Chapter 26

181 16 5
                                    

PAGKATAPOS namin mamili ay nagsabi ako kay Chance na dumaan muna kami sa tindahan nila Reeya. Pumayag naman sya. Pero pagdating namin doon ay sarado ang tindahan nila. Mukhang sinunod pa ang sinabi ko na ang tindahan ang isara ah. Tsk.

"May lakad ka ba ngayon?", tanong ko kay Chance habang nakapark kami sa saradong tindahan. Umiling naman sya.

"Wala na, bakit?", nagtatakang tanong naman nya.

"Okay lang ba na sa bahay nila Reeya tayo pumunta?", tanong ko sa kanya.

"Sure.", walang reklamong sagot nya. Itinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay nila Reeya. Ilang kanto lang naman ang layo mula sa simbahan.

Pero pagdating mismo sa eskinita ng bahay nila Reeya ay hindi na magkakasya ang kotse ni Chance kaya naman bumaba na ako para maglakad. Agad naman na bumaba din si Chance.

"Dyan ka na lang.", sabi ko sa kanya nang akmang susunod sya sa akin.

"Ha? Eh paano ka?", nag-aalalang tanong nya.

"Wag kang mag-alala. Kilala ako ng ibang tambay dito at mababait naman sila. Kaso hindi ko alam mangyayari sa kotse mo kapag iniwan natin kaya dyan ka na lang.", nakangiting sabi ko sa kanya. Kita kong nagdadalawang-isip pa din sya pero pumayag na din dahil wala naman syang choice.

"Mag-ingat ka.", paalala pa nito. Tumango naman ako.

"Mabilis lang ako.", sabi ko tsaka naglakad papasok sa eskinita.

Tabi-tabi ang mga bahay na nandoon at sabit-sabit ang mga wire ng kuryente. Maraming bata ang nasa kalsada na naglalaro pero marami ding mga matatanda na nagsusugal sa gilid-gilid.

"Uy, Holy. Mukhang big time ka na ah?", tanong nung isang tambay na nakikilala ko lang sa mukha.

"Hindi naman.", sabi ko pero tuloy pa din sa paglakad.

"Holy, gumanda ka lalo.", pambobola pa nung isa.

"Ate Holy, libre naman dyan.", sabi pa nung isang bata. Inabutan ko sya ng dalawang singkwenta.

"O ikaw na manlibre sa mga kalaro mo.", sabi ko at dire-diretso ng naglakad papunta sa bahay nila Reeya. Nakasarado ang pinto nila pagdating ko dun.

Nakakapagtaka, hindi naman nagsasarado ng pinto ang mga ito kapag may araw dahil mainit sa loob eh, nagtatakang isip ko. Kumatok ako sa pinto at tumawag.

"Tao po! Tao po!", pero walang nagbubukas. Ni wala nga yatang kumikilos sa loob. "Reeya! Si Holy 'to!", sigaw ko pa pero wala pa din.

"Uy, Holy ikaw pala yan. Mukhang sosyal ka na ngayon ah!", sabi ni ate Thelma mula sa kabilang pinto. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Wala po bang tao dito?", tanong ko turo-turo ang pinto ng bahay nila Reeya. Sumimangot naman ito.

"Naku, wala. Kaninang umaga eh dinala sa ospital ang nanay nya. Malamang andon din ang magkapatid.", sagot nito. Kinabahan naman ako sa sinabi nya.

"Po? Saang ospital daw po?", tanong ko.

"Yun ang hindi ko alam.", sagot nito.

"Sige, salamat, ate Thelma.", sabi ko.

Habang naglalakad palayo ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at mabilis na dinial ang number ni Reeya. Mga ilang ring pa bago nya sagutin.

"Saang ospital?!", tanong ko agad nang sagutin nya.

"H-holy...", parang naiiyak na usal ni Reeya.

"Itext mo sa akin kung saang ospital.", sabi ko dahil alam kong isang salita pa eh tuluyan na syang iiyak. "Tsaka na tayo mag-usap pagdating dyan.", dagdag ko pa.

"S-sige.", mahinang sabi nya. Pinatay ko na ang tawag at mabilis na tumakbo papunta sa labas ng eskinita.

"Why? What happened?!", gulat na tanong ni Chance nang makita akong humahangos.

"Si Reeya... basta, tara sa ospital!", sabi ko. Agad kong binuksan ang passenger seat at sumakay doon. Sumakay na din si Chance at mabilis na nag-drive papunta sa ospital na tinext sa akin ni Reeya.
---

SINABI din ni Reeya sa text kung saan sila naghihintay kaya naman pagdating sa ospital ay madali namin silang nahanap. Nakita ko silang dalawang magkapatid na nakaupo sa waiting area. Mugto ang mata ni Josa samantalang si Reeya ay salo ng dalawang kamay ang ulo na nakayuko.

"Reeya! Josa!", tawag ko. Pareho silang napatingin sa akin. Nakita kong mugto na din ang mata ni Reeya.

"Ate Holy.", mahinang sabi ni Josa at tumayo pa para salubungin ako. Pero nang makalapit ako ay inakay ko din sya paupo.

"Anong nangyari??", nag-alalang tanong ko. Napahinga muna ng malalim si Reeya bago nagsalita.

"Pneumonia daw eh.", sabi nya at nagsimula ng pumatak ang luha. "Okay naman na si nanay pero kung hindi daw naagapan eh pwede nyang ikamatay.", paliwanag pa nya. Niyakap ko sya at nagtuloy-tuloy naman sya sa pag-iyak.

"Hindi ko na alam anong gagawin eh. Nung nagkasakit si nanay hindi ko alam pano kami kakain sa araw-araw. Tapos 'eto pang mga gamot. Bayad sa ospital, private pa naman yata 'to.", sabi nya maya-maya nung humiwalay sa akin at medyo kalmado na.

"Dito kasi pinakamalapit kaya dito nadala si nanay eh.", sabi naman ni Josa.

Nag-alala din ako. Kahit ubusin ko ang allowance na nasa ATM ko, baka hindi pa din sapat yun pambayad sa hospital bills. Nakakahiya naman mangutang kay mom. Tsk!

"Don't worry about the bills. I'll help.", sabi ni Chance na hindi ko namalayan na nasa likod ko pa pala. Akala ko umuwi na sya eh.

"Naku, Chance. Wag na. Wala din akong ibabayad--", tanggi ni Reeya pero pinutol ni Chance ang sasabihin nya.

"No. Please. I insist. I want to help.", sabi nya. "I'll call my ninang as well. She's a doctor here. Excuse me.", dagdag nya pa at lumayo sa amin.

Nakita kong kinuha nya ang cellphone nya at may tinawagan. Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan sya habang may kausap sa cellphone nya. Akalain mong may ganitong kabaitan pala 'tong tinatago, sa isip ko. Napapangiti pa ako pero natauhan din ako nang marinig ko ang pag-singhot ni Reeya.

"Nakakahiya naman, Holy.", sabi ni Reeya habang nagpupunas pa ng mata.

"Tigilan mo na yang hiya mo.", sabi ko. "Isa pa, pare-pareho tayong walang pera. Hulog ng langit sa atin si Chance ngayon.", natatawang sabi ko. Napangiti naman kahit papano si Reeya.

"Baka hulog ng langit sayo.", biro pa nito.

"Ayan. Dyan ka magaling eh!", biro ko din sa kanya. Kanina iiyak-iyak tapos ngayon nang-aasar na. Magaling!

"I just talked to my ninang. Kaibigan nya pala ang tumingin sa mom mo.", sabi nya kay Reeya pagkatapos ay tumingin sa amin isa-isa. "She assured me that he's a good doctor and will take care of the patient.", dagdag nya pa. Sabay pang napabuntong hininga ang magkapatid. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Salamat, Chance. Thank you talaga ng marami.", sabi ni Reeya na maiiyak na naman. "H-hindi ko na talaga alam ang gagawin kung hindi k-kayo dumating.", sabi nito nang bumaling sa akin. Naiilang na ngumiti sa kanya si Chance at niyakap ko naman ulit sya.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon