XII

2K 92 0
                                    

KABANATA XII

Business ala Angeles

“MISS SUMMER, kailangan na po nating bumalik. Hinahanap na tayo ni emperor.” paalala ni Karla.

Nasa isang coffee shop kami sa loob lang ng subdivision na kinalalagyan ng mansiyon ng mga Silvana.

Umorder ako ng pinaka-matapang na kape, ilang araw na din ako nagki-crave. Buti nalang at may natitirang pera pa si Karla. Nakalimutan kong wala nga pala akong pera kaya umutang muna ako sa kanya.

Binilhan din namin ng meryenda yung driver naming si Mang Gregorio. Ito ang naabutan naming naglilinis ng mga sasakyan sa garahe kanina. Napag-alaman ko na ito ang dating ni Tito Kryz noon, pero dahil may katandaan na at nagkasakit siya nung araw na ma-ambush ang pamilya Silvana ay hindi siya nakasama. Ngayon ay ginawa nalang siyang taga linis ng mga sasakyan sa garahe.

“Kumakain pa’ko, saka nagpaalam naman ako sa kanya kanina na lalabas ako ah.”

“Pero nasa mansiyon na po siya at hinihintay kayo. Nagkakagulo na din daw po dun ngayon.”

Hayaan mo sila,” sabi ko sabay agaw ng cellphone, nakita kong tumatawag ang kamahalan kaya pinatay ko na ito.

Jusko, pinatayan niyo po ng cellphone si emperor? Baka mas lalong magalit yun.”

Pabayaan mo siya, hindi ako natatakot sa kanya. Ngayon na nga lang ako nakalabas ng bahay na yun. Maghintay siya!”

“Walang sinuman ang nagtangkang paghintayin ako.”

Kilala ko ang pamilyar na boses na yun.

“Miss Summer!” biglang nanlaki ang mga mata ni Karla habang nakatingin sa likod ko. ‘Si Emperor.’

“Wag mong sabihin na nasa likod ko siya ngayon?” pabulong na tanong ko sa kanya.

Napatango nalang siya at parang kinakabahan. Dahan-dahan naman akong lumingon para kumpirmahin ang sinabi nya. Si Lanzer nga, at seryosong-seryoso ang mukha niya.

Umuwi na tayo at mag-usap.” sa tono niya ay halatang pinapakalma niya lang ang sarili. Kung wala kami sa mataong lugar ay malamang, sinigawan na niya ako.

“Hindi pa ako tapos kumain.” sabi ko.

“Mas mahalaga pa ba yan kesa sa gulong ginawa mo sa pamamahay ko?”

“Oo naman, kung anu-ano ang naiisip ko pag gutom.”

Tiningnan niya ako na para bang hindi makapaniwala. Ngayon lang ba siya nakakita ng taong marunong sumagot sa mga tanong niya?

Parang gusto kong matawa ng makitang pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit pa nagpupuyos na siya sa galit. Wala siyang nagawa at naupo sa tabi ko.

Para namang napaso si Karla sa kinauupuan nito at biglang tumayo. “Dadalhin ko na po itong pagkain kay Mang Gregorio, baka nagugutom na yun.”

Pagkaalis niya ay nagpatuloy na ako sa pagkain nang dalawang pirasong Spanish bread na inorder namin kanina. Inimagine ko nalang na wala akong kasama dito.

‘Ano bang gagawin ko para mapasunod ang babaeng ‘to?’ narinig kong iniisip niya.

“Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapasunod. I hate rules you know.” sabi ko sabay tingin sa gawi niya.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now