Chapter 36

161 10 36
                                    

Chance
NAKATAYO ako sa hallway ng building namin at nakatanaw sa ground floor. Kitang-kita ko lahat ng students na naglalakad papunta sa mga buildings nila. I was about to get in class nang makita ko si Holy na naglalakad. My heartbeat stopped for a moment.

Sya ba talaga yan? Namamalik-mata ba ko?

Napangiti ako. Ang akala ko hindi ko na sya makikita ngayon! Tsk. Nagdrama pa ko kagabi, eh mukhang hindi naman sya lilipat ng school. Masaya na sana ako pero biglang nagbago ang mood ko nang makita ko si Harold na kasabay nyang maglakad. Nagtatawanan pa sila, mukhang masayang-masaya sila. Bakit naman magkasama sila?? Hinintay ko silang makaakyat sa floor namin at nang makarating sila ay dinig na dinig ko pa ang tawanan nila.

"Chance.", bati sa akin ni Harold. Tinanguan ko lang sya pero kay Holy ako nakatingin.

Tumingin din sya sa akin pero nawala na ang ngiti sa mukha nya. What? Kapag ako ang nakita, nalulungkot sya? Samantalang kanina tawa sya ng tawa. Tsh. Inis akong tumalikod at iniwan silang dalawa. Pumasok ako sa classroom at nakasimangot na umupo sa upuan ko. Maya-maya lang ay kasunod ko na ang dalawa.

Nakatingin sa akin si Holy na parang nagtataka nung maupo sya sa tabi ko pero hindi ko na sya pinansin. Dumating na ang teacher na magbibigay ng exam namin. After nya ibigay ang unang questionaires ay nag-focus na lang ako sa pagsagot.

I can't let her distract me! Pero after saying that to myself ay automatic akong napatingin kay Holy. Sakto naman na inaabutan sya ni Harold ng questionaires at nakita kong nagdikit ang mga daliri nila. Sinamaan ko sila ng tingin pero wala ni isa sa kanila ang nakatingin sa akin.

Badtrip! Halos mapunit ang papel na sinusulatan ko ng sagot sa sobrang pagka-badtrip ko sa kanila.

Bakit ba gano'n sila mag-ngitian at magtinginan? At bakit sila magkasama kanina? Magkasabay din ba silang pumasok? Tsk! Gusto kong lukutin ang papel na hawak ko at ibato sa mukha ni Harold kasama ang ballpen!

Mabilis na lumipas ang oras na dalawang exam na ang natapos. Break time na muna at pagkatapos ay dalawang exam ulit. Hinihintay kong ayain ako ni Holy sa cafeteria but guess what? She didn't invite me! As usual, si Harold at Cristina na naman ang kasama nya.

Nauna na silang bumaba sa akin. Inis na bumaba na din ako at nang makarating sa cafeteria ay nag-order agad ako ng pagkain. Umupo ako sa usual spot ko, which is dun sa single table. Far from Holy's seat. I didn't dare to look at them kasi alam ko na ang makikita ko. Naiinis ako dahil oo, nagseselos ako.

She knows that I like her at akala ko ay maliwanag kong pinarating sa kanyang nagseselos ako kay Harold. I don't want her near him! Pero bakit ganyan pa sila kaclose ngayon? Tsk. Sinasadya nya ba yan? Masaya akong dito pa din sya mag-aaral pero sana pala nag-transfer na lang sya. Nang hindi ko sila nakikita na ganyan ni Harold.

Nasasaktan ako.

"Do you mind me sitting here?", maya-maya ay tanong ng isang babae. Napaangat ako ng tingin. It's Jessa.

Tumango lang ako. Pang-dalawahan naman yung 'single table' pero ewan ko ba why it's called like that. Umupo na si Jessa at nagsimula na din kumain.

"Why aren't you with them?", tanong nito na ang tinutukoy ay sila Holy.

"They're not really my circle of friends.", seryosong sagot ko habang kumakain.

"It seems like you don't have friends here, anyway.", sabi nya naman. Tumingin ako ng masama sa kanya pero hindi naman sya natinag. "I could be a friend.", nakangiting sabi nya.

Pero hindi ko gusto ang pagkakangiti nya. It's flirty and I don't like it.

"I could be friends with anyone... kung gugustuhin ko. And if we're not friends that means I'm not interested.", I said coldly. Lalo naman lumawak ang pagkakangiti nya.

"Interesting. I like that attitude.", sabi nya.

Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy na lang ako sa pagkain. Napasulyap ako sa gawi nila Holy at nakita kong nakatingin sya sa amin. Seryoso ang mukha nya.

Medyo nagulat pa ako kaya bigla akong napaayos ng upo. Pero nang makita nyang nakatingin ako ay iniwas nya na ang tingin nya at nakipag-kwentuhan na lang ulit kina Harold at Cristina. Nanlulumo naman akong bumalik sa pagkain. Pero wala na akong gana kaya naman tumayo na ako.

"Where are you going?", tanong ni Jessa na tumayo na din.

"None of your business.", sabi ko. Pero sumunod pa din sya sa akin.

"Let me come with you.", sabi nya.

Hindi ko sya pinansin pero hanggang makalabas kami ng cafeteria ay nakasunod pa din sya. Lumapit pa sya sa akin at halos idikit na nya ang sarili nya sa akin habang naglalakad.

"I'll go to the comfort room, okay?", iritang sabi ko. Pero lalo naman syang dumikit.

"Can't you let me go with you?", tanong nya.

"What?!", gulat na tanong ko sa kanya.

"You know... we can--"

"Shut up, okay? Get away from me. I am not interested in you. And please respect yourself.", sabi ko sabay lakad ng mabilis para hindi nya na ako mahabol.

Hindi ako ganito ka-snob na tao pero that's something I hate the most. Yung flirt. Yung dikit ng dikit! And I can't believe Jessa to be like that! Tsk.

Holy
HINDI ko alam, pero parang galit sa akin si Chance. Hindi nya ako pinapansin at kapag nakikita ko syang nakatingin sa akin eh nakasimangot naman sya o kaya eh masama ang tingin.

Ano bang problema nun?

Baka galit sya dahil hindi ko agad sinabi na malapit lang ang nilipatan namin at hindi naman pala ako lilipat ng school. Yun nga kaya?

Kaninang break time, aayain ko sana syang sabay kaming kumain kaso naunahan naman akong ayain ni Harold. Alam kong badtrip sya kay Harold kaya hindi ko na lang sya inaya pa.

Tapos nung nasa loob ng cafeteria, lalapitan ko sana sya kaso nakita kong lumapit sa kanya si Jessa. Mula sa pwesto namin ay kitang-kita ko si Jessa na masayang nakikipag-kwentuhan sa kanya. Bigla akong nalungkot at nainis din dahil sa pag-ngiti sa kanya ni Jessa.

Nung makita ni Chance na nakatingin ako sa kanila, nagulat pa sya. Alam mo yung nahuling may kalokohan na ginagawa? Gano'n ang itsura nya. Gano'n yung gulat sa mukha nya.

Hinintay kong lumapit sya sa akin pero nung tumayo sya, dumiretso sya sa labas ng cafeteria. At kasunod nya pa si Jessa! Naiinis na sinundan ko sila pero nagulat ako na habang naglalakad sila palayo ay halos magkadikit na silang dalawa. Nakangiti pang tumingin sa kanya si Jessa. Ewan ko kung ngumiti din si Chance sa kanya o ano pero hindi ko na tiningnan pa. Nanginginig ang mga kamay na bumalik ako sa table namin.

Ngayon nandito na ulit kami sa classroom. Ramdam ko ang bawat tingin nya pero hindi ko sya nililingon. Naiinis ako. Pagkatapos nyang sabihin na gusto nya ako, makikipaglandian sya ng gano'n sa ibang babae? Naiinis ako dahil nasasaktan ako.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now