Chapter 33

169 9 14
                                    

NAG-UUSAP pa din si lolo at mom nang bumaba ako sa sala dala ang mga gamit ko. Konting gamit lang ang dinala ko dahil nahihiya akong dalhin lahat yung mga binili ni mom. Wala din akong paglalagyan.

"Are you ready to leave, apo?", tanong sa akin ni lolo. Iginala ko ang tingin ko sa paligid, may hinahanap.

"Nasaan po si Chance?", tanong ko sa kanila.

"Baka nasa kwarto nya, dear.", sagot ni mom.

"Pwede po bang magpaalam muna ako sa kanya, lolo?", tanong ko kay lolo. Walang pag-aalinlangan na tumango sya.

"Go ahead.", sabi nya. Ngumiti ako sa kanila at agad na umakyat pabalik sa taas. Pagdating doon ay kinatok ko ang kwarto ni Chance pero walang sumasagot.

"Chance, nandyan ka ba?", pero walang sumasagot. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pagbukas ay malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin.

Nakabukas kasi ang aircon, wag kang ano dyan! Hindi ito horror!

Sumilip ako pero walang tao sa loob. Nasaan naman kaya yun? Naglakad pa ako papunta sa veranda at nakita kong nandoon nga sya. Nakaupo sa isang couch. "Huy.", tawag ko sa atensyon nya.

"Hey.", pilit ang ngiting sagot nya nang lumingon sa akin. Lumapit ako sa kanya at naupo sa couch na nandoon sa tabi nya. "So you're leaving.", sabi nya maya-maya.

"Oo eh. Magpapaalam na nga sana ako.", sabi ko. Tumango lang sya.

"Do you remember the first time we talked here?", nakangiting tanong nya. Napangiti din ako.

"Lasing na lasing ka non. Ang drama mo pa nga eh.", sabi ko sabay tawa. Natawa din naman sya ng konti.

"I was so embarassed the next day.", sabi nya. "Maybe that's when this starts.", dagdag nya pa. Hindi naman ako nakapagsalita. Tumingin sya sa akin at seryoso ang mukha nya. "Mamimiss mo ba ko?", tanong nya maya-maya.

"Ha?", tanong ko din. Hindi inaasahan ang tanong na yon.

"Mamimiss mo ba ko?", ulit nya. "Just answer this one. I need to know.", sabi nya nang hindi ako sumagot. Tumingin ako ng diretso sa mata nya tsaka tumango. "You'll miss me??", parang hindi makapaniwala na tanong nya ulit.

"Oo nga. Paulit-ulit naman eh.", inis na sagot ko. Pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"For now, okay na sa akin yan. Makakatulog na ko ng maayos nyan.", sabi nya. Bakas sa boses nya ang pagka-panatag ng loob. "I don't know what will happen next. If you'll move away, transfer school or what but I'll be happy knowing you'll miss me dahil mamimiss din kita.", sabi nya. Para naman akong naging bato sa pwesto ko.

At hindi ko naisip na baka nga lumayo kami at hindi na kami magkita.
--

SIMULA nang umalis kami sa mansion ng mga Delco ay nakatulala na lang ako doon na nakaupo sa loob ng kotse ni lolo. Ang daming tumatakbo sa isip ko kaya naman hindi ko namalayan nung tumigil kami sa harap ng isang mataas na gate.

"We're here.", nakangiting sabi ni lolo.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya at pagkatapos ay sumulyap sa wrist watch ko. Wala pang thirty minutes andito na kami? Ibig sabihin hindi malayo ang lilipatan ko! Automatic na bumukas ang gate at bumati sa amin mula sa loob ang dalawang security guard na naka-blue uniform. Tumango lang si lolo sa kanila at tsaka nagtuloy ang kotse sa loob.

"You looked surprised.", sabi nya pa.

"Ah, opo. Hehe. Hindi ko inexpect na malapit lang eh.", natatawang sabi ko. Napaisip naman si lolo bago nagsalita ulit.

"Gusto mo bang tumira sa malayo?", takang tanong nya. Agad naman akong umiling.

"Hindi po!", madiin na sabi ko. Natawa naman si lolo.

"I have been living in Cebu all this time. Pero I thought, baka ayaw mong iwan ang lugar na 'to. Ang school mo, I heard you just went to school this year. I want you to keep your friends as well. So binili ko ang bahay na ito for us to stay here.", paliwanag nya.

Napatingin ako sa daan. Medyo malayo pa ang lalakarin mula sa gate. Maraming madadaanan na matataas na puno at mga halaman na namumulaklak. Pero dahil nakakotse kami ay mabilis namin narating ang bahay.

Isa na namang mansion!

"Ibig nyo pong sabihin, dito na din po kayo mag-stay sa Manila?", tanong ko. Tumango si lolo.

"I want to be here with you, apo. Isa pa nandito na din naman nakatira sa Manila ang tita Morinne mo at mga anak nya. I hope you don't mind, I told them to stay with us here.", sabi nya sabay turo sa mansion. Umiling ako.

"Mas okay nga po yun para makilala ko sila. Si tita Morinne, hindi ko na din sya gaano maalala lalo na ang mga anak nya. Kaya po gusto ko din sila makita. Hehe.", nakangiting sabi ko. Ngumiti naman din si lolo sa akin. Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa loob ng mansion.

Magara ang bahay nila mom Amanda pero ang isang ito, mas magara! Tatlo ang sala sa loob na may iba't-ibang sofa set. May magagandang paintings na naka-frame sa mga pader at iba't-ibang laki ng mga vases din ang nakapatong sa mga side tables. May dalawang malaking bintana din doon na tanaw ang magandang garden area.

Isinama din ako ni lolo sa dining area at may mahabang lamesa na nandoon. Pero hindi kasinghaba ng tulad kina mom Amanda. Mukhang komportableng upuan ang mga silya na nakapalibot na lamesa dahil sa foam na natatakpan ng velvet na tela. May isang pinto sa loob ng dining area at diretso daw iyon sa kusina. At sa dulo ng hallway ay may comfort room at sa kanang bahagi ay maids' quarter.

Umakyat kami sa second floor at meron ding sala doon na 'entertainment area' kung tawagin ni lolo. May home theather set doon at maraming collection ng DVDs. Sa isang side ay may desktop computer. May dalawang mahabang sofa at tatlong single sofa.

Nandoon din sa second floor ang limang kwarto. Dalawang kwarto daw ay occupied ng mga anak ni tita Morinne. Doon din ang kwarto ko sa floor na yon at naipaayos na daw kahapon pa ni lolo.

May third floor pa pero hindi na ako umakyat dahil pagod na ako, pero sinabi ni lolo na may apat pang kwarto doon. Kay tita Morinne ang isa at ang isa ay sa kanya. Ang dalawa pa ay ginawa nilang work room nila. Mula sa labas naman ay tanaw na nasa third floor ang terrace.

"Here's your room. I know you're tired. Magpahinga ka muna at tatawagin ka na lang namin kapag handa na ang dinner. Okay?", sabi sa akin ni lolo nang matapat kami sa magiging kwarto ko.

Tumango naman ako. Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa maleta ko at marahan iyong pinisil. Parang may lungkot sa mga mata nya pero ngumiti pa din sya at pagkatapos ay bumaba na ng hagdanan.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now