Chapter 45

119 6 3
                                    

Holy
"MALAKING problema nga yan.", sabi ko sabay palatak pagkatapos magkwento ni Reeya. Pinapalayas na pala silang lahat na nakatira sa lugar nila dahil gagamitin na daw ng may-ari ang lupa na yon.

"Kaya nga eh. Hindi pa nga alam ni nanay dahil ako ang nakausap nung tauhan ng may-ari. Di ko alam kung paano sasabihin.", sabi nya na nakasimangot.

Naawa naman ako sa kanya. Ang dami na ngang pahirap sa buhay nila, mawawalan pa sila ng bahay. Saan na sila titira nyan? Tsk. Eh hindi naman sila pwedeng tumira dito sa tindahan. Napakaliit nito.

"Di bale, tingnan ko kung anong magagawa ko.", sabi ko sa kanya.

"Ano namang gagawin mo?", tanong naman ni Reeya.

"Titingnan pa nga eh, di ba? Tsk.", sagot ko. Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan nang maalala ko si Chance. "Teka, silipin ko lang si Chance baka kung saan na nagpunta.", paalam ko.

"Sige.", sabi nya at lumabas na ako.

Di naman kalayuan yung pinag-paradahan nya ng kotse kaya agad ko syang natanaw. Sino yung kasama nya? Sandali ko pa silang pinagmasdan. Dalawang estudyante ang kausap nya, mukhang nagtatanong dahil may ipinakita ang isang babae sa cellphone nya tapos ay may itinuro si Chance.

Pero nagulat ako nang biglang hablutin nila pareho ang braso ni Chance. Hinihigit ni Chance ang braso nya pero makulit ang dalawang babae. Bigla akong nakaramdam ng inis. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila.

"Anong meron?", inis na tanong ko. Pinag-halukipkip ko ang dalawang kamay ko para maitago iyon. Nanginginig ang mga kamay ko sa inis! Pare-pareho naman silang nagulat sa pagdating ko.

"H-holy. Nag... nagtatanong lang sila.", sabi ni Chance.

Nagtatanong lang pero nauutal ka pa sa pagpapaliwanag? Tsk.

"Opo, ate. Nagtatanong lang.", sagot ng maliit na babae.

"Alisin nyo ang kamay nyo.", seryosong sabi ko. "Ngayon na.", dagdag ko nang hindi agad gumalaw ang dalawang babae. Unti-unti naman silang lumayo. Aalis na sana sila nang bigla ko silang tawagin.

"P-po?", halatang kabado ang isang 'to. Napangisi ako.

"Tingnan nyo ang mukha ng lalaking yan.", sabi ko.

Tumingin naman sila. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Chance pero seryoso akong nakatitig lang sa kanya.

"Next time na makita nyo sya, wag nyo na syang lalapitan. Okay?", sabi ko. Tumango naman ang dalawang babae. Sinenyasan ko silang umalis na at gano'n nga ang ginawa nila.

"Holy...", tawag sa akin ni Chance nang akmang aalis na ko.

"Magpapaalam lang ako kay Reeya.", sabi ko at dire-diretsong bumalik sa tindahan. "Uuwi na ako. Balik na lang ako siguro bukas. Wala naman na kaming exam eh.", paalam ko kay Reeya.

"Sige. Mag-ingat kayo.", sabi nya.
---

TAHIMIK kami habang nasa sasakyan. Si Chance na ang naghatid sa akin sa mansion pero nakasunod kami kay Punch dahil hindi pa naman alam ni Chance kung saan kami nakatira. Pumasok na kami sa mataas na gate at nang tumapat kami sa mansion ay agad akong bumaba mula sa kotse nya.

"Salamat.", sabi ko. Kinuha ko sa kamay nya ang cake at rose na bigay nya kanina at papasok na sana sa loob nang magsalita sya.

"G-galit ka ba?", tanong nya sa akin. Bumalik ako sa harap nya at tumingin sa kanya.

"Mukha ba akong galit?", tanong ko. Napalunok pa muna sya bago sumagot.

"Yung kanina--"

"Ayokong may dumidikit sayo ng gano'n.", diretsong sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin yun pero nasabi ko na eh. Kita ko naman sa mukha nya na parang nagulat sya sa sinabi ko.

"Nagseselos ka ba? Dun sa mga batang yun?", natatawang sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman sumeryoso sya ulit.

"Alam mo bang gusto ko ng baliin ang mga payat nilang kamay kanina? Gusto mong sayo ko na lang gawin?", inis na tanong ko sa kanya. At natawa ulit sya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"Kahit ilan pa ang dumikit sa akin ng gano'n, ikaw pa din ang gugustuhin ko.", bulong nya sa akin. Para namang napakalma ako ng mga sinabi nya. Unti-unti akong kumawala sa kanya at lumayo.

"Umuwi ka na.", sabi ko sa kanya.

"Hindi ka na galit?", tanong nya pa. Umiling lang ako. "Galit ka pa din eh.", sabi nya at akmang lalapit ulit. Pero pinigilan ko sya.

"Hindi na ako galit, okay? Sige na, umuwi ka na.", sabi ko. Ngumiti naman sya at unti-unting naglakad patalikod.

"Sana gano'n ka lagi.", nakangiting sabi nya. Napakunot noo naman ako.

"Anong gano'n?", takang tanong ko.

"Yung gano'n. Sinasabi mo kung anong ayaw mo. Pinapakita mo yung nararamdaman mo para sa akin.", paliwanag nya. Napaisip ako, hindi ba ako gano'n?

"Sige na, ang dami mong sinasabi.", sabi ko.

"Kita tayo bukas, my love.", sabi nya.

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya. My love. Tinawag nya na akong gano'n sa phone pero iba pala ang dating pag sa personal. Hindi ko na napigilan mapangiti sa kilig.

"Mag-ingat ka sa pagdadrive.", sabi ko. Sumakay na sya sa kotse nya at nag-drive na paalis. Nakangiti akong pumasok sa loob. Habang nag-iisip... simula ngayon, hindi na ako matatakot ipakita ang nararamdaman ko para kay Chance.
---

"ARE you and Chance dating?", tanong ng isang boses bago pa ako makatapak sa hagdan. Lumingon ako at nakita ko si Maddi sa may bintana. At sa itsura ng mukha nya ay tingin ko, nakita nya kami ni Chance kanina sa labas. "I'm asking you a question.", ulit nya. Bumuntong-hininga ako.

"Parang gano'n na nga.", sabi ko.

Kumunot ang noo nya at dahan-dahang lumapit sa akin. Tumigil sya isang metro ang layo sa sakin at tiningnan ako mula paa pataas sa mukha ko. Tipong nang-iinsulto ang tingin nya.

"I can't see anything special about you.", nakangising sabi nya.

"Look, Maddi. Ayokong makipag-talo sayo. Pamilya na tayo ngayon. Dapat magkasundo tayo.", mahinahong paliwanag ko sa kanya. Pero hindi nagbago ang expression ng mukha nya.

"Inagaw mo si Chance and you expect na maging magkasundo tayo? Ha ha ha. Nagpapatawa ka ba?", pilit ang tawang sabi nya. Umiiling lang ako.

"First of all, hindi ako nagpapatawa. Second, sayo ba?", tanong ko.

"What?!", inis na tanong nya.

"Inagaw ko si Chance? Bakit, sayo ba?", ulit ko.

At lalo syang nainis. Humakbang sya palapit na nakakuyom ang mga palad. Agad naman akong umatras. Ayokong magkasakitan kami.

"You... you will regret entering our lives.", mariing sabi nya.

"Magpapahinga na ako.", sabi ko at umakyat na sa taas papunta sa kwarto ko.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now