Chapter 27

171 16 9
                                    

GABI na din nang umalis kami sa ospital. Sinamahan muna namin sila Reeya doon dahil tatlong araw pa daw mag-stay doon si aling Lily para siguradong makapagpahinga ng mabuti. Binilhan na din namin sila ng pagkain at bago pauwi ay iniwanan na lang namin ng pambili ng gamot. Ang hospital bills naman ay inasikaso na agad ni Chance.

"Are you okay?", tanong sa akin ni Chance habang nagda-drive sya. Napaigtad pa ako nang magsalita sya.

"O-oo, okay lang. Hehe.", pilit ang tawang sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Eh bakit natutulala ka dyan?", tanong nya ulit. Napabuntong-hininga ako at muling humarap sa kanya.

"Iniisip ko lang kung anong maitutulong ko kina Reeya.", sagot ko.

"Tinutulungan naman natin sila ah?", nagtatakang tanong nya. Umiling ako.

"Ikaw lang yun eh. Wala akong maitulong, wala naman kasi akong pera.", malungkot na sabi ko. "Pag ganito kasi pera talaga ang kelangan.", dagdag ko pa. Natawa naman ng mahina si Chance.

Chance
HINDI ko napigilan ang hindi matawa sa narinig ko kay Holy. Pero agad ko din yung binawi nang makita kong masama ang tingin nya sa akin.

"Sorry. It's just that you are funny sometimes.", sabi ko na pinipigilan ang tawa. Nangunot naman ang noo nya na parang nagtatanong. "Do you remember those days na kelangan ko ng kausap? Karamay. That's what your friend needs the most today. And you gave it to her.", nakangiting paliwanag ko. Unti-unti naman nawala ang pagsimangot nya pero seryoso pa din ang mukha na tumingin sa daan.

"Parang hindi pa sapat eh.", mahinang sabi nya.

"Ano pang kulang?", tanong ko na nasa daan din ang tingin.

"Tsk! Yun nga--"

"Hospital bills are settled. What else?", putol ko sa sasabihin nya. "Tell me what else. Kung anong kulang mo, pupunuan ko para sayo.", seryosong sabi ko.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na lumingon sya sa akin pero agad ding tumingin sa daan ulit. Pagkatapos ay napangiti pero hindi na sya nagsalita ulit. Napangiti na lang din ako habang tuloy sa pagda-drive.

Gusto ko tingnan ang pag-ngiti nya kaso baka naman madisgrasya pa kami kapag hindi ako tumingin sa daan. Hahaha! Tsaka baka naman makahalata na sya.

Pero hindi ba yun nga ang gusto ko ding mangyari? Kaya nga ako ganito sa kanya eh, sa isip ko.

Oo, gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya na gusto ko sya pero nararamdaman nya na nga kaya? Kung oo, bakit hindi sya nagtataka o nagtatanong? Kung hindi, ano pa kayang dapat kong gawin? Dapat ba sabihin ko din? That one is a bit hard.

Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ni aling Dolor.

"Ginabi na yata kayo. Kumain na ba kayo?", she asked. Umiling naman ako. "Ipaghahanda ko kayo.", sabi nito at agad na nagpunta sa kitchen. Kami naman ni Holy ay naupo sa magkahiwalay na sofa sa sala.

"Inaantok na ako.", sabi nya nang mapasandal sa sofa.

"Let's eat first. Sandwich lang kinain natin sa ospital eh.", sabi ko. Tumango lang sya at nanahimik. Maya-maya lang ay lumabas mula sa dining area si aling Dolor.

"Kain na.", tawag nya sa amin. Tumango ako at lumakad naman na sya papunta sa likod.

"Holy, kakain na.", sabi ko pero hindi sya gumalaw mula sa upuan nya. I walked towards her and saw her already asleep. Napangiti ako sa itsura nya. Bahagya pang nakabuka ang bibig nya habang natutulog. Natural pala na mapula ang labi nya. At makakapal din ang pilik-mata.

Ilang minuto din akong nakatayo doon with my arms crossed in my chest, then she moved. Nagkunwari akong kalalapit lang at gigisingin sya.

"Kakain na tayo. Bumangon ka na muna.", sabi ko at bahagya pa syang tinapik sa balikat. Tumango naman sya at walang salitang tumayo. She almost caught me, kinakabahang naisip ko. Pero sa simpleng bagay na yun, yung makita syang natutulog ay natutuwa na ako.

Tsk. You don't know what your effect to me is, Holy.

Holy
ANTOK na antok na akong umakyat sa kwarto ko. Konti lang ang kinain ko at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto para magpalit ng damit at mag-toothbrush. Hindi na ako naligo dahil baka mawala pa ang antok ko.

Nakahiga na ako sa kama at nakapikit na nang maalala ko ang mga ginawa ni Chance ngayong araw. Lalo na yung kanina sa ospital. Hindi ko akalain na sa lahat ng tao, sya pa talaga ang makakatulong sa akin at sa kaibigan ko sa panahon na 'to. Hindi naman sa masamang tao ang tingin ko sa kanya pero hindi ko lang inasahan siguro na gano'n sya kabait. Na handa talagang tumulong. Pagkatapos ay naalala ko yung mga pag-ngiti nya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko pero napangiti din ako.

I want to see that smile always.
---

"TALAGA? Okay lang sayo?", tanong ko kay Jessa. Nanghihiram ako sa kanya ng notes para aralin pero nag-alok sya na kung gusto ko daw ay tulungan nya akong makapag-adjust, makahabol sa mga lessons.

Natuwa ako dahil kelangan ko talaga yun. Ang tagal kong hindi nakapag-aral at halos matatapos na ang 1st grading nang makapasok ako. Kelangan ko talagang humabol para may maisagot ako sa periodical exam!

"Oo naman. No problem.", nakangiting sagot nya.

"Eh ayos lang ba kung dalawa kami ni Chance? Kelangan nya din humabol sa mga lessons.", sabi ko. Hindi naman nawala ang ngiti sa mukha nya.

"Sure. Pero ayos lang ba sa kanya na ako ang magtutor sa inyo?", parang nag-aalalang tanong nya.

"Oo, bakit naman hindi? Eh ikaw ang pinaka-matalino dito sa klase natin.", nakangiting sabi ko. Totoo naman yun.

Matalino si Jessa. At wala na kaming karapatan na magreklamo ni Chance. Lumalapit na nga ang opportunity, tatanggi pa ba sya? Hahaha! Sakto naman pagpasok ni Chance sa classroom. Agad ko syang tinawag.

"Why?", tanong nya sa akin nang makalapit.

"Magtu-tutor daw sa atin si Jessa para makahabol tayo sa lessons. Sakto malapit na ang periodical, kelangan natin 'to!", masayang sabi ko. Ngumiti din naman sya at tumingin kay Jessa.

"Really? That's cool. Thanks.", sabi nya kay Jessa. Napatingin ako dito at parang nagbablush pa ito na napatungo. Hmm. May crush ba 'to kay Chance?

"Huy, include us naman. We need it too.", natatawang sabi ni Cristina. Nasa tabi nya si Harold na nakikinig djn pala.

"Ikaw din?", tanong ko kay Harold.

"Yeah. Hindi naman ako genius like Jessa.", sagot nya sabay tawa.

"Hindi naman din ako genius 'no.", sagot naman ni Jessa.

"Ayos yan. Hindi boring mag-aral kung marami tayo.", masayang sabi ko. "So kelan?", tanong ko.

"Dapat mag-start na tayo today kase next week on Tuesday periodical exam na natin eh.", paliwanag ni Jessa. Oo nga pala! Next week na!

"Let's just do it at home.", sabi ni Chance. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. "It will be more comfortable kung sa bahay tayo. Tsaka tahimik naman doon, we can focus.", paliwanag nya.

"Fine by me.", sabi ni Cristina. Tumango naman din si Harold.

"Sige, doon na lang.", nakangiting sabi ni Harold. At ayun na nga. Nagkasundo kaming lahat sa usapan.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now