IX

2.1K 88 3
                                    

KABANATA IX

Lillies

PAGBALIK sa kwarto ay isang kakaibang halimuyak ang sumalubong sa’kin. Pagtingin ko sa bed side table ay nakita ko ang tatlong piraso ng puting lily na nakalagay sa transparent na baso at may lamang tubig.

Siguro ay dinala dito ni Karla galing sa tanim niya sa greenhouse. Gusto ko talagang ayusin ang lugar na yun. Kagaya ng flower farm ni momsie.
Hindi ako likas na mahilig sa bulaklak. Mula pagkabata ay pangangaso kasama si popsie ang naging libangan ko. Sa murang edad ay tinuruan din niya ako ng iba’t-ibang martial arts upang ipagtanggol ang aking sarili kasama na dun ang paggamit ng baril.
Bilang resulta, mas maraming oras ang naigugol ng kabataan ko kasama si popsie. Isang bagay na kinalungkot ni momsie. Para makabawi sa kanya ay pinag-aralan ko kung paano magpalago ng mga bulaklak dahil mahilig siya dun.

Sa kagustuhan kong mapaligaya ang nanay ko ay nabuo ang Nirvana Flower Farm na hango sa tunay na pangalan ni momsie. Hanggang sa hindi na lang ang mga flower shop sa Eyrie ang kliyente namin kundi pati na rin dito sa Maynila.

Bigla akong napaisip, sino kaya ang namamahala ngayon sa farm habang wala ako? Si Winter ay abala sa clinic niya sa bayan, si Spring ay iba ang trip sa buhay at hindi ang pagnenegosyo, si Autumn naman ay mas gusto pang magkulong sa Rose Villa. Si Sunny? Paniguradong abala yun sa Angeles Cuisine. Si popsie naman ay abala na sa pamamahala sa winery at vineyard nito, idagdag pa ang orchard na katatayo lang isang taon bago ako naaksidente.
Ano kaya ang mga pagbabagong nangyari sa Casa Angeles sa tatlong taon na nawala ako?

***

Kinagabihan ay ganun ulit ang naging routine namin. Pinagbihis ulit ako ni Karla ng magara para sa hapunan. Pero this time ay ako na ang pumili ng damit na susuotin ko. Isang kulay pulang off shoulder infinity dress.

“I didn’t know that red suits you that much.” puna niya ng pumasok ako sa dining area.

Inirapan ko lang siya at dumiretso sa upuan na inupuan ko kahapon. Napataas nalang ang kilay ko ng mapansing walang nakahandang plate at utensils doon.

“Come here, mula ngayon ay dito ka sa tabi ko kakain.”

Pagkasabi niya nun ay saka ko palang napansin ang plato na nakaset sa upuan sa tabi niya.

“At bakit?”

“Masyado kang malayo, kaya siguro hindi pumapasok sa utak mo ang mga sinasabi ko.”

“No thanks, baka ‘di ako makakain ng maayos pag nakita ko ng malapitan yang pagmumukha mo.” hindi ko siya pinansin at naupo sa upuan kung saan ako nakaupo kahapon.

“Sayang, may sagot pa naman na ako tungkol dun sa kapangyarihang hinihingi mo sa’kin. Ayaw mo bang malaman kung ano yun?”

Mabilis pa sa alas kwatro na lumipat ako ng upuan. Pagkalipat ay agad akong bumaling sa kanya habang nakapangalumbaba. Parang isang bata na nag-aantay sa ibibigay sa kanyang candy.

“So, what is it?”

Imbes na sagutin ako ay bumaling siya sa isang katulong na nakatayo sa malapit. Tawagin mo ang lahat ng empleyado na nagtatrabaho sa bahay na’to. Maliban sa nurse na nagbabantay kay Mommy Leticia. May mahalagang bagay akong iaanunsiyo.”

Agad namang tumalima ito. Pagkatapos ay hindi na nagsalita si Lanzer hanggang sa makumpleto ang lahat ng empleyado. Magmula sa mga maids, kusinero, driver at guards na rumoronda sa lugar. Nakita ko din ang dalawa niyang alipores na laging kasa-kasama.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now