XXXIV

2K 91 3
                                    

KABANATA XXXIV

Dulce Periculum

WALA naman palang mga binatbat.

“Tsk tsk, ang lalaki ng mga muscle niyo di kayo maghanap buhay ng maayos.” sabi ko habang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan na iniisa-isang itali ngayon nila Rusty at Francis.

Halos nasa benteng lalaki ang napatumba namin at walang malay ngayon. Proud ako na dumaan sa kamay ko ang lima sa mga yun. Ibig sabihin ay kaya kong makipag-sabayan sa tatlong lalaking kasama ko kung pakikipag-laban lang ang pag-uusapan.

Dapat lang noh. Bata palang ay tinitrain na ako ni popsie. Naisip ko tuloy kung para dito kaya bata palang ay tinuturuan na niya akong ipagtanggol ang sarili. Yun nga kaya ang dahilan.

Ilang saglit lang ay may nagdatingan ang ilang lalaki na naka black tux na sa tingin ko ay mga tauhan ni Lanzer. Hayst, very late.

Nagulat ako ng biglang higitin ni Lanzer yung braso ko at pinapasok sa isang itim na luxury land cruiser. Seryoso ang mukha niya at ramdam ko ang pag-igting ng panga.

Nang makasakay ako sa passenger seat ay hindi muna siya pumasok. Kina-usap niya lang si Francis sa labas ng sasakyan na parang may inuutos. Dahil sa aking pambihirang tenga ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.

Napasok na tayo sa balwarte natin pero wala man lang nakaalam!” galit na turan ni Lanzer. “Siguraduhin niyong may mahihita kayong impormasyon sa mga yan! Gusto kong malaman kung sino ang may lakas ng loob na kalabanin ako sa sarili kong teritoryo!”

“Yes boss.” rinig kong sabi ni Francis.

Siguraduhin mo ding walang ibang makaka-alam sa nangyari kahit pa ang mga miyembro natin. Ayokong isipin nila na madali akong itumba.” sabi niya.

Pagkatapos nun ay pumasok na ito sa sasakyan at pabalyang sinara ang pinto. Nagulat pa ako na sa driver’s seat siya sumakay. Akala ko ay kaya niya ako pina-upo sa unahan ay balak niya lang akong pagmukhaing secretary.

“Fucking bastards! Ngayon pa talaga naisipang magpa-welcome party!”

“I-ikaw ang magd-drive? T-tayo lang dalawa?” napapantastikuhang tanong ko.

God! Ngayon ko lang siya narinig na nagmura at ang sexy nun sa paningin. Parang gusto ko na tuloy siyang halayin sa utak ko.

Mas lalo akong muntik na mawalan ng hininga nang mag smirk siya sa’kin.

“Don’t worry, may convoy tayo.”

Nang paandarin niya ang sasakyan ay saka ko lang nakita ang dalawang itim na van na nakasunod samin. Wala naman talagang kaso sa’kin kung wala kaming kasamang bodyguards. Pero parang di lang ako sanay na aalis si Lanzer na walang kasama pagkatapos ng nangyari kanina.

Huwag mo nang uulitin yung ginawa mo kanina, Summer.” biglang sabi niya sa seryosong tono.
Nagulat ako ng bigla siyang magsalita matapos ang mahabang katahimikan.

Akala ko’y wala na siyang balak na kausapin ako hanggang sa makarating kami sa bahay.

“Anong ginawa ko?” maang ko. Wala naman akong maalalang kasalanan ko.

Tiningnan niya ako bago binalik muli ang tingin sa harapan namin. Ano nanaman kaya ang problema nitong taong ‘to?

“Sa susunod na may mangyaring ganun ulit, sundin mo nalang ang utos ko. I want you to be safe.” sabi niya.

Men and their pride speaking again. Hindi naman sa lahat ng oras ay lalaki ang poprotekta sa mga babae. And I am no damsel in distress.

“Pero wala namang nangyaring masama kanina ah? Aminin mo mas magaling pa ako sa mga bodyguards mo. Mas kaya pa nga kitang protektahan eh.” sabi ko.

“Hindi sa lahat ng oras ay uubra yang pagiging padalos-dalos at mainitin ang ulo mo, maari mo pang ikapahamak yan.”

“Edi ikaw ang mag-isip para sakin.” sabi ko. “Diyan ka naman magaling diba?”

“Bakit? Kailan ka ba nakinig sa’kin Miss Matigas-ang-ulo?”

Natawa ako, point taken. Kailan nga ba ako nakinig sa utos niya?

“Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa’yo. Pag may nangyaring masama sa’yo ano nalang ang gagawin ko?” biglang sabi niya na seryoso paring nasa hara pang tingin.

Bigla tuloy akong napatingin sa mukha niya. Hindi siya marunong magbiro, seryoso ang bawat salitang binibitawan niya magmula ng siya ang pumalit kay Tito Kryz sa pamumuno sa Empire Group.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

Pero bago pa siya makasagot ay nakarinig na kami ng malakas na tunog na parang may pumutok na gulong.

Napatingin ako sa rearview mirror at nakita ang isa sa mga van nan aka convoy samin na nagpagewang-gewang kasabay ng paglapit ng isa pang van na hindi kilala.

Wag mong sabihin na hindi pa ‘to tapos?

Kumapit ka, Summer.” utos ni Lanzer. Naramdaman ko ding biglang bumilis ang pagpapatakbo niya.

Nagsibabaan sa sasakyan yung mga bodyguards niya galing sa van na naputukan ng gulong. Mukhang hindi na makaka-usad yun. Ang ginawa nila’y pinaputukan yung sasakyan na humahabol sa’min ngayon kaya lang ay mukhang bullet proof at heavily tinted ito.

May ulong lumabas sa gilid ng sasakyan at nakasuot ito ng isang pamilyar na mascara. Yung mascara na suot ng pumatay sa pamilya ni Lanzer.

“Shit!” napasigaw si Lanzer na tatlong beses pang hinampas ang manibela. Alam kong nakilala niya ang mascara na yun. Dahil dun ay hindi siya makapag-maneho ng maayos.

Pagkatapos ay pinaulanan kami ng bala ng nasa kabilang kotse. Mukhang bullet proof naman ang sasakyan na ito dahil walang tumagos na kahit isang bala. Ang problema ay kapag tinamaan ang gulong namin. Wala na kaming kawala.

Yung isang van na convoy namin ay pilit na ginitgit yung sasakyan na humahabol sa’min at nagpapaputok din. Imposibleng makalusot sila sa dami ng bodyguards namin at imposible na silang makawala. Kailangan lang ay makaalis kami sa lalong madaling panahon.

“Shit Summer!”

Nakuha ang atensiyon ko nang sumigaw si Lanzer kaya nakita ko ang isang motorsiklo ng riding in tandem na nasa side ko. Pareho silang naka-maskara kaya kinabahan ako nang tutukan niya ako mismo.

Sunod sunod siyang nagpaputok at isang side lang ang pinatamaan niya kaya nag crack ang bintana sa side ko. Naging mabilis naman si Lanzer at niliko ang sasakyan ng makarating kami sa isang crossing.

Ngayon ay mahihirapan na kaming sundan ng mga bodyguards na convoy namin kanina. Nakasunod parin sa likod yung motorsiklo at nagtawag pa ito ng kasama dahil dalawa na sila ngayon.

Bwisit! Parang hindi talaga nila kami bubuhayin. Naalala kong wala ng bala ngayon ang baril ko dahil sa nangyari kanina. Pero kung wala akong gagawin ay mahahabol nila kami.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now