Chapter 56

107 4 0
                                    

Maddilyn
GUSTO kong matawa sa itsura ni Chance kanina nang makita nya akong palabas ng bahay namin. I wonder what he was thinking? Iniisip nya ba na aawayin ko sila dahil nakita kong magkasama sila? Natawa ako mag-isa habang nagda-drive ako. Well, ayokong masira ang outfit at mood ko tonight. I don't want any fight.

"Ahh, I know.", maya-maya ay sabi ko sa sarili ko.

Akala nya siguro ay sasabihin ko kay Holy yung tungkol sa bar. Silly. I don't care about that. I was just playing with him last night. I didn't know he'll take it seriously. At isa pa, kitang-kita ko din naman kung paano syang nilalandi nung babae at kung paano sya umiwas doon. I know him too well. Alam kong hindi sya gano'n klase ng lalaki na makikipaglandian lang kung kani-kanino.

After a while, nakarating na ako sa bar na pagkikitaan namin ng mga kaibigan ko. Nope, not my school friends. Other friends. Dumiretso ako sa VIP room na kinuha nila and they all smiled at me when they saw me enter the room.

"There goes our star.", bati sa akin ni Alpha.

Yes, si Alpha Roy Riva. Isa sya sa mga sikat na model sa agency namin. At kaibigan ko sya. Well, you can scratch that. He is a suitor. Matagal na syang nanliligaw sa akin kahit ilang beses ko na syang binasted. I don't know, there's something about him that makes me say 'no' everytime. It's not about Chance. God, I don't care about him anymore. But I don't know, maybe Alpha isn't just my type.

"What's with the sudden meet-up?", tanong ko nang makaupo sa red velvet sofa na nandoon. Sampung tao kami na nandoon but it's roomy so ako lang mag-isa ang nasa sofa na yun.

"Nothing special. We just wanna hang-out.", sabi ni Julius sabay pasa ng isang stick. I gladly take it and smoke. It's not a regular cigarette. It's marijuana.

Maya-maya pa nga ay halos mapuno na ng usok ang buong kwarto. Lahat kasi kami ay gumagamit nito.

"So, do you remember this Riovann we met last weekend?", tanong sa akin ni Alpha. Tumango lang ako. "I have his 'package' ready ang kaso ay may isa pa syang request.", sabi nya.

"What?", tanong ko. Matagal syang tumitig sa akin at medyo kinabahan ako.

"Gusto nyang ikaw ang magdala.", sabi nya. I was stunned for a while. And then napahalakhak ako.

"Me?!", natatawa pa din na tanong ko. Natawa din naman si Alpha.

"Well, he's a fan of you.", sabi nya. Maya-maya ay sumeryoso ang mukha ko.

"I'm not one of your henchman, Alpha.", sabi ko. Unti-unti din na nabura ang ngiti sa mukha nya.

"Maddi, nakapangako na ako na ikaw ang magdadala. They already paid for it. I can't say no.", sabi nya.

Ngumiti ako ng mapait at kinuha ang sling bag ko na nasa upuan. Akmang aalis na ako nang magsalita sya ulit.

"If you don't do this, your career will be ruined. I'll also make sure your mom knows about all of these.", banta nya. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

Ngumisi sya at tila nag-iba ang paningin ko sa kanya. Is this really happening? Is he really saying these things to me? Is he really this kind of person? Nagsimulang gumulo ang utak ko at nang tumingin ako ulit kay Alpha ay nag-iba ang mukha nya.

Mukha syang demonyo na may mahabang sungay! Tumingin ako sa iba pa naming kasama at gano'n din sila. Natakot ako! Nagmamadali akong lumabas ng VIP room at tumakbo sa kotse ko.
---

Holy
"NAKAKAANTOK naman yung bago nating teacher.", sabi ni Niko nung makalabas ang substitute teacher namin sa English. Nag-file kasi ng leave yung teacher namin. At yung pumalit, sobrang lamya magturo.

"I just hope bumalik agad ang teacher natin. That substitute is so boring.", sabi ni Clara. Natatawa naman na nakikinig lang ako sa kanila.

"Tara na, Holy. Let's eat na sa baba.", yaya sa akin ni Cristina.

"Tara.", sabi ko.

Kasunod namin si Harold at Chance na naglalakad papunta sa cafeteria. Nang makarating ay agad na nag-order kami ng pagkain. Habang kumakain kami ay may lumapit sa amin na matangkad na babae.

Sa tingin ko ay magkasing-tangkad kami. Payat sya at maputi. Mahaba ang straight nyang buhok. Maliit ang ilong nya at mata. At ngayon ko lang sya nakita.

"Hey, dito ka pala nag-aaral, Chance?!", sabi nya kay Chance. Pare-pareho kaming nagulat sa kanya dahil ang lakas ng boses nya.

"J-joyan??", gulat na tanong ni Chance.

"I'm glad you remember me. Bigla--"

"What do you need?", putol ni Chance sa sinasabi nito. Napangiti lang naman ang babae.

"Well, I just wanna say hi.", sagot nung Joyan. Tumingin sya sa amin isa-isa nila Harold at Cristina. Huli syang tumingin sa akin at ngumiti ng pilya. "Hello.", sabi nya sa akin.

"Hi.", nakangiti din na bati ko sa kanya.

"So... I've said hi. Una na ko.", sabi nya at naglakad na papunta sa isang grupo ng estudyante. Pare-pareho silang seniors tulad namin base sa uniform nila.

"Sino yun?", takang tanong ni Harold.

Napalingon ako kay Chance dahil sa tanong nya. Para syang biglang pinag-pawisan.

"S-si Joyan. Uh, kaibigan ni Jax.", paliwanag nya. "You know him, right?", tanong nya sa akin. Tumango naman ako.

"I know him too. Yung model, right?", tanong ni Cristina.

"Yes!", sagot nya. "Bilisan natin kumain. Baka mag-bell na.", pag-iiba nya sa usapan.

Hindi rin sya makatingin ng diretso sa akin. May iba akong nararamdaman pero hindi ko iyon pinansin. Nagtuloy na lang ako sa pagkain.

Chance
BUONG oras ng klase, nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung bakit sa dami-dami ng schools dito sa Manila eh dito din pala nag-aaral yung Joyan na yun! Akala ko pa naman maibabaon ko na sa limot yung gabing yun!

Tsk. Paano ngayon kapag nalaman ni Holy? Kapag sinabi ni Joyan kay Holy? Anong gagawin ko?

"May sakit ka ba?", tanong ni Holy. I almost jumped out of my seat nang hawakan nya pa ang noo ko. Nagulat din sya.

"W-wala. I'm fine.", sabi ko. Uwian na pala. Hindi ko man lang narinig na tumunog yung bell. "Ihahatid na kita.", sabi ko kay Holy. Tumayo na din ako at dinampot ang bag ko.

"Wag na. Umuwi ka na at magpahinga ka. Mukhang hindi maganda pakiramdam mo eh. Namumutla ka pa.", nag-aalalang sabi nya.

Parang may kumurot sa puso ko. Nagi-guilty ako. She's this kind to me tapos ako? I'm lying to her.

"Gusto mo kami na ni Punch ang maghatid sayo?", tanong nya pa. Mabilis akong umiling at pilit na ngumiti.

"No. It's okay. Kaya ko naman.", sabi ko. Maya-maya pa ay nasa parking lot na kami.

"Sigurado ka bang kaya mo?", tanong ulit sa akin ni Holy. Tumango ako.

"I'm sure. I'll see you tomorrow.", sabi ko. Sumakay na sya sa kotse nila at bumusina pa si Punch bago pinaandar palabas ang sasakyan. Kumaway lang ako sa kanila.

"Is she the girl?", tanong ni Joyan mula sa likod ko. Inis na humarap ako sa kanya.

"What do you want?!", tanong ko sa kanya.

"Wala naman. I just want to make friends with you and her. It looks like she doesn't know what we did sa bar.", nakangising sagot nya. Lalo naman akong nainis.

"Look, nothing ever happened between us sa bar.", sabi ko sa kanya. I turned and was about to go to my car nang magsalita sya ulit.

"But these pictures...", sabi nya. Napalingon ako at may hawak syang envelope. "They tell a different story.", patuloy nya.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now