Chapter 59

102 5 0
                                    

Punch
KABABALIK ko lang sa bahay ng mga Argento para i-park ang kotse ni Holy sa garahe doon. Ginamit ko kasi yon kanina nang magpunta ako sa opisina at hindi ko akalain na mata-traffic pa ako pabalik kaya ngayon lang ako nakarating. Inilagay ko ang susi sa pinagtataguan ko non sa likod ng malaking vase malapit sa pinaka-pinto ng bahay. At bago umalis ay kumuha muna ako ng tubig sa kusina. Kanina pa ako nauuhaw eh.

Palabas na sana ako nang makita ko si Maddi na pababa ng hagdan. Parang nagmamadali sya at aligagang may hinahanap sa bag nya. Naihulog nya pa ang susi ng kotse nya pero agad nya din yung dinampot.

"Stupid.", usal nya pa.

Maya-maya ay lumabas na sya ng bahay. Nang mawala sya sa paningin ko ay si Holy naman ang nakita kong pababa ng hagdan. Naka-tingkayad pa syang naglalakad.

Napalingon sya sa gawi at bahagya pa syang nagulat na nakita ako. Nagtatanong ang mukha na ibinigay ko sa kanya pero sinenyasan nya lang ako na wag akong maingay. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"Anong nangyayari?", tanong ko na pabulong.

"Wag kang maingay baka andyan pa si Maddi.", sabi nya. Lumapit sya sa may pinto at sumilip ng konti. Ilang minuto pa nga ay dumaan na ang kotse ni Maddi. Mabagal ang pagmamaneho nya. "Sundan natin, dali!", sabi sa akin ni Holy. Nanakbo sya sa likod na pinto papunta sa garahe.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan sya. Kinuha ko ang susi sa pinagtaguan ko at tumakbo na din sa garahe. Nang makasakay kami sa kotse ay dahan-dahan ko din iyong pinaandar.

"Ano bang nangyayari?", tanong ko ulit. Parang kinakabahan si Holy sa itsura nya.

"Basta sundan muna natin sya!", sagot nya.

Nakalabas na kami ng gate at nasa unahan namin ang kotse ni Maddi. Hindi gano'n kalapit ang distansya namin sa kanya kaya hindi nya kami napapansin.

"Tell me. Is this an emergency? Kailangan ba natin ng police?", tanong ko. Natigilan naman si Holy at napalingon sa akin.

"Pulis?", tanong nya. At dahan-dahang napatingin sa kotse ni Maddi. "Kelangan ba yun? H-hindi ko alam eh.", sagot nya.

"Sabihin mo sa akin. Come on, Holy.", sabi ko. Huminga pa muna sya ng malalim bago nagsalita.

"Ganito kasi. Yung kaibigan ko, si Reeya, nakakita sya ng joint sa ilalim ng kama ni Maddi nung naglilinis sya.", paliwanag nya.

"Joint? Marijuana??", hindi makapaniwalang tanong ko. Agad naman na tumango si Holy.

"Hindi din ako makapaniwala nung una pero naalala mo yung nakita natin sya na may itinapon sa damuhan nung pauwi tayo pare-pareho?", tanong nya. Tumango naman ako. "Hinanap ko yun. Pinuntahan ko. At nakita ko doon yung iba pang ebidensya. Rolling paper, plastik na may pispis pa ng dahon tapos may joints din na nasindihan na.", sabi nya.

"Paano mo nalaman yang mga ganyang bagay? I mean, you seem to know things.", tanong ko sa kanya. Natawa sya ng mapait.

"Ang tagal kong natira sa kalye. Sa squatters area. Sa mga taong nakasalamuha ko, marami akong nalaman.", paliwanag nya. "Marami akong nakitang napariwara dahil sa pinagbabawal na ganyan.", dagdag nya.

Seryoso ang mukha nya nang mapalingon ako sa kanya. Kita ko din ang pag-aalala.

Napatingin ako sa kotse na sinusundan namin. Hindi kami close ni Maddi dahil mataray talaga syang babae. Yun din siguro ang isa sa mga dahilan kaya lihim na hinangaan ko sya. Maganda din sya at alam ko ay matalino sya. Malaki din ang utang na loob ko sa pamilya nila dahil kung hindi dahil sa kanila ay malamang pariwara na din ang buhay ko. Hindi pwedeng hayaan ko na lang na mapariwara din si Maddi.

"Sa tingin mo... kelangan ba natin ng pulis?", tanong ni Holy mula sa tabi ko.

"I have an idea. Pero bakit ba natin sya sinusundan? May kikitain ba syang may kinalaman sa bagay na yon?", tanong ko. Tumango naman sya.

"Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko eh.", sagot nya.

"I'll call for a back-up once na sigurado na tayo. For now, sundan muna natin sya.", sabi ko. Tumango lang naman si Holy.

Harold
ISANG oras na akong naghihintay dito sa La Soirée S'en Va. Isang mamahaling bar kung saan magkikita si Maddi at yung Josè na sinasabi nya. Oo, alam ko na ang ginagawa ni Maddi. Ilang araw ko din syang sinundan at nilagyan ko pa ng spy app ang calls nya. Alam ko, it's invasion of privacy but what can I do? She won't talk to me and I'm so worried about her.

Ayokong mapahamak ang kapatid ko.

Maya-maya pa ay natanaw ko na si Maddi na bumaba mula sa kotse nya. Sa harap lang ng bar ang parking at salamin pa ang pinto kaya naman kitang-kita ang mga bagong papasok sa loob. She's dressed to party pero alam kong hindi lang party ang ipinunta nya dito.

Pumunta sya sa dulong table kung saan konti lang ang naka-pwesto. Sa table na yon ay may tatlong lalaki na naghihintay sa kanya. Pare-parehong mukhang mayaman pero halatang mas matanda kay Maddi ang mga yon. Pasimple akong naupo sa table na pinaka-malapit sa kanila. Nakatalikod sa akin si Maddi kaya naman hindi nya ako nakikita.

"Thank you.", sabi nung maitim na lalaki nang iabot ni Maddi ang isang leather handbag. Ipinasa nya ito sa katabi nya para icheck. Tumango naman ito, parang sinasabi na tama ang lahat.

"Come on, let's have a drink.", sabi nung isang lalaki. Malaki ang tyan nito at mukhang nasobrahan na sa beer.

"No. Thank you. I must leave.", sabi ni Maddi.

"What? But drinking with you is included in the service that we paid for.", sabi nung maitim.

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Anong akala mo sa kapatid ko, prostitute?! Nanggigigil na ako pero hindi ako nagpahalata. Wala pang signal sila Hunter, yung taong kinausap ko sa squad nila mom.

Oo, alam na din ni mom bago ko pa malaman kaya naman nakabuo na kami ng plano para sa gabing ito.

"That must be a misunderstanding. I don't do that kind of stuff.", sabi ni Maddi. Kitang-kita ko kung paano nanggalaiti ang mukha nung maitim na lalaki. "Excuse me.", sabi ni Maddi at akmang tatayo na pero hinablot nung lalaki ang kamay nya.

"You'll come with us. You can't say no.", mariing sabi nito.

"Ano ba? Nasasaktan ako!", pagpupumiglas ni Maddi pero hindi talaga sya binitawan nung lalaki. Nakangisi lang naman ang dalawang kasama nya. "Let me go!", sigaw ni Maddi.

Akmang tatayo na ako para makialam pero nagulat ako nang biglang may lalaking mula sa likod ko na nagmamadaling lumakad palapit kina Maddi.

"Bitawan mo sabi, di ba?!", sigaw nya sa maitim na lalaki sabay sapak dito ng malakas. Bumaliktad ito mula sa kinauupuan nya.

"Hahahahahaha!", malakas na tawa ng pamilyar na boses mula sa likod ko.

Napalingon ako at nagkagulatan pa kami ng makita ang isa't-isa.

"H-harold, anong ginagawa mo dito?!", gulat na tanong ni Holy sa akin. Pero bago pa ako makasagot ay isang balabag ulit ang narinig namin.

"Ahhhhh! Stop!", sigaw ni Maddi habang pinapanood ang gulo sa harap nya. At nakita ko si Punch na pinagtulungan na nung tatlo. Mabilis akong lumapit para tulungan sya.

"Maddi! Maddi, halika na!", dinig kong yaya ni Holy kay Maddi pero hindi ko na sila natingnan. Hinila ko ang lalaking nasa ibabaw ni Punch at sinikmuraan ko ito. Namilipit naman ito sa sakit.

Maya-maya pa ay dumating na sila Hunter kasama ang ibang tauhan ni mom.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon