Chapter 4

416 33 20
                                    

KINABUKASAN, Sunday. Nag-aayos ako ng mga damit sa cabinet at drawer nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong tumayo at binuksan iyon. Si mom. Nakasuot ng kanyang business suit at may hawak na hand bag. Parang may lakad sya dahil naka-make up din sya.

"Magpapaalam lang ako. I'm leaving for Italy today, hija.", sabi nya habang nakatayo pa din sa pagitan ng pinto.

"Po? Eh paano po yan?", nag-aalalang tanong ko. Paano ako dito? Yun sana ang gusto kong itanong.

"Don't worry, mga one week lang naman ako doon.", sabi ni mom. One week? Ang tagal naman. Sanay naman ako mag-isa, kaya ko sarili ko. Kaso medyo awkward pa kasi ako dito sa mansion nila. "Kung may kailangan ka, andyan lang sila manang Norma. Magtanong ka sa kanila.", dagdag nya pa na ang tinutukoy ay yung katiwala nya na kusinera din. Parang head ng mga maid, gano'n. Inabot nya sa akin ang dalawang card.

"Ano po ito?", takang tanong ko at tiningnan ang dalawang card. Yung isa ay ATM card. Yung isa ay hindi ko alam. Pangalan ko lang ang naka-print doon at wala ng iba.

"ATM card, laman nyan ang allowance mo for the month. This one naman is para sa gate.", paliwanag nito. Oo nga pala. Card swiping nga pala ang gate ng mansion. Maya-maya ay sinamahan ko na bumaba si mom. Handa na ang mga gamit nya at inilalagay na sa kotse ng dalawang maid.

"Madam, wala na ho si sir Chance sa kwarto nya.", sabi ng isang maid. Napapalatak naman si mom.

"Hindi ko na alam ang gagawin sa batang yan. Dapat nga yata akong kumuha na ng magbabantay dyan para atleast alam kong may kasama sya sa tuwing aalis.", nag-aalalang sabi ni mom.

"Wag kang mag-alala, m-mom. Titingnan-tingnan ko sya.", naibulalas ko. What the fuck? Bakit ko sinabi yun? Tsk.

Gusto ko lang naman na walang alalahanin si mom na aalis ng bahay! Nakita ko na nagliwanag ang mukha nya sa sinabi ko kaya naman hindi ko na iyon binawi.

"Talaga, Holy? Naku, salamat. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.", sabi ni mom. Pinisil nya pa ang magkabilang balikat ko bago magpaalam. "O sige na, baka ma-late pa ako sa flight ko. I'll call na lang ha?", sabi nito habang naglalakad papunta sa kotse. Nang makasakay ay dumungaw pa ito sa bintana ng kotse. "Kayo muna ni Chance ang bahala sa isa't-isa, okay? Take care."

"Ingat po.", nakangiting sabi ko at pinanood na lumayo ang kotse hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
---

GABI na nang dumating sa mansion si Chance. Mukhang masaya ito dahil nakangiti itong dumiretso sa sala. Nakaupo ako noon sa sofa habang naghahanap ng magandang palabas sa TV.

"Where's mom?", tanong nya nang makalapit sa akin.

"Wala eh. Umalis.", casual na sagot ko sa kanya habang patuloy sa paglilipat ng channel.

"Saan nagpunta?", tanong nya ulit at tuluyang humarang sa TV screen. Napasimangot naman akong tumingin sa kanya.

"Sa Italy. Tumabi ka nga dyan, nanonood ako eh.", sabi ko sa kanya. Tumabi naman sya at tumingin sa TV.

"Nanonood? Eh naglilipat ka lang naman ng channel.", sabi nito at tinawag ang maid na padaan. "Nasaan si mom?", tanong ulit nito doon. Napatingin ulit ako sa kanya. Ayaw pa maniwala sa akin?

"Eh umalis na ho. May business affair po sa Italy. Ang sabi nya po kanina nagtext na lang sya sa inyo dahil hindi po kayo sumasagot sa tawag nya.", paliwanag naman ng maid na si aling Dolor.

O ano ka ngayon? Ayaw mo pa maniwala ah. Aasarin ko sana sya pero nakita ko kung paanong nalungkot ang mga mata nya. Matamlay na inilapag nya sa coffee table sa harap ko ang dala-dalang magazine at wala sa sariling umakyat sa taas.

"Anong nangyari dun?", tanong ko kay aling Dolor pero nagkibit-balikat lang ito. Dinampot ko ang magazine na nasa table. "Ano naman meron dito?", takang tanong ko sa sarili at binuklat ang bawat pahina.

Fashion magazine iyon na featured ang "freshest face of fashion" daw sabi sa cover. Tiningnan ko isa-isa ang mga modelo at nagulat ako nang makita ang mukha ni Chance sa isang page. Nakasuot sya ng suit and tie, in different colors. Kung gano'n nag-momodel pala sya. Ito ba yung photo shoot na sinasabi nya? Cool.

Chance
MATAMLAY na inilapag ko sa coffee table ang magazine na sana ay ipapakita ko kay mom. Tuwang-tuwa ako nang makita ko sa book store sa mall ang magazine na yon na naka-display. Bumili ako ng copy and I was so excited to show it to mom. Ang kaso umalis na naman pala sya. Business affair? Tss! Lagi naman syang ganyan. Alis ng alis, puro business tapos magagalit pag-uwi kakasita sa akin. She can't even support me in this career that I want for myself!

Malungkot na nahiga ako sa kama at hinubad ang sapatos na suot gamit ang paa ko. Mabuti pa noong nabubuhay si dad. Lagi silang may time para sa akin pareho. Nung namatay kasi si dad dahil sa sakit sa puso ay si mom na ang nagtake over sa lahat ng business namin. Alam ko naman that's for the both of us. Ang lungkot lang na nawala na nga si dad, parang nawala na din si mom.

Tok! Tok! Tok! Tok!

Medyo nagulat pa ako ng biglang may malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Who could this be? Istorbo sa pag-emote ko! Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Kakain na tayo.", nakangiting sabi ng babaeng nakatayo sa labas ng pinto. Si Holy. Annoying girl, always smiling like that.

"Hindi ako kakain.", walang ganang sabi ko at akmang isasara na ang pinto nang iharang nya ang paa nya doon. Gulat akong napaangat ng tingin sa kanya. "What are you doing?", inis na tanong ko sa kanya. Pero hindi pa din nawawala ang ngiti sa mukha nya. Hindi naman mapang-asar ang ngiti nya pero ewan ko, naaasar ako.

"Eh teka, magugutom ka nyan mamaya.", sabi nya.

"Ano namang pakialam mo?", seryosong tanong ko sa kanya. Nag-isip pa muna sya bago dahan-dahang inalis ang paa sa pinto.

"Wala. Wala akong pakialam.", tatawa-tawang sagot nya at itinaas pa sa ere ang dalawang kamay, as if giving up. Sinamaan ko muna sya ng tingin at padabog na isinara ang pinto ng kwarto ko. Annoying!

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now