Chapter 1

1.1K 53 27
                                    

"MAGKANO po palamig, ate?", tanong ng estudyante na lumapit sa akin. Agad naman akong ngumiti sa kanya.

"Limang piso lang!", masiglang sagot ko sa kanya sabay sandok ng palamig at inabot sa kanya. Inabot nya naman sa kasama ko ang bayad.

"Ano na naman bang itinatambay mo dito? Wala ka bang trabaho dun sa canteen?", tanong ni Reeya sa akin habang nagbabalot sya ng hotdog sandwich. Nasa tapat kami ng simbahan, kung saan may pwesto sya ng maliit na tindahan. Napasimangot ako sa tinanong nya sa akin.

"Umalis na ako dun.", sagot ko. Nakita ko ang unti-unting paglaki ng eyeballs nya. In fact, muntik na yung lumuwa. De joke lang, malaki lang talaga ang mata nya.

"Ano?! Bakit naman??", pasigaw na tanong nya. Nagkunwari naman akong nagulat kahit na sanay na ko sa mala-mega phone nyang boses.

"Hindi ko na matagalan ang kamanyakan nung amo namin. Kinikilabutan ako kapag ako pinagluluto nya sa kusina tapos ay papasok sya dun para panoorin ako. Eeh!", kunwaring diring-diring sabi ko sa kanya. Matanda na ang amo namin na yon at lahat ng tauhan nya ay mga dalagang katulad ko. Kung hindi ko lang talaga kelangan ng pera at tutulugan eh hindi ako magtatrabaho dun. Kaso ngayon hindi ko na talaga matitiis. Ayoko na!

"Eh paano ka na ngayon nyan? Saan ka na naman matutulog?", nag-aalalang tanong ni Reeya kahit na masungit pa din ang tono ng boses. Napaisip naman ako. Saan nga kaya? Hays. Dalawang taon na din akong ganito ah? Pagala-gala. Walang permanenteng bahay at trabaho. Dapat nga nag-aaral pa ako sa edad ko kaso wala eh. Minalas.

"Bahala na.", wala sa sariling nasabi ko.

"Ayan na naman tayo sa 'bahala na' mo na yan! Eh nung huling sinabi mo saken yan, kinabukasan hindi ka na nagpakita. Halos isang buwan kang hindi nagpakita. Nalaman ko na lang na nandoon ka sa canteen na yon!", mahabang sermon ni Reeya. Natawa naman ako. Parehong-pareho sila ng nanay nya kung manermon. "Kung pwede lang kitang isama sa bahay. Kaso alam mo na. Ang nanay ko! Jusko, ang bunganga.", dagdag nya pa na parang nabasa ang nasa isip ko. Lalo akong natawa. Tiningnan nya ako ng masama kaya pilit kong pinigilan ang tawa ko.

"Ayos lang, ano ka ba? Naiintindihan ko din naman ang sitwasyon nyo.", sabi ko. Patay na ang tatay nila Reeya at ang nanay nya naman ay naglalabada. Yung bahay naman nila ay napakaliit din, nakakahiya kung makikisiksik pa ako. Isa pa, hindi sa kanila ang lupa kaya natatakot din silang kahit anong oras ay mapaalis dun. "Makakahanap din ako ng paraan.", dagdag ko pa. Maya-maya ay may nakita kaming lalaking tumatakbo galing sa loob ng simbahan. Kasunod non ay isang babae na sumisigaw.

"Jusko, magnanakaw! Ang bag ko!", sabi nung babae. Napatayo ako. Palapit sa amin ang lalaking tinawag na magnanakaw. Dala-dala nito ang isang leather na shoulder bag. Nang tuluyan itong makalapit ay pinatid ko ito dahilan para madapa ito.

"Tang ina ka ah!", mura sa akin nung magnanakaw at aktong tatayo pero agad kong sinipa ang pwet nito. Nangudngod ito sa sementong kalsada. Hinablot ko ang bag na hawak nito at napatid ang manipis na kulay gintong sling nito. Oops! "Ibalik mo yan!", sabi nung lalaki na ngayon ay nakatayo na.

"Oo naman, ibabalik ko 'to! Hindi naman ako magnanakaw tulad mo 'no!", sigaw ko dito at tsaka hinampas ang bag sa mukha nito. Sumugod pa ito pero mabilis akong napayuko at pagtayo ko ay sinapak ko agad sya sa mukha. Natumba sya at bago pa makatayo ulit ay may dumating ng dalawang pulis. Kasunod ng mga ito ang babaeng may-ari ng bag. "Bag nyo po.", sabi ko sabay abot sa kanya ng bag nya.

"Naku, salamat hija!", ngiting-ngiting sabi ng babae. Mukhang mayaman ang babae at kahit na may edad na ay maganda pa din ang balat at mukha nito. Alagang Belo, sosyal!

"Eh pasensya na po, nasira ko yung sling.", sabi ko. Umiling naman agad ang babae.

"No, it's okay! Anong pangalan mo, hija?", tanong nya sa akin pero bago pa ako makasagot ay sumingit na si Machine Gun Reeya.

"Holy!!! Ano ka ba naman?! Sawa ka na ba talaga sa buhay mo? Jusko! Hindi naman porket wala ka ng trabaho at matitirhan eh magpapakamatay ka na! Ano ka ba?! Lagi ka na lang ganyan! Nakikisali ka sa gulo ng may gulo! Hay naku, ewan ko sayo! Maloloka ako sayo!", mahabang sermoooon nito.

"Ano ba, Reeya? Ang ingay mo! Nakakahiya o.", saway ko sa kanya sabay pasimpleng nguso sa babae na nakatingin lang naman sa amin. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

"Holy. Yun ba ang pangalan mo?", tanong ng babaeng tinulungan ko. Tumango naman ako. "At wala ka ng trabaho at matitirhan?", tanong ulit nito.

"A-ah. Opo.", natatawang sabi ko at pasimpleng siniko si Reeya na nasa tabi ko. Maya-maya ay may kinukuha babae mula sa bag nya. "Ay naku, madam. Wag na po. Wala pong kapalit ang pag--" hindi ko na naituloy ang litanya ko nang iabot nya sa akin ang calling card nya. Tsk, akala ko naman pera na! Joke!

"Calling card ko yan, hija. Tawagan mo ako o kaya puntahan sa address na yan. Matutulungan kita.", sabi nya. Pagkatapos ay may nag-park na itim na kotse sa tabing kalsada. Bumaba ang driver non at binuksan ang pinto sa back seat. Agad na sumakay doon si madam at kumaway pa muna bago tuluyang umandar ang kotse palayo.

"Wow, big time! Ganda ng kotse!", sabi ni Reeya. Sinundan nya pa ng tingin ang kotse hanggang sa mawala iyon sa paningin namin pareho. "Amanda Delco. Delco? Hindi ba't yan yung may-ari ng sikat restaurant na Delco's Kitchen?", tanong nya nang mabasa ang pangalan na nasa calling card.

"Oo, pati mga hotels ay meron din sila.", sagot ko. Alam ko dahil ilang beses din kaming nagpunta doon dati ng pamilya ko. Napabuntong-hininga ako sa naalala ko.

"O? Big time talaga! Matutulungan ka daw nya, baka bibigyan ka ng trabaho! Grab mo na yan!", excited na sabi nya. Naagaw naman non ang atensyon ko at napangiti ako sa ideya na yon. Magandang opportunity 'to kung gano'n. Tama, pupunta ako dito at magkakaroon ako ng bagong trabaho, sa isip ko habang nakangiti at pinipitik-pitik ang calling card.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now