Chapter 55

116 4 0
                                    

Holy
KALALABAS lang namin sa sinehan. Nanood kami ng pelikula ni Chance sa mall na malapit sa school namin. Ewan ko kung bakit, pero bigla akong niyaya ni Chance na lumabas daw kami. Pero syempre masaya ako 'no! Gusto ko din kasi na mag-date kami. Hahaha!

"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?", nakangiting tanong nya sa akin habang naglalakad kami sa mall. Umiling ako.

"Busog pa ko. Sa dami ba naman ng binili mong pagkain kanina eh.", sagot ko. Natawa naman sya.

"Eh alam ko kasing malakas kang kumain.", biro nya. Napasimangot naman ako sa sinabi nya. "At ayaw ko din magutom ka, syempre.", dagdag nya pa.

"Sus. Tapos kapag tumaba ang babae iiwan nyo na! Ganyan naman ang mga lalaki eh.", sabi ko. Napatingin sya akin na parang namamangha.

"Kung makapag-salita ka parang nagkaroon ka na ng maraming boyfriend at iniwan ka ah.", sabi nya.

Napaisip naman ako. Oo nga 'no? Natawa ako. Naririnig ko lang kasi mga hugot na yan sa mga kaklase namin. Hahahaha!

"So? Okay. Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. Kaya maswerte ka kapag sinagot na kita.", makapal ang mukhang sabi ko. Nagulat ako nang hawakan nya bigla ang kamay ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Sa mga mata nya nakangiti sa akin.

"Ako ang pinaka-maswerte kapag nagkataon.", sabi nya. Para akong nawalan ng hangin dahil sa sinabi nya.

Dahil din sa mga tingin nya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya. Mamamatay ako sa kilig!

"Uh, doon tayo sa labas. Magtingin tayo ng mga tinda sa mga stalls.", pag-iiba ko sa usapan. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong ngumiti sya.

"Let's go.", sabi nya. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng mall.

Pagdating sa labas ay ang daming stalls doon kesa kanina nung pumasok kami sa mall. Iba-iba ang mga itinitinda nila kaya iba-iba din ang disenyo ng mga stalls nila.

"Ang cute naman nito!", sabi ko sa nang mahawakan ang isang blue shirt na may embroidery na "sunshine".

"Do you like it? Bagay sayo yan.", sabi ni Chance. Umiling ako agad nang akmang kukunin nya ang wallet nya.

"Ako na ang magbabayad. Ibibigay ko kay Reeya. Hehe.", sabi ko. Hindi naman sya umangal. Kumuha din ako ng isa pang shirt para kay Josa.

Pagkatapos ay lumipat kami sa may mga jewelries. Ang daming hikaw at singsing na gawa sa iba't-ibang klase ng bato. Meron ding mga gawa sa silver at gold.

"Ang ganda o!", sabi ko kay Chance sabay pakita sa kanya ng hikaw na heart-shaped. Gawa sa silver iyon.

"I'll buy it for you, if you want it.", nakangiting sabi ni Chance. Umiling ako.

"Para kay Cristina.", nakangiting sabi ko sabay abot ng wallet ko. Kumuha ako ng pera at ibinayad sa sales clerk na nandoon. "Pakisama na din po ito.", sabi ko na itinuro ang teardrop earrings na kulay red ang bato.

"Thank you po.", pasalamat nung sales clerk nang iabot sa akin ang mga binili ko. Nagpasalamat din ako sa kanya.

"Tara doon.", sabi ko kay Chance sabay lakad papunta sa nagtitinda ng men accessories.

Chance
HINDI agad ako sumunod kay Holy. Tumingin pa muna ako sandali sa mga singsing na nakalagay doon. Sa mga couple rings. Gusto kong bumili ang kaso hindi ako makapamili. Paano ko malalaman kung anong magugustuhan nya?

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now