Chapter 58

107 3 0
                                    

Holy
"INGAT pagbalik.", sabi ko kay Punch nang makababa ako ng kotse.

"Balik na lang ako after school hours.", sabi nya. Tumango lang ako at pinanood syang umalis. May gagawin sya sa opisina nila kaya naman hanggang gate na lang ako nagpahatid.

Naglakad na ako papasok ng school at nagulat pa ako nang may malakas na bumusina mula sa likuran ko. Napatingin agad ako at galing sa loob ng puting kotse ay sumilip si Joyan. Nakangisi sya sa akin hanggang sa nasa tapat ko na ang bintana ng sasakyan nya.

Anong problema nito? Hindi naman ako nakaharang ah, sa isip ko.

"Good morning. Do you need a ride?", tanong nya. Umiling naman ako.

"Hindi na. Malapit naman na ang building ng seniors.", sagot ko. Tumango lang sya pero nandoon pa din ang ngisi nya.

"Okaaaayyy.", sabi nya at nagpatuloy na sa pagda-drive.

Hindi ko na sya inintindi at nagtuloy na din ako sa paglalakad. Mabuti na lang at hindi ko sya makakasabay sa pag-akyat dahil magpa-park pa sya ng kotse nya eh.

Nang marating ko ang building namin ay nagulat ako dahil biglang may nagtakip sa mga mata ko.

"Guess who?", sabi ng boses na alam na alam ko naman kung sino kahit pilitin nya pang ibahin iyon. Napangiti ako.

"Chance, ikaw yan alam ko.", sabi ko. Natawa naman sya at tinanggal ang kamay nya sa mata ko.

"Tsh. Nahulaan mo pa din!", kunwari ay dismayadong sabi nya. Ako naman ang natawa sa mukha nya.

"Kahit ibahin mo pa ang boses mo, kabisado ko na ang timbre nyan.", pagyayabang ko. Inakbayan nya ko at naglakad kami papunta sa elevator.

"Ganyan ka na ka-obssess sa akin?", tanong nya sabay tawa.

Sakto naman bumukas ang pinto ng elevator. Tumahimik kami pareho dahil may mga kasabay kaming ibang estudyante.

Pagpasok namin sa classroom, ilang minuto lang ay dumating na din ang teacher namin kaya naman nakinig na muna kami. Kapansin-pansin ang sigla ni Chance ngayon. As in sobrang nagpa-participate sya sa class discussion at nagtatanong kung may hindi sya naintindihan. Ibang-iba kumpara kahapon.

"You're very cooperative today, Delco. Keep it up.", bati sa kanya ni Mrs.Alonzo noong huling subject namin.

"Thank you, ma'am.", nakangiting sabi ni Chance.

Napasulyap pa sya sa akin kaya napangiti din ako. Siguro nag-oover react lang ako kahapon. Siguro okay naman sya.
---

"UNA na ako sa inyo. Umuwi kasi galing Korea ang ate ko, sabay-sabay kaming magla-lunch ngayon. Bawal ma-late. Hehe.", paalam sa amin ni Cristina nang nasa parking lot na kami.

"Ingat kayo.", sabi ko. Sumakay na sya sa kotse nya at nagmaneho na palabas ang driver nya.

"Hindi ka ba susunduin ni Punch?", tanong sa akin ni Harold. Umiling ako.

"Nagtext ako sa kanya na ihahatid ako ni Chance.", nakangiting sagot ko sa kanya.

"I see. Ingat kayo.", sabi ni Harold. "Pare, ingat.", sabi nya kay Chance. Ngumiti naman ito sa kanya.

"Iingatan ko 'to, pare.", sabi ni Chance kay Harold na umakbay pa sa akin.

"Huy, ano ka ba?", saway ko sa kanya pero hindi naman nawala ang ngiti sa mukha nya. Nakakahawa. Natawa naman si Harold sa amin.

"I'll go ahead.", sabi nya at sumakay na sa kotse nya. Nang makaalis sya ay sumakay na din kami sa kotse ni Chance.

"Saan tayo?", tanong nya nang makapag-seatbelt na kami. Nagtatakang napalingon ako sa kanya. "Pasyal tayo bago umuwi.", nakangiting sabi nya.

"Sige.", masayang sabi ko.

At nag-drive na nga sya palabas ng school. Habang nagda-drive sya ay naging pamilyar sa akin ang daan kaya naman nalaman ko kung saan kami pupunta.

"Luneta Park?", tanong ko.

"I just want to relax.", nakangiting sagot nya. Tinagilid ko ang ulo ko nang tumingin sa kanya.

"Stressed ka ba?", tanong ko.

"No!", parang gulat na sagot nya. "Makita pa lang nga kita nawawala na pagod ko. How could I be stressed?", sagot nya. Napangiti naman ako doon. Maya-maya pa ay nakapag-park na kami.

Naglalakad-lakad kami sa malawak na damuhan hanggang sa makarating kami sa parteng maraming puno. Hinubad ni Chance ang coat ng uniform nya at inilatag sa damuhan.

"Upo muna tayo.", sabi nya.

Inalalayan nya pa muna akong makaupo at tsaka sya naupo sa tabi ko. Ilang minuto din kaming nakatingin lang sa mga puno at sa mga taong naglalakad bago nagsalita ulit si Chance.

"Ang sarap tumambay dito. It's so peaceful.", nakangiting sabi nya. Sumang-ayon naman ako.

"Oo nga eh. Ang lamig pa ng hangin.", sabi ko. "Tambay tayo madalas dito.", dagdag ko pa. Napalingon sya sa akin.

"Do you like being with me?", seryosong tanong nya.

"Hindi naman ako sasama sayo kung hindi eh.", natatawang sagot ko.

"I hope it stays that way.", sabi nya. Parang may ibang kahulugan yon. "Tinago mo ba yung letter na binigay ko sayo?", tanong nya ulit.

"Letter?", kunot noo na tanong ko.

"Yung assignment natin na paragraph about sa favorite color.", sagot nya. "L-love letter ko yun para sayo eh.", mahinang dagdag nya. Parang nahihiya sya sa sinabi nya

"Ah. May nagbibigay pa pala ng love letter ngayon?", biro ko.

Napanguso naman sya na tumingin sa mga puno. Natawa ako sa itsura nya. Parang napahiyang bata eh. Hahahaha!

"Itinago ko.", maya-maya ay sabi ko.

"Talaga?", tanong nya nang lumingon sa akin.

"Oo. First time lang kasing may gumawa para sa akin ng gano'n kaya tinago ko. Hehe.", nakangising sabi ko. Napangiti na din sya.

"First time ko din gumawa ng gano'n.", sabi nya.

Hinawakan nya ang magkabilang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Hindi ako nakagalaw agad dahil nabigla ako. Parang isang maling galaw ko eh sasabog ang puso ko.

"Kahit anong mangyari, ikaw ang brightest color ko, Holy. It will always be you, my love.", sabi nya. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang paningin namin.

Parang may lungkot sa mata nya pero ngumingiti sya. Kinakabahan ako sa mga salita nya, siguro dahil na din sa saya at kilig. Pero may iba.

"I love you.", maya-maya ay sabi nya habang nakatitig pa din sa akin.

At nag-doble ang kabog ng dibdib ko. Ito ang unang beses na sinabi nya yan sa akin. Dahan-dahan nyang binitawan ang mukha ko.

"It's okay if you can't say it back now. I'll wait.", sabi nya.

"I love you too.", sambit ko. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko dahil yon talaga ang nararamdaman ko. Mahal ko sya at sigurado ako don.
---

DALAWANG oras na akong nakahiga sa kama pero hindi pa din ako makatulog. Siguro dahil sa sobrang kilig. Naiisip ko pa din kung paano sinabi sa akin ni Chance na mahal nya ko. Yung titig nya hindi din mawala sa isip ko. Hay, para akong nakalutang sa ulap sa sobrang saya ko. Bumangon ako at kukuha sana ng tubig sa baba pero pagbukas ko ng pinto ay agad kong narinig ang isang boses na bumubulong.

"Oo na, okay? Will you stop calling me? I'm coming over.", pigil ang inis na sabi ng boses.

Si Maddi iyon. Sumilip ako sa pinto at nakita ko syang nakatalikod sa akin pababa ng hagdan.

"Shit!", sabi nya at nagtuloy na sa pagbaba. Mabilis ko syang sinundan pababa.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon