Chapter 49

107 5 3
                                    

Holy
TUWANG-TUWA ako habang naglalakad kami papunta sa likod ng mansion. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin ni lolo. Napaka-swerte ko at ang bait-bait ni lolo.

"Okay na dyan, kuya Ferdi. Kami na ang magpapasok sa loob.", sabi ko kay kuya Ferdi nang marating namin ang bahay sa likod.

"Sige, maiwan ko muna kayo. Tawagin nyo na lang ako o ang ibang nasa loob kung kailangan nyo ng tulong.", sabi ni kuya Ferdi. Tumango naman ako at lumakad na sya pabalik.

"Dito kami titira?!", hindi makapaniwalang tanong ni Reeya. Tumango ako at nakangiting tumingin sa bahay.

Simple lang ang bahay na iyon pero mas malaki at mas komportable kumpara sa bahay nila Reeya doon. Kulay blue ang pintura non at bungalow style sya. Hindi pa din ako nakapasok dito kaya naman excited akong niyaya sila sa loob.

"Tara na.", sabi ko. Tulong-tulong kami sa pagdala ng gamit sa loob.

Pagdating sa loob ng bahay ay maayos na nga doon at malinis. Bubungad mula sa pinto ang magandang sala na may beige na sofa set at coffee table. May dalawang painting na nakasabit sa pader at sa isang gilid ay may shoe rack. May flat screen TV din na nasa harap ng sofa set.

"Ang ganda!", masayang sabi ni Reeya. Inilapag namin ang mga bag sa sahig at nagtuloy sa pagtingin sa bahay. Kahit si aling Lily excited din eh. Hahaha!

May maliit pero malinis na kusina at katabi non ay ang dining area nila. Sakto lang ang laki para sa kanila dahil ang lamesa ay may apat na silya sa paligid. Agad kong binuksan ang ref na nakita ko at napangiti ako dahil may laman din iyon. At oo, may mga appliances din nasa bahay. Ibang klase talaga si lolo, tsk!

May isang pinto mula sa kusina at papunta iyon sa banyo. Hindi gano'n kalaki ang banyo pero may shower din naman. Paglabas ng kusina ay may dalawang pinto. Parehong kwarto iyon na tulugan. Yung isa ay may dalawang kama na kulay puti ang bed sheet at punda ng unan. Pati ang kurtina sa bintana ay puti din. May cabinet na lagayan ng damit at maliit na lamesa sa gilid.

Yung isang kwarto naman ay isa lang ang kama. May green iyon na bed sheet at kurtina. Ang punda ng unan ay puti katulad ng sa kabila. May cabinet din at shoe rack. At may isang sofa na nasa gilid katabi ng maliit na coffee table. Aircon din pala ang buong bahay.

Napag-pasyahan nila na lagyan na lang ng dibisyon ang isang kwarto at doon si Reeya at Josa. Sa kabilang kwarto naman ang nanay nila.

"Sobra naman yata itong tulong na binibigay nyo sa amin, Holy.", maya-maya ay sabi ni aling Lily habang nag-aayos ng mga gamit.

"Wala yan, aling Lily. Tsaka nagsabi naman itong si Reeya na magtatrabaho sila ni Josa kaya wag nyo ng intindihin.", sabi ko.

"Magtatrabaho nga kami pero may sahod pa din. Parang gano'n din, di ba? Hindi rin kami nakabayad sa pagpapatira nyo sa amin dito.", sabi ni Reeya.

"Hoy, ikaw kanina ka pa ah. Gusto mo ikaw tumira sa kalye. Iwan mo sila aling Lily at Josa dito.", biro ko sa kanya. Natawa naman ang nanay at kapatid nya.

"Ewan ko sayo! Nakakahiya kasi eh.", sabi nya. Napapalatak naman ako.

"Pumunta ka kay lolo mamaya at tanungin mo yung trabaho, para di ka na nahihiya dyan.", sabi ko. Ngumiti lang naman sya at nagtuloy sa pag-aayos ng mga damit.

Nalilibang ako sa panonood sa kanila nang maalala kong may assignments nga pala ako! Nagmamadali akong tumayo at nagsuot ng sapatos. Hindi pa din ako nakakapag-palit ng damit eh.

"O bakit?", tanong sa akin ni Reeya nang makatayo ako.

"May assignments nga pala akong gagawin. Nakalimutan ko! Mamaya na lang ulit!", sabi ko sabay takbo palabas ng bahay. Nang makarating ako sa mansion ay nandoon si Maddi sa sala. Masama agad ang tingin nya sa akin pagpasok ko.

"So nagdala ka pa pala dito ng mga katulad mong... basura.", sabi nya. Nasa may hagdanan na ako at sya naman ay nakaupo pa din. Napatingin ako sa kanya.

Lasing ba 'to? Namumungay ang mga mata nya at parang ilang salita pa eh makakatulog na sya. Maya-maya ay bigla syang natawa. Nababaliw na. Tsk, tsk.

"Matulog ka na, Maddi. Lasing ka yata eh.", sabi ko sa kanya. Tumayo sya mula sa upuan at dahan-dahan na lumapit sa akin. Hindi naman sya amoy alak pero may iba syang amoy. Hindi amoy putok ah!

"Who are you to tell me what to do?", sabi nya na dinuro pa ako. Nakatingin lang naman ako sa kanya at napansin kong namumula ang mga mata nya. Sabog ba 'to? "Oh, yeah. Ikaw nga lang pala ang nag-iisang tunay na apo ni lolo.", sabi nya sabay tawa ng mapait.

"Aakyat na ako.", sabi ko at akmang tatalikod na.

Sinabi ko sa sarili ko na mas iintindihin ko sya dahil doon sa narinig kong pag-uusap nila ni tita Morinne. Pero nagulat ako nang hilahin nya ako sa kamay. Halos bumaon ang kuko nyang mahahaba dahil sa diin ng hawak nya.

"A-ano bang problema mo?", tanong ko sabay higit sa kamay ko. Muntik naman syang madulas dahil sa ginawa ko.

"Sayo na si Chance! But don't think I'll be easy on you just because you are the real deal.", natatawang sabi nya at tsaka lumabas ng mansion.

"Tsk, tsk.", palatak ko habang tinitingnan syang makaalis. Baliw, sa isip ko at nagtuloy na sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad kong nilabas ang mga notebook ko na may assignment.

Chance
NAKANGITI ako nang matapos ko ang isinulat na paragraph para sa assignment namin. Yung tungkol sa favorite color. Pinagmasdan ko pa ang papel ko bago iipit iyon sa libro at ilagay sa loob ng bag ko.

Siguradong pasado yan, sa isip ko. Nang mailigpit ang mga gamit ko na nasa study table ay nahiga ako sa kama ko.

Ano kayang ginagawa nya ngayon? Tawagan ko kaya. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko. I was about to dial Holy's number kaso ay may pumasok na tawag. It's Jax.

"Hello?", sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Dude. Kamusta? Akala ko patay ka na. There's no update about you.", sabi nya.

"What's there to update?", tanong ko naman. Natawa sya.

"Well, about you and Holy.", sagot nya. Napangiti naman ako nang marinig ang pangalan nya. Pero buti na lang at hindi ako nakikita ni Jax kung hindi ay mang-aasar lang yan.

"We're good. Bakit ka ba tumawag?", istorbo ka. Tatawagan ko si my love eh, sa isip ko.

"Ang sungit mo talaga! I just wanna invite you to hang out on Sunday night. We don't see you anymore, dude.", sabi nya. Napaisip naman ako. Wala naman akong gagawin non at tama sya, ang tagal na namin hindi nagkikita-kita nila Kemen eh.

"Sige, sige. Text me where and what time.", sabi ko.

"Yun! Sige, dude. See you!", sabi nya at nagpaalam na. Nang patayin nya ang tawag ay lowbat na ang cellphone ko.

"Badtrip naman o!", sigaw ko sa cellphone ko. Ibinalik ko yun sa side table at tsaka sinaksak ang charger. Di bale, magkikita pa naman kami bukas.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now