XL

1.9K 81 0
                                    

KABANATA XL

Lilibeth Acosta-Silvana

NANG masigurong nakaalis na si Lanzer papunta sa trabaho niya ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Sa wakas, wala na ding asungot. Hindi ko magagawa ang mga dapat kung gawin kung nandiyan siya nakabantay na parang malingat lang siya ay mawawala ako sa paningin niya.

Nakababa na ako sa second floor ng makita ko si Lucresia na papasok sa isang kwarto na opposite ang dereksiyon sa kwarto ni Lanzer. Nasa kwarto na yun ang kwarto ng hanggang ngayon ay comatose pa din na si Tita Leticia.

Hindi naman siya close kaya kahit kailan ay di ko naisip na bisitahin siya. Isa pa ay ano ang silbi kung bisitahin ko pa siya kung lagi naman siyang tulog?

Pansin ko rin na mabigat ang pakiramdam sa bahaging yun ng bahay.

“May problema ba Summer?” tanong ni Autumn na nakasunod din sakin.

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na sa ibaba kung nasaan ang taong sadya ko ngayong araw.

Mang Gregorio,”

Tawag ko sa matandang naabutan kong naglilinis ng mga sasakyan sa garahe. Yun nalang ang trabaho niya ngayong may katandaan na siya. Napagdesisyunan kong siya nalang ang kausapin since mahirap kausap yung asawa niya.

“Kayo po pala, madam.” bahagya itong nag bow sa’kin. “May gusto po ba kayong puntahan?”

“Kayo naman, wag niyo na akong tawaging madam, ang lakas makatanda eh.”

Naku ma’am, asawa na kayo ngayon ng amo namin.”

Napakamot nalang ako ng ulo, hindi ko alam kung paano siya pipilitin. Gusto ko sanang kahit ‘Miss Summer’ nalang ulit kaya lang ay hindi na nga pala ako ‘miss’.

“Ah ehh, Mang Gregorio, gusto ko po sana kayong maka-usap. Busy po ba kayo?”

“Hindi naman po,” sagot nito. “Sa totoo lang ay ito nalang ang magagawa ko ngayon dahil matanda na talaga ako. Tingin ko nga ay ang tanging rason kung bakit nandito pa ako ay dahil pinagkakatiwalaan ako ni Master Kryz noon.”

Sa tantiya ko ay nasa edad 60 na ito ngayon at malabo na ang paningin kaya hindi na kayang magmaneho sa malalayong lugar. Mukha namang nasa early 50s si Delilah, napaisip tuloy ako kung ilang taon sila nung pinanganak si Dahlia.

“Kung ganun po ay maari ko ba kayong yayaing magkape ngayon? Aantayin ko po kayo sa may green house.” sabi ko.

Tumango siya, “Sige po, pagkatapos nito ay susunod ako.”

Nagpadala ako ng kape at donuts sa greenhouse. Ito na ang paborito kong tambayan ngayon. Si Karla ang madalas nag-didilig ng mga halaman pero pansin ko na iniiwasan niya ako nitong nakaraan kaya hindi ko siya madalas makita.

Malaman ko lang talaga kung sino ang babaeng nasa attic humanda siya sa’kin. Marami siyang ipapaliwanag.

Anong plano mo, Summer?” tanong ni Autumn na naka-upo sa hammock. Nandito pa din siya at hindi umaalis sa tabi ko. Pero mas madalas siyang tumambay sa Jasmin Room. Kinaka-usap yung kauri niya dun. Likas na maawain ang kapatid ko kaya hindi ako magtataka kung ang tunay na rason ng pananatili niya dito ay dahil naaawa siya sa multong nandun.

“Si Mang Gregorio ang isa sa pinaka-matagal na tauhan ng mga Silvana. Ang alam ko ay naging driver din siya ni Tito Kryz noon nung nagsisimula palang siyang maging ‘emperor’ kaya sigurado akong marami siyang alam.”

Maya-maya lang ay pumasok na ang matanda sa loob na mukhang manghang-mangha sa mga nakita. Kumikinang ang mga mata nito na parang nagbalik sa nakaraan.

Natutuwa ako at mayron na ulit buhay ang lugar na ‘to pagkalipas ng mahigit dalawampung taon.” kumento nito na nagpangiti sa’kin. Ibig sabihin ay may makukuha akong impormasyon sa kanya.

Maupo po kayo.” iminuwestra ko sa kanya ang mahabang sofa para umupo.

“Ano po ang gusto niyong itanong, madam?” tanong nito ng maka-upo.

Ilang taon ka ng nagtatrabaho sa mga Silvana, Mang Gregorio?” tanong ko habang sinasalinan siya ng kape sa mug mula sa porcelain glass na katabi ko.

Mahigit tatlumpung taon na, madam. Disi siete si Master Kryz nun at kamamatay lang ng tatay niya ng magsimula akong magtrabaho bilang driver niya.”

Kung ganun ay maaga palang namatay ang lolo ni Lanzer?

Batang-bata pa siya nun pero kailangan niya ng pasanin ang responsibilidad, buti nalang at nakilala niya si…” bigla siyang natigilan, para bang may nasabing hindi dapat.

“Sino Mang Gregorio?”

“Ah ehh madam…”

“Wag kayong mag-alala, kung ano man ang sabihin niyo sa’kin, sikreto lang nating dalawa. Hindi ko sasabihin, gusto ko lang talagang malaman ang nakaraan ng pamilyang kinabibilangan ko na ngayon.” sabi ko.

“Si Miss Lily, ang babaeng naging unang asawa ni Master Kryz.”

Lily ang pangalan niya? No wonder, palagi niya akong pinapadalhan ng bulaklak na yun.

Pwede bang kwentuhan mo ako tungkol sa kanya?”

Parang nag-aalangan niya akong tiningnan? Bakit ba ganun ang itsura niya na parang malaking kasalanan ang pag-banggit sa pangalan na yun?

Lilibeth Acosta-Silvana ang pangalan niya. Nakilala siya ni Master Kryz nung disi siete palang sila, sa edad na disi otso ay pinakasalan sya nito kahit fiancé niya na nun si Madam Leticia.”

Napakaganda at maamo ang mukha niya kaya hindi ako nagtataka na hindi napigilan ni Master Kryz ang umibig sa kanya. Nakita ko kung paano niya kalabanin ang buong mundo para sa kanya. Nung nagpakasal sila ay buntis na nun si Miss Lily kay Master Lanzer. Naging masaya ang pagsasama nila, pinanganak si Master Sixto at walang mapaglagyan ang kaligayahan nila. Kita ko yun sa mata ng dati kong amo, wala na siyang ibang mahihiling pa ng mga panahong yun. Lahat ay handa niyang ibigay kahit buhay niya para sa asawa niya.” sabi niya na parang kahapon lang ang panahon sa balintataw nya.

Pinagmasdan niya ang buong paligid ng greenhouse. Saksi ang greenhouse na ito kung gaano kamahal ni Master Kryz ang asawa niya. Mahilig sa mga bulaklak si Miss Lily kaya pinatayo niya ang malaking greenhouse na ‘to. At ang Jasmin Room ay ginawa niyang practice room ng asawa para sa kanyang paboritong sining, nakalimutan ko ang tawag.”

Ikebana, kung ganun ay tama ang kinuwento ni Karla sa’kin noon. Tungkol sa Jasmin Room.

Anong nangyari sa kanya, Mang Gregorio?” Kung mahal na mahal siya ni Tito Kryz ay bakit si Tita Leticia na ang asawa niya ngayon?

“Nung pinagbubuntis niya ang pangatlong anak nila, umalis kami nun ni Master Kryz para bisitahin ang inyong ama sa Eyrie. Sa di inaasahang pangyayari, nalaglag ang dinadala ni Miss Lily, labis niya ‘tong dinamdam. Nagpakamatay siya nung araw ding yun. Hindi na siya naabutan ng amo ko na labis niyang pinagsisihan. Wala siya sa tabi ng mahal niya nung panahong kailangang-kailangan siya nito.” nakita ko ang bahagyang paglungkot ng mga mata nito habang inaalala ang nakaraan.

Nagpakamatay siya? Kaya ba siya nakasabit sa kisame ng Jasmin Room? Dahil dun niya kinitil ang sariling buhay?

Anong taon nangyari ‘to?” tanong ko.

“Kung di ako nagkakamali, uhhm 1993 madam.”

Napapikit ako ng marinig yun. Tama ang hinala ko, yun yung panahong biglang dumating si Tito Kryz sa Casa Angeles at kailangan ni momsie ng tulong dahil manganganak na siya sa’min. Nang gabing yun, niligtas niya kami. Kundi siya dumating hindi lang kaming apat ang maaaring hindi nabuhay sa mundong ito kundi pati na rin si momsie.

Ngunit kasabay pala nun ay unti-unting namamatay ang asawa niya, ang babaeng pinakamamahal niya.

Hindi ko maiwasang ma-guilty, nang tingnan ko si Autumn ay ganun din ang nababasa ko sa mukha niya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang likido na tumulo mula sa mga mata ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, bakit ganito?

“Summer.” napatayo ako ng makita si Lanzer malapit sa entrance. Madilim ang mukha nito, narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin?

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now