Chapter 21

225 19 21
                                    

Chance
VINES Restaurant. Doon kami nagkita-kita nila Harold. Nakangiti agad sya nang makita kami ni Holy pero ako nakasimangot pa din.

"Isinama ko na ang pinsan ko nung sinabi mong kasama mo si Chance.", nakangiting sabi nya kay Holy.

Noon ko napansin ang babaeng katabi nya. Maliit ito at maputi. Mukhang mahiyain. Ngumiti sya sa akin kaya naman napipilitan din akong ngumiti sa kanya.

"Ah, oo. Gellina, di ba?", tanong ni Holy sa babae. Nakangiti naman itong tumango.

"Y-yes.", nahihiyang sagot nito.

"Kasama namin sya nung nag-bowling kami sa Weekly Ball.", sabi nya sa akin. "Ito pala si Chance.", baling nito dun kay Gellina.

"Oo, kilala ko sya. Doon din ako nag-aaral sa LIS. Pero junior pa lang ako.", nakangiting sabi ni Gellina.

"Akalain mo yun! Pati pala sa mga juniors ay sikat ka. Tsk tsk.", biro ni Holy pero hindi ko sya pinansin. Matagal ko ng alam yan 'no, sa isip ko.

"Hindi pa ba tayo kakain? I'm hungry.", sabi ko pagkatapos ay naupo na.

"Ah, oo. Kumain na muna tayo. Hehe.", sabi ni Harold. Naupo sya sa katapat ni Holy. Habang katapat kong upuan ang pinsan nya.

Maya-maya ay lumapit na sa amin ang waiter at nag-order na kami ng pagkain.

Nang dumating ang order namin ay si Harold pa ang naglagay ng pagkain sa harap ni Holy. Pati baso ng drinks nito. Masama ang tingin ko sa kanya pero parang hindi nya naman ako nakikita. Ngiting-ngiti syang nakatingin kay Holy.

"Kain na.", mahinang sabi ni Gellina sa akin. Kanina pa yata sya nakatingin.

"Yeah. You too.", casual na sabi ko sa kanya.

"Masarap ba?", nakangiting tanong ni Harold kay Holy.

"Oo. Lalo na 'tong beef steak. Paano mo nalaman 'tong kainan na 'to?", tanong ni Holy kay Harold.

"Hindi ko na matandaan eh. Basta ang alam ko, since nalaman ko 'to, madalas na akong kumain dito.", sabi ni Harold.

"Nagdadala ka siguro ng mga date mo dito 'no?", biro naman ni Gellina sa pinsan nya.

"Actually, s-si Holy sana ang una kong isasama dito with me.", mahinang sabi ni Harold.

Nabulunan naman si Holy sa narinig samantalang ako ay nagulat sa sinabi nya. WTF does he mean?? And look at that, is he blushing??

"Kasama kayo, I mean. Sumama kayo eh. Hehe.", napapakamot sa ulo na sabi pa ni Harold. Napatingin ako kay Holy pero iniiwasan nya ang tingin ko.

"S-saan ba tayo pagkatapos kumain?", pag-iiba sa usapan ni Holy. Umayos naman sa pagkakaupo si Harold bago sumagot.

"Ikaw, saan ba gusto mo?", nakangiting tanong nito.

"Games tayo after this. What do you think, Holy?", suggest ni Gellina.

"Osige, gusto ko yan!", sabi nya sa babae. Hindi naman ako umiimik.

Tahimik lang ako nagmamasid sa kanila. Hindi ko alam, pero naiirita talaga kay Harold! Kung hindi pala kami sumama ay balak nya pala talagang solohin si Holy. And why??

"Bakit, Chance? Hindi mo ba gusto ang pagkain?", tanong sa akin ni Holy. Napansin nyang nakakunot ang noo ko sa pagkain.

"N-no. It's okay.", matipid na sagot ko. Pero ang totoo, hindi ko malasahan ang kinakain ko.

Maya-maya ay lumabas na nga kami ng restaurant at pumunta sa Game Center ng mall. Ang daming kabataan na naglalaro doon. As in, it's crowded!

"Gosh, si Chance!", sigaw nung isang batang babae na naglalaro sa arcade. May ilan pang babae na lumingon sa akin at sabay-sabay silang lumapit.

"I bought your magazine, Chance! Can we take a photo, please?", sabi ng maliit na babae.

"Ako din, please!", sabi pa nung isang babae.

Hindi pa naman ako gano'n kasikat dahil ilang magazine shoot at commercial pa lang naman ako na-feature kaya naman kapag mga ganito ay hindi ko tinatanggihan. Pasalamat man lang sa suporta nila. I'm not as snob as you think! Nag-picture kami nung mga kabataan at may ilan pang sumunod.

Nang maubos sila ay wala na ang tatlong kasama ko. Nasaan na yung mga yun? Naglakad pa ako at nakita ko sila doon sa photo booth. Papasok pa lang sila sa loob.

"Hanep, daming fans!", biro sa akin ni Holy nang makita nya akong palapit sa kanila.

"Tsh. And you dare left me alone there?", inis na tanong ko sa kanya. Nagulat naman sya sa tanong ko.

"Ha? Eh kung ma-stampede pa ako doon? Hindi mo ako bodyguard!", sabi nya sa akin. Sinimangutan ko na lang sya.

"Tara. Ready na!", tawag sa amin ni Gellina mula sa loob ng booth. Pumasok na agad si Holy at sumunod naman ako sa kanya. Namimili na sila ng filter at frame sa screen. "Ayan, maganda!", sabi ni Gellina.

Nag-ready na kami mag-pose at nagulat ako ng biglang tumabi si Harold kay Holy. Inakbayan nya pa ito tsaka ngumiti sa camera! Hindi naman ako handa nung nag-flash ang camera.

Ugh, ang sakit sa mata!

Lumabas sila ng photo booth at hinintay yung picture sa machine. There were four copies of it when it came out at nagtawanan silang tatlo nang makita yon.

"Saan ka ba nakatingin?", tanong ni Holy nang iabot sa akin ang isang copy. Sya ang may pinaka-malakas na tawa.

Hindi ko tiningnan ang picture, nilagay ko agad yun sa back pocket ng jeans ko. Sinamaan ko sya ng tingin at lumapit ulit sa screen. Inis akong namili ng filter at frame.

"Ulitin natin.", seryosong sabi ko sa kanila. Pumasok sila ulit sa photo booth.

"Game!", masayang sabi ni Gellina. Aktong lalapit na naman si Harold kay Holy pero inunahan ko sya.

Hinila ko si Holy at inakbayan ko sya ng sobrang close sa akin tsaka seryosong nag-peace sign sa camera. After mag-flash ay nagmamadali akong lumabas sa photo booth at naghintay ilabas ang picture.

"Ano ba yan, hindi yata kami nakita.", dinig kong sabi ni Gellina mula sa loob.

Sinadya kong harangan sila sa camera eh. Hahahahaha! Lumabas na ang picture sa machine. Just one copy. Napangiti ako nang makita yon.

"Isa pa!", Harold said.

"No, that's enough. Let's try some games.", pigil ang ngiting sabi ko tsaka naglakad palayo. Wala naman na silang sinabi at sumunod na lang sa akin.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now