Chapter 37

146 8 14
                                    

NATAPOS ang mga exams namin ngayong araw nang hindi pa din kami nag-uusap ni Chance. Tumayo na ako mula sa upuan ko pagkatapos ayusin sa loob ng bag ang mga ginamit ko kanina.

"Let's go?", tanong sa akin ni Harold. Tumango lang ako.

Bago kami makalabas ay nakita kong lumapit si Jessa kay Chance at nang tumayo ito ay agad nyang hinawakan ang braso nito. Nagulat si Chance sa ginawa nito at nahuli nyang nakatingin ako. Kaya kahit na nagulat din ako sa inakto ni Jessa ay nagmadali na akong lumabas ng classroom namin.

"Omigosh, what happened to Jessa? Is she dating Chance?", tanong ni Cristina nang makahabol sila sa akin ni Harold. Kahit sila ay nagulat kanina.

"I don't know.", malumanay na sagot ni Harold. "You okay?", tanong nya sa akin. Ngumiti lang ako at tumango.

"I didn't know she's that aggressive. Chance looks so irritated.", natatawang sabi ni Cristina.

Hindi naman ako nagsalita. Irritated? Baka nga nag-eenjoy pa sya. Maya-maya pa ay nasa parking lot na kami. Nauna nang umalis si Cristina after nyang magpaalam sa amin. Inunlock ni Harold ang kotse nya at hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto. Pinapasok ko na ang sarili ko sa kotse at nang makaupo ay para akong pagod na pagod. Napapikit pa ako sandali.

Gusto ko ng matulog, sa isip ko.

Hindi kami nagsasalita pareho habang nasa byahe. Focus sya sa pagmamaneho samantalang ako ay tulala sa labas ng bintana. Ang bigat ng loob ko at wala ako sa mood makipag-kwentuhan.

"Salamat.", sabi ko kay Harold nang makababa sa kotse pagdating sa bahay.

Hindi ko na hinintay ang reply nya at dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko. Mabuti na lang at walang tao sa sala. Walang ibang kumausap sa akin. Pagpasok sa kwarto ko ay agad akong nagpalit ng pambahay na damit. Itim na plain shirt at itim na walking shorts. Tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko at hinayaan iyong nakasabog sa mukha ko.

Pumikit ako para matulog pero mukha ni Jessa at Chance ang nakikita ko. Masayang nag-uusap habang naglalakad. Tsk! Naiinis ako. Bakit gano'n? Ang bilis naman nya magpalit ng nararamdaman. Ano, si Jessa na ang gusto nya?? Gano'n na lang yon? Paano naman ako?

"Hayy.", malakas na buntong hininga ko. Ang bigat ng nararamdaman ko.

Namimiss ko sya pero hindi ko man lang sya nakausap ngayong araw. Nagkita nga kami pero para naman kaming hangin lang sa isa't-isa. Hindi pwede ang ganito. Bukas kakausapin ko sya. Tatanungin ko sya. Kahit pwedeng masaktan ako sa sasabihin nya.
---

DALAWANG oras din akong nakatulog. Two-thirty na ng hapon nang magising ako. Pagbaba ko sa sala ay nandoon si tita Morinne, nagbabasa ng fashion magazine.

"Good afternoon, tita.", bati ko sa kanya nang makalapit ako. Ngumiti sya pagkakita sa akin.

"Good afternoon. Kumain ka na, hija. Hindi na kita pinagising kanina para mag-lunch dahil mukhang pagod ka eh.", malumanay na sabi nya.

"Napagod po talaga ang isip ko sa exams.", sabi ko. Napansin ko ang hawak nyang magazine at nakita ko ang tinitingnan nyang modelo. "Si Maddi po ba yan?", tanong ko sa kanya.

"Yes. Isn't she lovely?", tanong nya sa akin. Naupo ako malapit sa kanya tsaka tumango.

"Alam nyo po palang nagmomodelo sya?", tanong ko. Napatingin ako sa kanya.

"Alam mo din?", curious na tanong nya. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.

"Opo. Eh nagkita na po kami nyan nung nasa mga Delco pa po ako. Tinarayan nga po agad ako eh.", natatawang kwento ko. Natawa naman din si tita Morinne.

"That child, ganyan talaga yan noon pa. Mataray, may pagka-maldita pero mabait din naman kaya pagpa-pasensyahan mo na.", nahihiyang sabi ni tita Morinne.

"Naku, hindi po. Wala naman po sa akin yun eh.", sagot ko. Ngumiti naman sya.

"Harold and Maddi are both blessings to me. Kahit hindi ako ang tunay nilang ina, mahal na mahal ko ang mga batang yan.", sabi nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"H-hindi nyo po t-tunay na anak si Harold at Maddi?", tanong ko. Umiling sya.

"My husband and I can never have a child. So we decided to adopt. But the Lord must be listening. One day, may nakita ang katulong namin na isang sanggol na nasa kahon sa labas ng bahay. It was Maddi. After four years, came Harold. Funny thing, they both came in a box. As if they were gifts for me. Then I thought, they must be born for me.", masayang kwento nya.

Ramdam ko ang saya ni tita Morinne habang nagkukwento pero nabigla pa din ako. Ibig sabihin, hindi ko sila totoong pinsan. Tsk! Ang sakit sa ulo ah!

"Sa sobrang tuwa ko, I spoiled them. Kaya kasalanan ko din kung bakit ganyan si Maddi. I am lucky that Harold is a bit matured than his ate.", sabi pa ni tita sabay tawa ng mahina.

"Oo nga po.", sabi ko. Napatingin naman sa akin si tita. "I mean, kahit po sa school ganyan si Harold. Napaka-responsible din po at mabait.", paliwanag ko.

"That's very true.", sabi ni tita.

"Alam po ba nila na...", tanong ko pero hindi ko tinapos. Hindi ko alam kung anong term ang sasabihin.

"Na ampon sila?", nakangiting tanong ni tita Morinne.

"Ah, hehe. Opo.", pilit ang tawang sagot ko.

"Yes. Alam nila. I told them when they turned seven. I don't want them to find out at this age kasi baka mag-rebelde. Katulad ng mga napapanood ko sa mga teleserye.", sabi nya. Tumango-tango lang ako. Tama nga naman. Tapos ay napatingin ulit ako kay tita Morinne.

"Nanonood ka po ng mga teleserye?!", hindi makapaniwalang tanong ko. Natawa naman sya.

"You looked so shocked, hija.", natatawang sabi nya.

"Ha? Eh kasi po... hindi ko lang po inaasahan. Hehe.", sabi ko.

Akala ko kasi puro business ang ginagawa nya. At hindi ko akalain na sya yung tipo ng taong manonood ng teleserye. Mukhang sosyal eh, tipong puro sa sine pinapanood. Tsk. Don't judge the book by its cover!

"I even watch Chinese and Korean drama series.", sabi ni tita Morinne sabay tawa.

The Brightest ColorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz