XLIX

2K 80 0
                                    

KABANATA XLIX

Chasing the Sun

ANGELES! Nagbabalik ka ah, akala ko tuluyan ng nawalan ng batang pasaway ang bayan na ‘to.” tawag ng isang matandang pulis sa atensiyon ko. Inirapan ko lang siya na may kasamang middle finger na tinawanan niya lang naman dahil sanay na sakin.

Nandito ako ngayon sa EPD (Eyrie Police District), dahil hindi naman ako nakaranas na pumasok sa school ay ang lugar na ito na ang naging parang guidance councilor office ko habang lumalaki.

Kapag hindi ako makita ni Popsie sa kahit anong sulok ng Casa Angeles ay dito niya ako automatic na sinusundo. I wasn’t called the prodigal daughter for nothing.

Kasama ko ngayon yung lalaking naka-alitan ko sa kalsada na ngayon ay may kabilaang black eye sa mukha. Kulang pa yan, kundi dumating ang mga pulis para mamagitan ay malamang, lumpo na ang lalaking ‘to.

Paano ba yan Miss Angeles, assault na ang kaso mo ngayon, andami pang nakakita sa inyong witness. Tatawagan na ba namin si Don Ezequil?” tanong ng pulis na kumukuha ng statement samin.

Ikulong niyo yang babaeng yan! Mapanganib sa ibang tao kung malayang nakakalabas yan!” sinamaan ko siya ng tingin, agad naman siyang napamaang.

“Wala akong paki-alam, nararapat lang sa taong yan ang ginawa ko. Pinatay niya ang asawa niya at pinaghiwa-hiwalay ang katawan pagkatapos ay sinilid sa freezer ng bahay nila. Kaya nga siya nagmamadaling tumakas kanina eh.”

Tumigil ang mundo dahil sa bomba na pinakawalan ko. Maging yung lalaking nakasagutan ko kanina ay kita ang takot at pagkabigla sa mukha. Bahagya ding nanginig ang kamay nito. Paano ko nalaman ang tungkol dun? Dinig na dinig ko ang iyak ng kaluluwa ng asawa niya na nasa likod ng sasakyan niya.

“A-anong- sinungaling ka! Gumagawa lang siya ng kwento mga mamang pulis!” maang nito.

“You can check the back of his car, nandun yung ulo. Balak niya sanang itapon yun once na makarating sa boarder ng bayan para magmukhang salvage victim. I can even give you his home address nasa freezer ang lahat ng ebidensiya.”

“I-ikaw! Sino kang demonyo ka!” biglang nag hysterical ang katabi ko na sa aming dalawa siya namang totoong demonyo.

Susugurin niya sana ako kaya lang ay agad siyang napigilan ng mga pulis na malapit sa kanya at agad na pinusasan.

“Hindi ko sinasadya! Nagselos lang ako!” paulit-ulit niyang sinasabi.

"Hindi kasalanan ng asawa mo na maganda siya at marami kang insecurities sa katawan! Kung takot kang iwan ka niya, you could have treated her right."

Eyrie Series #1: Eros ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon