Chapter 24

216 20 11
                                    

Chance
"Is there a reason for you to be paranoid?", tanong ko sa kanya. Napaangat naman sya ng tingin sa akin at napatitig sa mukha ko. Maya-maya ay nangingilid na ang mga luha nya.

"T-this was a-almost the same s-scene.", nanginginig ang boses na sabi nya. "Bago ang huling gabi na... m-magkakasama kami ng p-parents ko.", sabi nya.

Then tears started to fall from her eyes. Agad naman syang tumungo at pinunasan yon. Pero nagtuloy pa din sa pagtulo iyon. Lumapit ako sa kanya at marahan na hinagod ang likod nya. It's awkward. I don't even know if I'm doing it right. Nanatili naman syang nakatungo.

"D-do you mind telling me about it?", tanong ko sa kanya nang humina ang paghikbi nya.

Suminghot pa muna sya bago nag-angat ng tingin pero hindi sya lumingon sa akin. She's looking straight ahead as if remembering something.

"N-nung umaga pa lang napansin ko na y-yung lalaking nagmamasid sa bahay namin noon.", simula nya. Huminga muna sya ng malalim bago nagtuloy sa kwento. "May kutob na ako pero hindi ko sinabi kahit kanino. Ilang beses ko syang nakita pero dahil busy kami sa party na pupuntahan namin, hindi ko pinansin. Until that night came, I saw him again. Kasama pala sya nung mga naghahanap kina mama at papa.", paliwanag nya.

Natahimik naman ako. Nag-uunahan ang mga tanong sa isip ko tungkol sa pamilya nya. Lumingon sya sa akin at nagulat ako ng ngumiti sya.

"Iniisip mo siguro kung bakit hinanap ang parents ko 'no? Hindi sila kriminal.", natatawang sabi nya.

"Well, I didn't say that.", sabi ko. Though tama sya. Iniisip ko nga kung bakit hinahanap ng mga tao ang parents nya. Ngumiti lang ulit sya at tumingin sa TV.

"Part sila ng isang exclusive protection squad. Hindi ko alam ang detalye pero may kinalaman siguro doon kung bakit sila hinahanap. Basta ang alam ko, hindi sila kriminal. They protect people who hire them. They even taught me self-defense to protect myself. Pero nung nag-10 years old na ko they decided to quit the job. I don't know why.", mahabang paliwanag nya.

May mga tanong pa din sa isip ko pero pakiramdam ko ngayon mas nakilala ko na si Holy. At lalo akong humanga sa kanya. After all she'd been through, she remained this optimistic person who always smiles. I admire her.

And I admit, I liked her even more. Then I thought, I wanted to keep her this way. She don't deserve to be haunted by her past. It wasn't her fault. Hinawakan ko ang kamay nya na noon ko lang napansin na nanginginig pa din pala. Gulat naman syang napatingin sa akin pero this time, hindi ako nag-iwas ng tingin.

"Don't worry. It will not happen again.", sabi ko sa kanya. Pinisil ko pa ng marahan ang kamay nya pagkatapos ay hinila sya palapit sa akin at niyakap sya. Hindi gaanong mahigpit at hindi din naman maluwag. Just right for her not to feel alone.

"Chance...", dinig kong bulong nya pero hindi pa din ako bumitaw.

"And from now on, tell me things. We'll worry about it together.", I told her sincerely.
---

Holy
HALOS tatlong oras na akong nakahiga sa kama ko pero hindi pa din ako makatulog. Nabawasan ang pag-aalala ko doon sa lalaking nakita ko sa labas ng gate pero napalitan naman ng pag-iisip ko tungkol sa nangyari kanina sa baba. Pagkatapos namin mag-usap ay medyo naiilang ako na nagpaalam sa kanya na magpapahinga na. Pero hindi naman ako makapagpahinga.

Ano ba kasi yun? Bakit nya ko niyakap at ano yung mga sinabi nya? Tumagilid ako ng higa at humarap sa pader. Gano'n naman ang magkakapatid siguro, di ba?

"Hayyy.", malakas na buntong hininga ko. Pero nung niyakap nya ko gumaan ang pakiramdam ko. Oo, nagulat ako pero nabawasan yung pag-aalala ko.

"And from now on, tell me things. We'll worry about it together."

Naalala ko yung sinabi nya at napaisip ako. Siguro naaawa lang sya akin.
---

KINABUKASAN sa school, wala na naman yatang trip ang teacher namin kaya kami na lang ang pinagtripan. Pinagtatanong ba naman kami ng tungkol sa mga hindi nya pa nadidiscuss. Ending ayun, nganga halos lahat kami.

"Lakas tama naman no'n, hindi pa nga natin napag-aaralan yun eh.", sabi ko paglabas nung teacher namin.

"How I hate her and her subject!", reklamo din ni Trina habang naglalagay ng lip tint.

"She hates you too. It's just fair.", sabi sa kanya ni Nigel sabay hagalpak ng tawa. Natawa din naman ang iba naming kaklase.

"It's okay. Bawi na lang tayo next time.", sabi ni Harold. Ano pa nga ba? Wala naman kaming magagawa. After ng isa pang subject ay break time na.

Mabilis kaming nagpunta sa cafeteria para kumain. Pipila sana ako sa Lane 1 kaso mas marami ang nakapila doon ngayon. Kainis! Sa Lane 2 na lang kami pumila.

"Ako na ang oorder. Maupo na kayo sa pwesto natin.", sabi ni Harold kaya naman naupo na nga kami ni Cristina.

"Ang bait talaga ni Harold.", sabi pa ni Cristina nang makaupo kami. Tumango lang ako.

Maya-maya ay nasa table na namin si Harold at isa-isang nilalapag ang pagkain namin. Pero bago pa makapaglagay sa harap ko si Harold ay biglang may isang tray ng pagkain ang lumapag doon. Macaroni and cheese with garlic bread, isang order ng rice at sinigang na baboy. Sabay-sabay kaming napaangat ng tingin sa naglapag no'n.

"Chance.", sabi ko na medyo gulat pa din. Pero kay Harold sya nakatingin. Gano'n din naman si Harold sa kanya.

"Chance, join us.", masayang sabi ni Cristina. Inaasahan ko naman na tumanggi si Chance pero hindi. Ngumiti sya kay Cristina at naupo sa tabi ko.

"Mamili ka kung ano dyan ang gusto mo.", sabi nya sa akin na nakangiti pa din.

"H-ha? Hindi na. May binili naman si Harold eh.", tanggi ko. Pero sinimulan nya nang tanggalin sa tray ang mga pagkain at inilapag yun isa-isa sa lamesa.

"Kulang yan. Kumain ka ng rice pag break time, you need it.", sabi nya. "Here.", sabay lapag ng bottle ng mineral water.

Napatingin ako kay Harold pero ngumiti lang sya sa akin.

"Let's eat.", sabi nya. Ngumiti na lang din ako kahit nahihiya ako.

Sayang naman yung binili nya. Pati effort nya sa pagpila. Eto naman kasi si Chance. Ano bang nakain nito at sumabay pa sa amin? Tsk. Napatingin ako sa kanya pero normal naman syang kumakain sa tabi ko. Normal, tipong akala mo eh araw-araw nya 'tong ginagawa.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now