Chapter 6

353 34 18
                                    

MABILIS na natapos ang klase. Half day lang ang pasok namin at ngayon ay uwian na. Nakita kong nag-aayos na ng mga gamit si Chance kaya gano'n na din ang ginawa ko.

"Bye, Chance!", maarteng paalam ng tatlong babae kay Chance. Hindi naman sila pinansin nito pero parang kinikilig pa din silang naglakad palabas.

"Omigod, so gwapo!", dinig ko pang bulong nung isang babae na kasama nila. Lumabas na din si Chance at agad ko naman syang sinundan.

"Bye, Chance!", exaggerated na panggagaya ko sa babae kanina habang naglalakad sa hallway. Inartehan ko din ang lakad ko.

"What are you doing?", takang tanong ni Chance sa akin.

"Ginagaya ko yung babae kanina. Omigod, so gwapo!", maarteng gaya ko ulit at natawa naman si Chance dahil don. Lumabas ang pantay-pantay nyang ngipin at mas lalo syang gumwapo. "Mas gwapo ka kapag ganyan. Tsk. Hindi na ako magtataka na may fansclub ka dito sa school.", sabi ko at inayos na ang lakad ko. Para akong tanga eh. Hindi bagay saken yung pabebeng lakad tulad nung mga kaklase namin.

"Manahimik ka nga.", masungit na naman na sabi nito. Sumakay kami sa elevator at pagdating sa ground floor ay dumiretso kami sa parking lot. Pagkasakay sa kotse ay tsaka muli nagsalita si Chance. "Why did you tell them that you're adopted?", hindi maitago ang inis sa boses nya. In-start nya na ang kotse at mabagal na nagdrive palabas ng school.

"Eh kesa naman isipin na mag-asawa tayo.", biro ko at tsaka natawa. Hindi naman nagbago ang itsura nya. "Hindi ko ba dapat yon sinabi? Top secret ba yon?", nagtatakang tanong ko nang makalabas kami sa kalsada.

"You know what? Just shut up.", sabi nya. At hindi na nga ako nagsalita.

Ano na naman problema nito? Kanina natatawa ngayon ang sungit na naman. Bipolar yata 'to eh.

"Oo nga pala. Pwede bang ihatid mo ko sa simbahan dyan? May pupuntahan lang ako.", maya-maya ay sabi ko sa kanya.

"I can't. May pupuntahan din ako.", diretso ang tingin sa kalsada na sabi nya sa akin.

"Dyan lang yun o! Sa likod ng school. Hindi na ko magpapahintay sayo. Ihatid mo lang ako.", pamimilit ko pa din kaya ayun, hinatid nya naman ako. Mukha nga lang labag sa kalooban nya. Ibinaba nya ako sa gate ng simbahan mismo. "Salamat! Ingat ka!", nakangiting sabi ko pagbaba. Hindi naman na sya nagpaalam at nag-drive na ulit paalis.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko na ang maliit na tindahan ni Reeya. Nakikita ko na nga din sya mula dito dahil suot nya na naman yung paborito nyang damit na neon orange ang kulay. Para syang MMDA. De joke! Tumawid na ako agad papunta sa tindahan at nakita kong andon din pala ang kapatid nyang bakla na si Josa. Joseph yun kaso nga bakla kaya ayun, naging Josa.

"Pabili po.", sabi ko nang makalapit at pilit ko pang iniba ang boses ko.

"Ano sayo?", tanong ni Reeya at pag-angat nya ng tingin ay agad ko syang nginitian. Saglit pa syang natigilan bago nakapag-react. "Holy! Anak ng tokwa kang babae ka, akala ko sa isang buwan na ulit kita makikita! Walangya ka, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ganyan ang suot mo?!", sunud-sunod ang tanong nya at halatang nagulat talaga. Lumapit na din sa amin si Josa non at gulat din ang mukha nya nang makita ang ayos ko.

"Ate Holy. Mygosh, ang ganda ganda mo na!", maarteng sabi ni bakla.

"Bakit dati ba hindi?", kunwaring nagtatampong sabi ko. Agad naman napangiti si Josa at bumawi.

"Sabagay, maganda ka na noon. Lagi ka nga lang madusing.", natatawang sabi nito. Natawa na lang din ako dahil totoo naman. Lagi akong marumi at madusing noon.

Maya-maya ay bumabalik si Reeya na hindi ko napansin na kumuha pala ng isa pang silya para sa akin.

"Ano na nga, hoy?! Magkwento ka!", sigaw ni Reeya at kinuwento ko nga na inampon ako nung babaeng tinulungan ko sa magnanakaw dito mismo. Na doon na ako nakatira sa mansion. At nag-aaral na ngayon sa LIS. "Big time ka ng hayup ka!", masayang sabi ni Reeya at may paghampas pa sa braso ko. Oo, masaya yan. Nagmumura at nananapak yan kapag masaya eh.

"Hindi naman 'no!", sabi ko. Totoo naman. Hindi ako ang big time, kundi yung nag-ampon sa akin.

"Baka naman pwedeng pumasyal sa mansion nyo, ate!", natatawang sabi ni Josa.

"Next time. Magpapaalam muna ako sa may-ari. Medyo masungit din kasi ang kasama ko sa bahay.", sabi ko.

"Ay, masungit yung madam na tinulungan mo?", tanong ni Reeya. Natawa naman ako.

"Hindi sya. Sobrang bait nga non eh. Yung kasama ko eh yung anak nya, sobrang sungit!", paliwanag ko.

"Hindi nyo kasama sa bahay si madam?", tanong ni Josa.

"Sa ngayon, hindi. Nasa Italy kasi sya gawa ng business.", sagot ko. Napapalatak naman si Reeya.

"Iba na talaga kapag big time. Italy? Yaman!", sabi nya.

"Sinabi mo pa! Kapag tumawag sya, magpapaalam ako na pupunta kayo sa mansion.", sabi ko. Ilang oras pa kami nagkwentuhan bago ako nagpaalam. Kinuha ko ang pera ko sa bulsa at inabot kay Reeya ang isang libo na nakuha ko. "O kayo na ang bumili ng pa-merienda ko sa inyo.", natatawang biro ko. Agad naman yung kinuha ni Josa.

"Big time ka na talaga, ate. Isang libo pang-merienda? Wow ha!", pagbibiro din ni Josa.

"Kinuha mo naman agad. Ang kapal ng mukha mo.", sabi naman ni Reeya sa kapatid nya. Makapal ang mukha ni Reeya pero pagdating sa pagtanggap ng tulong o ano pa man, mahiyain yan. Kahit sa akin nahihiya pa. Pero kumpara naman sa mga naitulong nya sa akin nung walang-wala ako, butil lang ng bigas yang inabot ko. "Huy, salamat.", sabi ni Reeya.

"O wag ka na mag-drama. Uuwi na ako.", sabi ko sa kanya. Nag-picture pa muna kami sa bago kong cellphone at kinuha ko din ang number nya bago ako nagpaalam umuwi.

The Brightest Colorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن