XIII

2.1K 103 7
                                    

KABANATA XIII

“Visitors”
NAGISING ako sa pinaghalong amoy ng matapang na kape at mahalimuyak na amoy nang lily. Nang imulat ko ang aking mata ay ang mga bagong pitas na lily ang nakita ko sa bed side table.
“Good morning Miss Summer!”
Tuluyan akong napabangon nang hawiin niya ang kurtina sa gilid ko at tuluyang pumasok ang liwanag sa kwarto.
“Ang aga mo naman.” sabi ko.
“Lahat po ng mga trabahador dito sa bahay ay maaga gumigising. Isa pa po ay may bisita po kayo.”
“Huh? Sino?”
Binuksan niya ang pinto na naghihiwalay sa bedroom at mini sala. Nakaharap ang kama ko sa sala set kaya naman nakita ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya.
Isang batang paslit…
Tumayo ako at agad na lumapit para sipatin ang batang babae. Cute siya pero hindi ako mahilig sa bata. At nakapameywang siya sa’kin na para bang gusto akong pagalitan. Sino ba ang batang ‘to?
“Ikaw ba ang babaeng gustong magsisante sa nanay ko!?”
Bakit ba ganun ang mga bata, kahit sinisinghalan ka na, ang cute pa din nilang tingnan. Sino kaya ang nanay ne’to?
“Dahlia, wag kang ganyan. Siya ang mapapangasawa ni Master Lanzer at magiging amo natin dito.” saway ni Karla.
“Pero niaaway niya ang nanay ko. Narinig kong sabi ng ibang katulong na papalayasin niya kami dito.” singhal ng bata.
“Dahlia ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. “Anak ka siguro ni Delilah.”
“Oo Miss Summer, anak siya ni Aling Delilah at Mang Gregorio. Lahat ng tauhan dito ay sa quarters sa kabilang building nakatira. Pag nawalan sila ng trabaho, hindi lang sweldo ang mawawala sa kanila, kundi tirahan.”
Mag-asawa pala ang dalawang yun. Nakasama ko kahapon si Mang Gregorio, mabait naman siya at magalang, di gaya nung asawa niya, parang amazon.
“Bata, wala akong balak palayasin kayo dito. Ang nanay moa ng nang-aaway sakin.” sabi ko sa kanya.
Napansin ko ang breakfast na nakahain sa coffee table. Mayroong isang tasa ng brewed coffee, banana bread at omelet na may kasamang fried rice. Ang bango, bigla tuloy akong nagutom.
“Sa’yo galing ‘to?” tanong ko sa kanya bago umupo sa sofa.
“Ako ang nagluto niyan, sabi kasi ni Kuya Pogi mahirap ka daw paki-usapan pag gutom.” sabi nito.
“Marunong kang magluto? Ilang taon ka na ba? Saka sinong kuya pogi?” tanong ko bago ko simulang kainin yung dala niyang breakfast. Hindi ako nakapag hapunan kagabi dahil naka-hunger strike ang lahat ng tauhan sa kusina.
“Eight na po ako at marunong na akong magluto five palang ako. Si Kuya Pogi ko, si Kuya Lanzer. Pinuntahan ko siya kagabi pero ang sabi niya ikaw daw ang paki-usapan ko.”
Tsk, malapit din pala ang isang yun sa mga bata?
“Kung ganun suhol mo sa’kin ‘tong pagkain?”
Tumango siya, wala na akong magagawa nakakain na’ko. Isa pa ay infairness, masarap magluto yung bata.
“Sige, dahil dinalhan mo ako ng pagkain, may sasabihin akong sikreto sa’yo.” sabi ko.
“Ano po yun?”
“Wala akong tatanggalin sa trabaho. Hindi ko rin kayo palalayasin sa tirahan niyo.”
“Talaga po?” biglang nagningning ang mata nung bata. Pasalamat sila cute itong batang ‘to at masarap magluto ng agahan.
“Oo pero sikreto lang natin yun ah. Wala kang ibang pagsasabihan.”
***
“Miss Summer, totoo po ba yung sinabi niyo kay Dahlia kanina?”
“Oo naman,”
Base sa naging pag-uusap kahapon, sa’kin na pina-ubaya ni Lanzer ang pagdedesisyon sa pagpapatanggal sa mga empleyado. Dahil hindi nagpasa si Delilah ng listahan ng mga sesesantihin ay siya ang dapat umalis. Bilang pagtutol ay nagpropose ng hunger strike ang mga trabahador.
“Kung ganun ay bakit hinahayaan niyo lang po ang mga tauhan na magutom? Maging si emperor ay hindi nakakain kagabi.”
“Gusto kong malaman kung gaano kalaki ang pride ng mga nagtatrabaho dito sa mansiyon. Bilang isang businesswoman, mahalaga na malaman mo ang limitasyon ng mga trabahador mo. At ano ang kayang gawin ng gutom sa kanila. Dapat din nilang malaman kung sino ang tunay nilang kaaway.” sabi ko.
Mas lalo pa ata siyang naguluhan sa mga sinabi ko. Pero tinatamad na akong magpaliwanag pa. Malalaman din naman niya ang ibig kong sabihin sa mga susunod na araw.
Pagdating ng tanghali ay nagpadala ulit ng pagkain si Dahlia. Mukhang ayaw pa ding kumain ng nanay niya at hindi parin ito pumasok sa kusina pati na ang mga kasamahan niya.
Kakatapos ko lang kumain sa mini sofa nang dumating si Karla na may masayang ngiti. “Miss Summer, may bisita po kayo.”
Nagningning ang mga mata ko nang makita kung sino ang kasunod niyang pumasok sa kwarto.
“Winter!” agad ko siyang sinalubong ng yakap. Nakakagaan sa pakiramdam na makakita ng pamilyar na mukha. Pakiramdam ko ay ako na ulit ito, si Summer Angeles ang walang kinatatakutang anak ng may-ari ng Casa Angeles.
“Aba’t ang sweet yata ng kapatid ko ngayon ah.” sabi nito bago kami sabay na naupo sa couch.
Nginitian ko siya ng ubod ng tamis, “Susunduin mo na ba ako at iuuwi sa’tin?”
“Anong iuuwi? Ito na ang bahay mo diba? Balita ko nag-eenjoy ka nga dito eh. Ilang araw palang akong wala, nagkakagulo na ang lahat ng tao sa bahay na ‘to. Bilib din naman ako sa kakayahan mo eh noh.” mapang-asar lang na sabi niya.
“Kaya nga kailangan mo na akong i-uwi. Dahil mas lalala pa ang gulo dito pag nanatili pa ako.”
“Tsk, akala mo ba hindi ko alam kung ano ang pinaplano mo kapatid ko? I’m afraid, there’s no turning back now. Pag pinalayas ka ni Lanzer dito, hindi ka na tatanggapin ng magulang natin.”
“Ang why not?”
“Nasa Casa Angeles si Tito Kryz.” biglang bulong niya sa’kin.
“What?” naging alerto ako at tumingin kay Karla na nakatayo sa gilid namin.
“Iwan mo muna kami, Karla.” sabi ko.
“Sige po,” nag bow ito at saka lumabas ng Jasmin room.
“Anong ibig mong sabihin?” kaagad na tanong ko sa kanya.
“Nung araw na nagising ka, nag check-in siya sa hotel.”
“Nag check-in ibig bang sabihin hindi parin siya nakakatawid sa kabilang buhay?” tanong ko.
Umiling lang ang kapatid ko. “Hanggang ngayon ay hindi parin nahahanap kung sino ang pumatay sa kanila kaya imposibleng matahimik ang kaluluwa nya. Pero sa tingin ko ay hindi paghihiganti ang pakay niya kaya bumalik siya sa mundong ‘to.”
“Ano daw ang kailangan niya?”
“May inaantay siya.”
“Sino?”
“Hindi ko din alam, pero tingin ni popsie ay hinihintay niyang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya at sa mga anak niya.” sabi niya. “Dagdag pa ni momsie, tulungan mo daw si Lanzer na hanapin kung sino ang pumatay sa pamilya niya, kundi ay wag ka daw magkakamaling umuwi.”
Parang sumakit ang ulo ko sa narinig. Ito ang pinakatatagong sikreto ng pamilya ko at ng Casa Angeles. Hindi mga buhay na tao ang guests namin kundi mga kaluluwa. Mga kaluluwang ‘di matahimik at kailangan ng kalinga.
“Andami ko ng problema dito pati ba naman yun poproblemahin ko pa?”
“Pero hindi ba’t yun naman ang puno’t dulo ng lahat. Kung bakit ka ngayon nandito ay dahil sa nangyari nung gabing yun. Naisip mo ba na kung sinuman ang nagtangka sa buhay mo nun at kaya ka na comatose ng tatlong taon ay siya ring tao na nasa likod ng ambush ng pamilya Silvana.”
“Sa tingin ko ay may dahilan kung bakit biglang sumulpot si Tito Kryz ng mismong araw ng pag-gising mo.”
“Ano naman yun?”
“Malay ko, it’s for you to find out.”
“Wow ha, anlaki ng naitulong mo.”
“Sige na, mauuna na’ko. Dumaan lang talaga ako para tingnan ang kalagayan mo. Sa gulong naabutan ko dito, walang duda na magaling ka na talaga.” sabi nito at may kinuha sa bulsa.
“Dinala ko nga pala itong cellphone mo para macontact mo kami. Kunin mo rin itong black card mo, para may access ka sa pera mo sakaling kailanganin.”
“At ito,” inilapag niya sa lamesa ang isang mini black case. Base sa lalagyan at hugis ay mukhang alam ko na kung ano yun. “Proteksiyon sakaling kailanganin mo. Hindi natin alam kung kailan aatake ang kaaway ng mga Silvana.”
“Salamat,” napangiti ako habang hinihimas ang revolver na regalo sakin ni popsie nung 18th birthday namin.
Espesyal ang desenyo nito at talagang pinagawa para sa’kin dahil naka-ukit sa ginto ang initial ng pangalan ko sa handle nito.
“Sige, mauuna na ako. Mag-iingat ka dito, I hope magtagumpay ka sa misyon mo.”
“Ako lang ba talaga ang gagawa nito? Hindi niyo man lang ako tutulungan?”
“Ang sabi ni momsie, kailangan mo daw malutas ang misteryo na ito ng mag-isa. Pero wag kang mag-alala, if you need anything you can call us anytime. Bye little sis.”
“Little sis ka diyan, sa pagkakaalala ko mas nauna akong lumabas sa mundong ‘to kaya mas panganay ako.”
Natawa lang siya ng makahulugan bago nagpaalam ng aalis. Kahit kailan ay hindi ko talaga maintindihan ang kapatid kong yun. Napaka-misteryoso, kung mag-isip ay akala mo mas matanda sa aming lahat.
###

Eyrie Series #1: Eros ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora