” singit ni Spring.

“Dito lang sa attic.” sagot ni Autumn na hindi parin inaalis ang tingin sa kisame.

Buti nalang multo siya ngayon, kung tao siya ay malamang kanina pa yan naglupasay sa takot.

“Buti nakakatulog ka ng maayos dito, sis.” –Spring

Pero siyempre, mas payapa ang tulog ko kagabi sa kwarto ni Lanzer, kahit konti lang talaga ang tulog ko.

“No wonder, you have dark circles in your eyes.” puna nito habang titig na titig sa mukha ko.

“Actually hindi ako dito natulog kagabi.” mahina lang na sabi ko pero sapat na para marinig nila.

“I knew it! The moment I see that hickey in your neck!” mapang akusa na sabi ni Spring. Sinuko mo nanaman ang Bataan! Pakipot ka naman ng konti sis! Baka isipin ng mga tao dito easy to get ang lahi natin.”

Napa-ikot ang mata ko sa sinabi niya. Here we go again.

“Una sa lahat, mag asawa kami at pangalawa, mahal niya ako.” sabi ko.

Omaygad! Akalain mo, may pumatol talaga sa’yo?”

Pwede ba!” nalilihis na kami masyado sa topic.

“Autumn,” pagiiba ko ng usapan bago pa kung saan mapunta ‘to. Makaka-usap mo ba siya?”

Masyadong ng mahina ang kaluluwa niya, Summer.”

Kaya siguro hindi ko siya marinig ng maayos sa tuwing tinatanong ko siya.

Kailangan mo muna siyang maialis sa kinalalagyan niya ngayon.” kapagkuwan ay sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Kung malalaman mo ang katotohanan sa likod ng pagkamatay niya.”

Bigla akong napa-isip. Kanina ko naman malalaman yun? Kahit si Lanzer ramdam ko na ilag sa imporamasyon na yun. Kahit nga pangalan niya ay hindi ko alam.

Alamin mo kung ano ang pangalan niya Summer.” biglang sabi ni Autumn. 

Maya-maya lang ay dumating na ang tanghalian namin. Pero imbes na kumain, pareho kaming nawalan ng gana ni Spring habang napapatingin sa nakabukas na kabilang kwarto.

Sinarado ko ang pintuan sa bedroom para hindi namin matanaw yun. Parang hindi ko kayang kumain at naiimagine ko yung sinabi ni Autumn kanina.

Ahh ehh, hindi na pala ako nagugutom.” kapagkuwan ay sabi ni Spring. Malalate na ako sa shoot ko, babalikan ko nalang si Autumn mamayang gabi.”

Alam kong nagpapalusot lang ito, pero di ko nalang pinansin. Parang nawalan na din ako ng ganang kumain eh.

“Wag mo na akong balikan, Spring.”

Hindi pa tuluyang nakakalabas ng kwarto si Spring ng magsalita si Autumn. Pareho kaming napatingin sa kanya. Nagtataka kung bakit parang gusto pang magtagal dito ng kakambal namin.

“Ano ka ba, Autumn.” biglang bumalik sa’min ang magaling kong kapatid. “May asawa na itong kapatid natin. Nakita mo yang hickey niyan sa leeg, I bet they did more than that at pag nagtagal ka pa dito, baka hindi ka na inosente.”

“H-huh?” puno ng pagtatakang tanong ng inosenteng multo. Puno ng pagkalito ang mukha nito.

Sinamaan ko lang ng tingin si Spring. Maisingit lang talaga. Pag siya na-inlove, humanda talaga siya sa’kin.

“Kidding,” pagkatapos ay umalis na ‘to. “Ako na ang bahalang magpaliwanag kina momsie at popsie pag hinanap ka. Sasabihin ko nalang nan amiss mo ang kapatid natin.”

Pagkatapos ay tuluyan na itong nagpaalam dahil may photo shoot pa daw itong kailangang puntahan. Kanina ko lang nalaman na pabalik-balik ito sa Maynila dahil sa modelling career niya at hindi man lang ako naisipang dalawin noon.

Pero kunsabagay, kung madalas siyang pumunta dito ay baka makalbo lang ako sa sobrang konsumisyon.

“Hindi ka din kakain ng tanghalian, Summer?” tanong ni Autumn nung kaming dalawa nalang.

Tiningnan ko siya ng are-you-kidding look. “Pagkatapos nung elaborated na kwento mo kanina? Tingin mo malulunok ko pa talaga yung pagkain?”

Natawa siya sa sinabi ko. Parang noon lang ay siya itong hindi makalabas sa bahay dahil takot na takot makakita ng multo. Ngayong multo na siya, kauri niya na ang mga kinatatakutan niya noon kaya siguro hindi na siya ganun katakot.

“Wag kang mag-alala, Summer. Gusto niya na nandito ka.” sabi niya.

Paano mo nalaman? Nakakausap mo na siya?”

Umiling siya, Nakakatulog ka ng maayos nung mga nakaraang gabi hindi ba?”

“Noon yun nung hindi ko pa alam na may nakasabit sa kisame ng kwarto ko.”

Maniwala ka sa’kin Summer. Gusto ka niya, hindi na ako magtataka kung hinehele ka niya pag gabi.”

Omaygad stop!” sabi mo na parang ginagaya ang tono ni Spring. Natawa lang siya. Nagiging mapang-asar na din siya ngayong multo siya,  I guess it runs in the blood.

Ayoko ng marinig, parang kinikilabutan ako pag iniimagine ko. Buti nalang talaga hindi ko sila nakikita at naririnig lang. Atleast pag naririnig ko sila, pwede kong iimagine na kagaya lang sila ng ibang normal na tao.

***

Lintik!” napabangon ako ng wala sa oras at nagulantang ng makakita ng babaeng naka-upo sa sofa na adjacent sa kama ko, malapit sa bintana.

“Ako lang ‘to, Summer.”

Napahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses ni Autumn. Akala ko kung sino nang multo. Nakita ko siyang nagbabasa ng diyaryo, nagbabasa din pala ang mga multo? I guess kakaiba siya?

Aatakihin ako sa puso sa’yo! Hindi ka ba natutulog?”

“Summer, multo ako, hindi ako natutulog.” natatawang sabi niya.

Oo nga pala, palagi kong nakakalimutan.

Pwes ako kailangan kong matulog!” tuluyan na akong bumangon.

Saan ka pupunta?” tanong niya.

Matutulog! At wag mo akong susundan, okay?”

Pagkatapos ay nakita ko nalang ang sarili ko na kumakatok sa tapat ng pintuan ni Lanzer. Hating gabi na ng mga oras na yun kaya duda ako kung may iba pang makakakita sa’kin.

Pagkabukas ng pinto ay nakita ko nakasuot ng gray na pajama at black robe. Hating-gabi na pero mukhang mabango parin. Tumigil ka Summer! Nandito ka lang para maki-tulog.

“A-ano kasi-“

Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niya namang hinila ang isang wrist ko papasok sa loob. Nang maisandal ako sa nakasaradong pinto ay saka ako pinupog ng halik.

Sabihin mo sa’king namiss mo din ako.” pagkatapos ay bulong niya sa tenga ko habang nakayakap parin sa’kin. “God, I miss your scent, wife.”

Adik ka ba Lanzer? Magkasama lang tayo kagabi.” sabi ko.

“I don’t know what spell you put on me Summer, pero hindi ko na yatang malayo sa’yo ng mas matagal.” sabi niya.

Ginabi na siya ng uwi kanina kaya hindi na kami nagkasalo sa hapunan. Mula nang pumasok siya sa trabaho ay ngayon nalang ulit kami nagkita. Inaamin ko namiss ko din siya, pero dalagang Pilipina ako kaya hindi ko yun aaminin.

Grabe, maniniwala na talaga akong nakakabaliw ang pag-ibig.”

Naitulak ko palayo si Lanzer ng makarinig ng ibang boses sa loob ng kwarto. Nang madako ang tingin ko sa sofa ay nandun at prenteng naka-upo si Revan. Kanina pa ba siya diyan?

Prenteng naka-upo ito at may hawak na kupitang sa tingin ko ay alak ang laman. Nakasuot siya ng black leather jacket na inilaliman ng black plain shirt, tattered jeans at brown combat boots.

Nakakahiya, nakita nya kami. Hinampas ko si Lanzer dahil hindi man lang niya sinabi na may iba siyang kasama dito.

At ang magaling na kamahalan, parang wala lang paki-alam kahit may audience kami. Binigyan niya lang ng malamig na tingin ang lalaking kasama namin.

Makakaalis ka na, tapos na tayong mag-usap.” sabi lang nito at saka umakbay sa’kin.

Grabe ka dude! Alam mo ba ang kasabihang bro before hoes?” umiiling na sabi nito na animo’y nagtatampo. Handa kong traydurin ang pamilya ko para sa’yo pero gaganyanin mo lang ako?”

Para namang nagbibiro lang siya dahil kita ko parin ang kislap sa mukha niya.

Umalis ka na, nakaka-istorbo ka samin ng asawa ko.”

Naiiling na napatayo nalang ito pero may kislap parin ang mga mata. Hinila ako ni Lanzer para padaanin sa pinto ang bisita niya pero bago nito pinihit ang doorknob at bumaling sa’kin nang may mapag-larong ngiti.

“Alam mo bang demonyo yang asawa mo? Sa harap mo lang yan nagiging anghel.” tatawa-tawang sabi nito.

“Get the hell out!” sigaw ni Lanzer.

“Okay,” tatawa tawa nitong sabi na nakataas pa ang isang kamay na parang sumusuko. “Goodnight, Mr. & Mrs. Silvana, humayo kayo at magparami!”

Biglang uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. May pagka-bulgar din pala ang bunganga ng isang yun. Para siyang male version ni Spring.

“Let’s sleep, wife.” sabi nito na hinila na ako papasok sa bedroom.

“Gabi na bakit nandito pa si Revan?” tanong ko.

“May pinag-usapan lang kami.” sabi niya.

“You look close, anong ibig niyang sabihin na tatraydurin niya ang pamilya niya para sa’yo?”

“Don’t think about it Summer, he was just bluffing.”

Gusto ko pa sana siyang tanungin kaya lang ay nakaramdam na ako ng antok. Pinahiga niya ako sa kama at kinumutan bago tinabihan. Pinaunan niya ang isang braso sa akin at ako naman ay nakayakap sa kanya. Hindi ko na alam kung kailan kami nagsimulang maging ganito ka-komportable sa isa’t-isa.

“Wife?”

“Hmmm?” tanong ko na pikit na ang mga mata habang inaamoy ang dibdib niya.

Matutulog lang ba tayo ngayon?”
Mahina kong hinampas ang dibdib niya. Tumigil ka, inaantok na’ko. ‘Di pa ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi.”

“Okay, bukas nalang.”

“Gago.”

It’s funny that I’ve spent hours trying to fall asleep in my bed but it only takes a minute before I fell asleep in his bed.

###


Sino nga kaya ang babaeng naka sabit sa kisame ni Summer? May idea na ba kayo? -little A

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Sino nga kaya ang babaeng naka sabit sa kisame ni Summer? May idea na ba kayo? -little A




Eyrie Series #1: Eros ✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang