Chapter 8

315 35 16
                                    

SUMUNOD ako sa kanya sa taas at nagulat pa ako ng muntik syang matumba sa paglalakad. Hindi sya pumunta sa kwarto nya. Instead, doon sa veranda sya pumunta. Iniwan nyang nakabukas ang pinto kaya naman dinig ko ang impit na pag-iyak nya nang maupo sya sa couch na nandoon.

Nakaharap sya sa labas kaya naman side-view nya lang ang kita ko. Nakayuko sya habang nakataas sa couch ang dalawang paa at nakapatong ang ulo nya sa tuhod nya. Maya-maya pa ay sinabunot nya ang isang kamay sa buhok nya at patuloy pa din sa pag-iyak.

Anong problema nya? Lapitan ko kaya. Ang kaso eh baka masungitan lang ako. Or worse masigawan pa ako. So? Wala namang bago. Lagi naman yang masungit eh, sabi ko sa isip ko.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa couch na katabi nya. Halata naman na nagulat sya at sinubukan pang punasan ang mukha nya.

"What are y-you doing?", tanong nito. Lasing naman pala eh kaya madrama, sa isip ko nang maamoy ang alak nung umihip ang hangin.

"Eh di nakaupo.", sagot ko na hindi lumilingon sa kanya. "Ikaw, anong ginagawa mo?", tanong ko din sa kanya. Hindi sya sumagot.

"Did you tell mom?", maya-maya ay tanong nito.

"Ha? Ang alin?", tanong ko din sa kanya dahil hindi ko alam kung anong itintanong nya.

"Yung narinig mo. I know nakinig ka... sa usapan namin ni Mrs. Alonzo kanina. Sneaky girl.", sabi nito na tinuro pa ang pisngi ko. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Ah. Hehe. Paano mo nalaman?", pilit ang tawang sabi ko. Muntik pa akong madapa para makalayo sa pinto, nakita nya naman pala ko! Hays. "Anyway, hindi ko sinabi 'no! Hindi naman kita pangungunahan. Desisyon mo yan.", sabi ko. Ilang minuto kaming natahimik pareho nang bigla syang matawa. Tsk, tsk. Lasing talaga.

"Funny, you sound like my dad. Saying 'desisyon mo yan', like he trust me so much. Do you trust me?", tanong nito sa akin. Nagulat naman ako sa tanong nyang yon.

Mabuti na lang at hindi nya na hinintay ang sagot ko. "Cause my mom never did.", patuloy nya pa. Ngingisi-ngisi pa sya sa langit habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri sa kamay.

"Paano mo naman nasabi na walang tiwala sayo ang mommy mo?", tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at parang nag-iisip.

"Where's y-your mom and dad?", tanong nya din sa akin without answering my questions.

"Wala na eh.", casual na sagot ko sa kanya. Tatango-tango naman sya.

"Oo nga pala. That's why you're here nga pala.", he said na parang sarili lang ang kausap sa hina ng boses.

"My dad? He's been very supportive of me. At everything I do. Mom used to be that supportive as well. Pero when d-dad died, it's like I lost her too. She's always busy. Always nagging. Ni hindi nya na nga yata alam ang mga hilig ko ngayon. Di nya alam what I want to be.", paliwanag nya.

"Eh ano ba? What do you want to be?", tanong ko. Nahiga sya sa dalawang couch na nandoon at tsaka nakangiting tumingin sa akin. Mapungay na ang mata nya gawa ng antok siguro at kalasingan.

"Me? I want to be someone worthy of love, trust and support.", sagot nya. Parang may humaplos sa damdamin ko nang marinig yon. Naawa ako sa kanya, oo. Pero parang may iba pa na hindi ko matukoy. Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakapikit na ang mata nya. Nakatulog na yata.

"Huy, Chance! Bangon!", gising ko sa kanya. At tinapik-tapik pa ang mukha nya. Pinalis nya naman yun na parang lamok lang. "Malamig dito sa veranda!", sabi ko pa pero hindi sya natinag. Tumagilid pa sya ng pagkakahiga, patalikod sa akin. Tsk, bahala ka dyan.
---

Chance
NAKALIGO na ako at lahat pero hindi pa din ako bumaba para kumain. Well, I was about to come down kanina pero nasa may hagdan pa lang ako ay narinig ko na ang boses ni Holy.

Then I remember everything from last night kaya bumalik na lang ako sa room ko. I was so drunk and acted so stupid, like a loser in front of her! It was embarassing! I remember nag-uusap kami sa veranda but I was also sleepy at the time kaya doon na ako nakatulog. When I woke up, there are pillows all around me and a blanket covering me. Sya ba naglagay non? That, I can't recall.

"Shit! So stupid!", sabi ko sa reflection ko sa salamin. How am I supposed to face her today?! I look at my car keys na nakapatong sa study table ko. Well, who says I should face her today?

Nakangiting dinampot ko ang susi ko at dahan-dahang bumaba. Almost lunch time na, sa labas na lang ako kakain. Pagdating sa sala ay nakita kong walang tao doon. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay at agad na lumapit sa kotse ko. This is the exact reason why I park just here. For emergency purposes.

"And this one is an emergency.", tatawa-tawang bulong ko pa habang binubuksan ang pinto ng kotse.

"Ang alin?", gulat akong napalingon sa boses na iyon. She's standing there, looking confused while staring at me. Muntik pa akong mapamura sa gulat nang lumapit pa lalo si Holy.

"W-what?!", nauutal kong tanong.

"Anong what? Eh ako nga ang nagtatanong. Anong emergency sinasabi mo?", inosenteng tanong nya. Tinuloy ko na lang ang pagbukas ng kotse.

"Wala. None of your business.", sabi ko nang buksan ang pinto at sumakay ako sa loob. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya ulit pero nagulat ako ng buksan nya ang passenger seat at sumakay doon. "What are you doing?", inis na tanong ko.

"Nakaupo.", natatawang sagot naman nya.

"Get out.", seryosong sabi ko pero hindi naman sya natinag. She just stare at me. And she looks like a rabbit, staring at me like that. Cute. Ha? What am I thinking? Inalis ko yun sa isip ko at iniwas ang tingin sa kanya. "Get out. Now.", ulit ko.

"Hindi ba ko pwedeng sumama? Masulit lang sana 'tong pagkaka-absent ko o.", sabi nya. Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya.

"Eh sino ba nagsabi sayong umabsent ka?", inis na tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa harap bago sumagot.

"Wala naman.", nakangiting sagot nya. "Pero napuyat kasi ako kagabi eh. Nagbantay ako ng lasing.", dagdag nya.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko sa sinabi nya. Gusto kong tumakbo pabalik ng bahay sa hiya!

"Out! Now!", pasigaw na sabi ko. Natatawa naman syang bumaba ng kotse at kumaway pa bago isara ang pinto. Mabilis kong pinaandar ang kotse paalis habang naghahalo ang hiya at inis sa loob ko.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now