Chapter 29

174 12 21
                                    

Chance
NAGDILIM na pero pagkatapos namin mag-usap ni Holy ay dumiretso na ko sa kwarto ko. Hindi na ko bumaba ulit. Ngayong kalmado na ako ay naisip ko yung mga sinabi ko kay Holy kanina.

What the hell did I just do?

Umikot ako sa kama ko at muntik pang mahulog sa kabilang side. When did I had the guts to say them?? Naiinis na naman ako hindi sa iba kundi sa sarili ko. Pero naalala ko yung mukha nya kanina. Nagulat talaga sya.

Still cute kahit nanlaki yung mata nya kanina. And I smiled at that thought.

Now that I told her, I have nothing to hide anymore. I can show it to her freely. Then one thought hit me. She's my adoptive sister. Does that matter? Should I ask our lawyer to stop the process of adoption? As for mom, magiging anak nya pa din naman si Holy kapag kasal na kami eh.

"Kasal?", tanong ko sa sarili ko. At natawa ako ng malakas sabay hila sa unan na gamit ko. Tinakip ko yun sa mukha ko at maya-maya ay marahan na inalis iyon. Napatingin ako sa kisame at dahan-dahan na napangiti.

Holy
ILANG oras na ang nakalipas mula nang makaalis sila Harold, Cristina at Jessa. Hindi na ulit nagpakita sa amin si Chance mula nung magkausap kami sa kusina kaya nagdahilan na lang ako na sumama ang pakiramdam nya.

Nakaligo na ako, nakapag-toothbrush at nakapagpalit na din ng pantulog. Nakahiga na din ako sa kama ko. Antok na lang ang kulang kaso wala talaga eh. Ayaw akong dapuan ng antok.

Naaalala ko yung mukha ni Chance kanina na inis na inis nang makita kami ni Harold. Yung seryosong mukha nya nang sabihin nyang gusto nya ko. Yung pag-ngisi nya nang sabihin nyang wag kong gustuhin si Harold. At lahat ng yon, nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Parang may naghahabulang mga daga doon.

"Kumalma ka.", sabi ko na nakahawak pa sa dibdib ko. Pero hindi nagbago ang heartbeat ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ewan ko, pero pakiramdam ko ay may mali.

Soon magiging legal na akong Delco. Magiging magkapatid na kami. Oo, hindi nga kami blood-related pero magiging magka-apelyido pa din kami. Kikilalanin akong kapatid nya ng mga taong makakasalamuha namin. Pero aaminin ko din, sa kabila ng mga isipin na yan, natutuwa ako sa nalaman ko.

Hindi pwede 'to! Tsk.

"Nakakainis!", sabi ko sabay bato ng unan sa may pinto. Naiinis ako dahil nagugustuhan ko na din si Chance.
---

KINABUKASAN maaga pa din akong nagising. Pakiramdam ko, mukha akong zombie habang naglalakad pababa ng hagdan. Pero parang bigla akong nabuhayan ng dugo nang makita ko si mom na nakaupo sa sofa sa sala pagbaba ko. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ng nasa likod ko.

"Mom!", masayang tawag ni Chance doon. Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala sya. Wala, lutang talaga ako eh.

Nagmamadali syang bumaba ng hagdan at niyakap si mom nang makalapit sya. Masaya din naman syang niyakap nito.

"How are you, big boy?", tanong ni mom kay Chance nang magbitaw sila.

"Good. When did you arrive?", tanong nya dito.

"Kagabi. Tulog na kayo ng dumating ako eh.", sabi nito. "Holy, dear, have you been well?", tanong ni mom sa akin ng makalapit ako. Niyakap nya ko ng mahigpit.

"Opo. Welcome back po.", nakangiting sabi ko nang humiwalay dito.

"Inalagaan ka ba nito ni Chance?", nakangiting tanong ni mom.

Wala naman masama sa tanong nya pero pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko. Nakita kong nakangiti lang sa akin si Chance, hinihintay din ang sagot ko.

"Po? Hehe. O-opo.", naiilang na sagot ko.

"We took good care of each other, mom.", nakangiti pa din sa aking sabi ni Chance. Napangiti naman lalo si mom.

"That's very good to hear.", sabi nito. "Come. Let's have breakfast together. I missed the both of you.", sabi pa ni mom at hinila kami pareho papunta sa dining area.

Pagdating doon ay si Chance pa ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Gusto ko syang sawayin o pandilatan ng mata sa ginagawa nya pero nahihiya ako na baka makita ako ni mom.

"Kain na.", sabi nya pa pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato ko. Sunod nyang nilagyan ang kay mom.

"I see you two got closer. That's good.", nakangiting sabi sa akin ni mom. Muntik pa akong mabulunan.

Bakit gano'n sya tumingin? Parang may iba eh. O imagination ko lang yun? Tsk. Ngumiti lang din ako at nagtuloy sa pagkain.

"Well, Holy helped me a lot these past few days.", nakangiti pero seryoso ang pagkakasabi ni Chance no'n.

"Really? Tell me about it please.", masayang sabi ni mom.

"First, let me tell you na nag-file na ako ng leave sa agency.", sabi ni Chance. In an instant, nagliwanag pa lalo ang mukha ni mom. "Thanks to someone, I realize what should be my priority.", dagdag nya na sumulyap pa sa akin. At ang kabog ng dibdib ko, hindi ko na mai-describe!

"I am so happy, son.", sincere ang pagkakasabi ni mom noon.

"And so far, I'm doing good at school. I mean, hindi pa ako ulit kinakausap ng sarilihan ng kahit sino sa mga teachers namin.", natatawang sabi ni Chance.

"Talaga??", parang hindi makapaniwalang sabi ni mom. Tumingin sya sa akin na parang nagtatanong pero bakas sa mukha nya ang tuwa.

"T-totoo po yun. Actually, ilang araw na din po kaming naggu-group study dito ng ilang kaklase namin eh. Exam na po kasi namin next week. Hehe.", sabi ko.

Pilit ang tawa ko dahil sa totoo lang ay pinagpapawisan ako sa bawat tingin at ngiti sa akin ni Chance. Feeling ko anytime eh may sasabihin syang ikagugulat ko. Napaparaning na yata ako.

"I am truly happy. Let's celebrate today, okay? Lumabas tayong tatlo.", sabi ni mom. Wala naman na kaming nagawa kundi um-oo.

Well, parang gustong-gusto din naman ni Chance. I know how he missed his mom. At sino ako para sirain ang mood nila pareho?

The Brightest ColorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora