Chapter 54

112 4 5
                                    

Chance
HALOS buong gabi na akong wala sa mood dahil sa mga iniisip ko. Nag-aalala talaga ako na baka sabihin ni Maddi kay Holy ang mga nakita nya. Kahit wala naman akong ginagawang masama, pakiramdam ko mali ako. Tsk! I guess it's really a mistake to go out tonight! And it's a big mistake to let these girls join us! Alam kong may gusto sa akin si Maddi at ngayon ay baka galit sya sa akin dahil alam nyang si Holy ang gusto ko, na pinsan nya pala.

Paano kung gamitin nya yung nakita nya kanina para sirain kami?

Pero isa pang iniisip ko ay yung nadampot kong stick ng marijuana. I'm not a kid, I know these things though I never really tried them. But I know what this is. Kay Maddi nga kaya ito? Is she taking this thing? I look at the group around me. Pare-parehong nakaupo sa couch sila Jax at Kemen kasama yung dalawang babae kanina. Si Joyan ay nakikipag-kwentuhan na din sa kanila.

Paano kung isa sa kanila ang may-ari nito at hindi si Maddi? Pero naalala ko nunh inilapag nya ang baso nya sa lamesa kanina, may nalaglag mula sa kamay nya. Ito kaya yun?

Should I ask Holy kung alam nyang gumagamit nito si Maddi? If I ask her, tatanungin nya kung saan kami nagkita ni Maddi and then it will lead her to know these things. Tsk! Eh kung si Harold tanungin ko? Gano'n din. Tatanungin nya si Maddi and Maddi will be mad at me tapos sasabihin nya kay Holy ang mga nakita nya!

Mababaliw na yata ako kaiisip.

Inilabas ko ang stick mula sa bulsa ko at ihinagis yon sa lamesa. No one noticed it. Napaisip ako. Hindk ko naman sigurado kung kay Maddi yan eh. I don't have to ask and worry. Tama, hahayaan ko na lang. That way, this night will be a secret.
---

Holy
LUNES ng umaga, nagulat ako pagbaba ko sa dining area ay nandoon si Chance. Kumakain kasabay nila tita Morinne at Harold.

"A-anong ginagawa mo dito?", gulat na tanong ko.

Pare-pareho naman silang napalingon sa akin. Ngumiti si tita Morinne sa akin at kahit wala oa syang sinasabi ay parang nahihiya na ako.

"Good morning, Holy. Maupo ka na.", sabi nya sa akin. Naupo naman ako sa tapat ni Chance. Parang naiilang din si Chance dahil hindi sya makatingin ng diretso sa mata ko. Ano ba kasing ginagawa mo dito?

"Ano pong meron?", hindi ko mapigilan ang hindi magtanong. Kumuha ako ng pagkain pero konti lang.

"Well, he's here to pick you up.", nakangiting sagot ni tita Morinne. "Your suitor is so sweet.", dagdag nya pa. Muntik naman akong mabulunan.

Napatingin ako kay Harold na halatang nagpipigil ng tawa. Si Chance naman ay asiwa ang pagkakangiti sa akin.

Tsk! Sinabi nya kay tita na manliligaw ko sya? Nakakahiya!

To think na alam ni tita Morinne na may gusto ang anak nya dito. Nakakainis naman o! Awkward! Mabuti at wala si Maddi kung hindi ay lalong awkward ang eksena!

"Pero ihahatid naman ako ni Punch eh!", bulalas ko.

"It's fine, Holy. But I'll have Punch follow you all the way to school just for the safety of you both.", sabi ni tita Morinne. Ngumiti naman si Chance sa kanya.

"Thank you, tita.", sabi nya. Tumango lang si tita Morinne na nakangiti pa din. Ngumiti din sya sa akin. Parang aliw na aliw sya sa mga reaksyon namin.

Mabilis kaming natapos kumain at nagpaalam kay tita Morinne na papasok na. Naunang mag-drive si Harold, sumunod si Chance na kasama ako sa loob ng kotse nya, nasa dulo si Punch.

"Bakit ka nag-punta dito??", agad na tanong ko kay Chance nang makalabas kami sa gate ng mansion. Parang nabigla naman sya sa tanong ko.

"S-sinundo kita syempre!", sagot nya habang nagda-drive. Hindi sya nakatingin sa akin.

"Tsk. Sinabi mo kay tita na nanliligaw ka sa akin? Nakakahiya!", maktol ko. Napatingin sya sa akin sandali at ibinalik din naman agad sa kalsada ang tingin.

"Anong nakakahiya dun? Ikinakahiya mo ko?", seryosong tanong nya. Natigilan ako. Yun ba ang dating ng tanong ko?

"Hindi yun ang ibig kong sabihin.", sabi ko.

"Then what?", tanong nya. Nang tumingin ako sa kanya ay seryoso talaga sya.

"Ang ibig kong sabihin, baka kasi kung ano isipin ni tita Morinne. Alam nyang may gusto sayo si Maddi tapos ngayon nanliligaw ka sa akin. Parang awkward, di ba?", paliwanag ko. Sya naman ang natigilan at parang nag-iisip.

"Wala ba si M-maddi sa inyo?", parang kinakabahan na tanong nya. Kinakabahan? Bakit naman?

"Mabuti nga at wala. Maagang pumasok. Kung andon sya, magagalit na naman yun sa akin.", sagot ko.

"H-hayaan mo na. Mukhang okay lang naman kay tita Morinne eh. And I t-think, okay naman na din kay M-maddi.", sabi nya. Nagtataka akong napatingin ulit sa kanya.

"Paano mo nasabi?", tanong ko. Parang lalo naman syang kinabahan. Napapalunok pa sya.

"J-just a guess. Hehe.", sagot nya. Tumango-tango na lang ako.

Sabagay, parang wala naman na kay Maddi dahil ang pinuputok na lang ng butsi nya ay yung pang-aagaw ko daw kay lolo.

Napa-praning na sya kung yun ang iniisip nya kaya nya ko inaaway. Kung akala nya eh aagawin ko lahat ng yaman nila. Tsk. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa parking lot at pagkatapos ay umakyat na sa classroom namin.

Chance
"MAY gagawin ka ba mamaya?", tanong ko kay Holy habang nag-aayos sya ng gamit nya. Saglit pa syang nag-isip bago sumagot.

"Hmm. Magpapaturo ako mag-drive kay Punch.", sagot nya. "Bakit?", maya-maya ay tanong nya nang palabas na kami ng classroom. Nauna na si Harold at Cristina kaya kaming dalawa lang ang naglalakad na magkasabay ngayon.

"Uh, I just thought I'll invite you to a movie?", sabi ko. Napaangat naman sya ng tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Bakit?", tanong nya.

"Hindi pa tayo nakakapanood ng sine eh. I mean, hindi pa nga din tayo nakakalabas na tayong dalawa lang.", sabi ko.

"Lumabas na tayo noon ah.", sabi nya. "Nung sinama mo ko sa agency nyo tapos yung sa mall na ibinili mo ko ng damit, di ba?", paliwanag nya pa. I stop for a while and try to remember.

"Eh hindi pa ako nanliligaw sayo nun eh!", sabi ko nang maalala ko.

Medyo napalakas pa ang boses ko kaya naman napatingin sa amin ang ibang estudyante. Pero wala akong pakialam. I actually wanted them to know that I'm courting this beautiful girl. Hehe.

"Oo nga 'no?", sabi nya sabay tawa. "So inaaya mo ako mag-date?", nakangiting tanong nya. Ahh, how I love that smile! Nawawala lahat ng iniisip ko kapag nakikita ko ang ngiti nya.

"Yes.", I answered with no doubt. Lalong lumapad ang pagkaka-ngiti nya sa akin kaya napangiti na din ako.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon