Chapter 50

125 5 8
                                    

Holy
ISA-ISANG pinabasa ng teacher namin ang mga assignment namin na paragraph sa harapan ng klase. Tawa kami ng tawa sa mga gawa namin dahil karamihan ay puro kalokohan at walang kwenta ang gawa. Yung topic din naman kasi eh, nakakaloko. About sa favorite color. Kahit yung gawa ko aminado ako, walang kwenta eh.

"Next. Chance Delco. Please read your work in front.", sabi ng teacher. Seryoso naman syang tumayo sa harap at tumikhim pa muna bago magsalita para makuha ang atensyon namin.

Though hindi nya na kelangan gawin yun dahil presence nya pa lang doon ay sapat na para makakuha ng atensyon.

"The color I chose is black. This color isn't my favorite one but has a significant meaning in my life.", pag-uumpisa nya. Natahimik na ang lahat at nakikinig na lang sa kanya. "Since my dad died, a few years ago, black could describe my world. I failed at school and did what I thought was something I am good at. But then black is also something that brought me back to life. No, let me rephrase that. Black is actually a 'someone'." sabi nya sabay angat ng tingin sa akin.

"Yiieee!"

"OMG."

Nagsimulang mag-kantyawan ang mga kaklase namin pero agad silang sinaway ng teacher namin.

"Continue, Delco.", sabi ng teacher. Nakangiti naman na nagpatuloy si Chance.

"This someone I met always wear black. Either it's a shirt, walking shorts or even slippers. But the opposite of her favorite color is her personality. She always has this bright smile, it lights me up. Always this optimistic, it makes me believe. Among all the other colors all I see is her because she shines so bright it blinded me.", basa nya. Tumingin pa muna sya sa akin bago nya sabihin ang huling sentence sa paragraph nya. "The darkest color for me is the brightest because it reminds me of you."

Mabibingi yata ako hindi dahil sa sigawan ng mga kaklase namin kung hindi dahil sa lakas ng kabog sa dibdib ko. Hindi ko na din naiwasan ang hindi mapangiti dahil sa sobrang saya at kilig.

"That was impressive, Delco. You may sit down.", sabi ng teacher namin na nakangiti din. "Oh, and you can give that paragraph of yours to her.", dagdag nya pa.

Ano ba naman to si ma'am, kinikilig din yata. Hahahaha!

"Here. It really is for you.", sabi ni Chance sa akin nang makalapit. Nakangiti sya sa akin na parang nahihiya pa. Inabot ko naman yon.

"Yiiiieeeeee!!!", sigaw ng mga kaklase namin. Gusto kong sawayin sila pero kasi kinikilig din ako. Hindi ako makapagsalita.
---

"GRABE, I can't get over what Chance did!", sabi ni Cristina habang nakaupo kami sa pwesto namin sa cafeteria. Sila Harold at Chance ay nakapila para bumili ng pagkain namin. "He's so sweet! I want to have a boyfriend like him!", kilig na kilig pa na dagdag nito.

"Huy, hindi ko pa sya boyfriend ah!", sabi ko. Parang nagulat pa si Cristina sa sinabi ko.

"Really? Why??", tanong nya.

Bakit nga ba? Hindi ko din naman alam kung nanliligaw ba sya eh. Tsk. Hindi ko na sya sinagot dahil nakita kong palapit na sila Chance sa amin.

"Here.", sabi nya sabay lapag ng kanin at ulam sa table namin.

"Salamat.", sabi ko. Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kanya. Kahit seryoso, ang gwapo pa din ng mukha nya. Ngumingiti lang naman sya kapag nahuhuli akong nakatingin sa kanya. Lalo na kapag ngumingiti.

Maya-maya pa nga ay pabalik na kami sa classroom nang bigla syang magtanong.

"Why do you keep staring at me? Nagu-gwapuhan ka sa akin 'no?", nakangiting tanong nya. Napangiti din naman ako.

"Oo eh.", sagot ko.

Nabigla pa sya sandali pero natawa din. Alam nyo yung tawa na parang nahihiya? Gano'n. Ang cute cute. Inilabas nya ang wallet nya at mula doon ay may kinuha syang picture.

"Take this.", sabi nya sabay abot sa akin ng picture. Tiningnan ko iyon at natawa ako.

"Ito yung sa photo booth ah?", sabi ko habang nakatingin sa picture. Kaming dalawa lang ang kita sa picture dahil natakpan sa likod nya sila Harold at Gellina. Seryoso syang naka-peace sign samantalang ako ay parang nagulat pero nakatingin pa din sa camera.

"I have it scanned so you can keep it.", sabi nya. "Para lagi mong makita ang gwapo kong mukha.", dagdag nya pa. Nakangiti akong napaangat ng tingin sa kanya. Malaki din naman ang ngiti nya habang patuloy kami sa paglalakad.
---

Reeya
SABADO ng umaga ay maaga akong nagising at pumunta sa mansion nila sir Damian. Napag-usapan na namin na magtatrabaho ako sa loob ng mansion bilang kapalit ng pagpapatira nya sa amin sa bahay sa likod. Si Josa ay aasikasuhin pa din ang tindahan namin sa tapat ng simbahan. Sayang din kasi ang kita. Pero si nanay ay hindi na tatanggap ng labada. Sa bahay na lang sya mag-aasikaso. Masaya akong nag-aayos ng mga damit na lalabhan ko nang tawagin ako ni aling Gemma, isa sa mga katulong sa mansion.

"Pakikuha mo naman yung basket ng damit na marumi ni sir Harold. Sumasakit na kasi ang balakang ko kaka-akyat baba sa hagdan eh.", pakiusap nya sa akin.

"Sige po. Saan po ba ang kwarto nya?", tanong ko.

Hindi ko pa kabisado ang bahay, ni hindi ko pa nga din nakikita ang lahat ng nakatira dito eh. Si sir Damian at Holy lang ang kilala ko bukod sa mga katulong. Pero yung tinatawag nilang sir Harold, ma'am Morinne at ma'am Maddi eh di ko pa kilala. Ang alam ko lang kaklase ni Holy yung sir Harold at tita nya yung ma'am Morinne. Tapos kapatid naman nung sir Harold si ma'am Maddi.

"Yung huling kwarto sa kanan nitong hagdan.", sabi ni aling Gemma. Tumango naman ako at mabilis na umakyat sa taas.

Sobrang gara din sa taas ng bahay. Ang ganda nung TV, parang nasa sinehan! Pero syempre, hindi iyon ang ipinunta ko dito. Hinanap ko agad ang kwarto na sinasabi ni aling Gemma at nung marating ko eh kumatok agad ako.

"Sir Harold?", tawag ko pa. Pero walang sumasagot. Kumatok pa ako ng ilang ulit at nung wala talaga ay sinubukan kong ipihit ang pinto. Bumukas naman iyon. Sumilip ako sa loob pero parang walang tao.

Nasaan kaya ang marumihan nya? Dumiretso ako sa loob at hinanap ang basket ng maruming damit nya.

"Ayun!", sabi ko nang makita ang itim na basket na malapit sa pinto ng banyo. Lumapit ako doon at kukunin na sana ang basket nang biglang bumukas ang pinto ng banyo.

"Who are you?", tanong sa akin ng lalaking nakatapis lang ng tuwalya sa pang-baba nya. Napahinga ako ng malalim sa nakita.

Mas matangkad sa akin ang lalaki, tingin ko ay hanggang ilong nya lang ako. Matangos ang ilong nya at medyo bilugan ang mata nya. Makapal ang mga kilay na salubong na ngayon dahil sa pagtataka. Moreno sya at kitang-kita ko ang muscles nya sa katawan nyang walang takip!

"I'm asking you. Who are you?", tanong nya. Nagulat pa ako at bahagyang napaatras.

"A-ah, s-sir. Ako po si R-reeya...", nauutal na sabi ko.

"Reeya? Ikaw ba yung friend ni Holy?", tanong nya. Lalo naman akong kinabahan.

Kilala nya ba ako? Jusko, mapapaaga yata ang pagka-evict ko sa bahay!

"O-opo, sir.", sagot ko.

"Well, what are you doing here in my room?", tanong nya pero nawala na ng kunot sa noo nya kaya naman nabawasan din ang kaba ko.

"A-ah, pinap-pakuha po ni aling Gemma yung mga m-maruming damit nyo.", sagot ko na itinuturo pa yung basket nya.

"Ah. Sige, pakikuha mo na.", sabi nya. Nagmamadali naman na kinuha ko na yon. "Uhm... excuse me?", sabi nya maya-maya. Bahagya pa syang ngumiti sa akin.

"Po?", tanong ko.

"Magbibihis na sana ako.", sabi nya na halatang nagpipigil ng tawa.

Para akong natauhan nang ma-realize ko na nakaharang pala ako sa daan nya. Napahigpit ang hawak ko sa basket at kung pwede lang ay ipinasok ko na ang sarili ko doon para magtago. Nakakahiya ka, Reeya! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at nang maisara ko ang pinto ay napasandal pa ako doon. Pinapakalma ko ang sarili ko pero... ang gwapo nya! Hahahaha!

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now